Wednesday, November 09, 2005

Hero TV Recognized ANIME KABAYAN

Mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa gagawing Tagalog-dubbed Anime Channel ng ABS-CBN Creative Programs, Inc. at Telesuccess Productions ay naging masigasig na ako sa pagkalap ng mga balita tungkol dito... Noong una ay iniisip kong imposible ito dahil kailangang maraming anime ang dapat maipalabas sa channel na ito kung matutuloy ang balak na ito at ang patuloy na conflict between ABS-CBN at GMA...

Pero nawala ang lahat ng pagdududa ko... dahil sa ibinahagi sa aking sulat ng Celestron Cable TV galing sa ABS-CBN CPI tungkol sa balitang ito... Totoo ang mga balita at impormasyong nakalap ko... Basahin ang topic kong ABS-CBN, Telesuccess' HERO TV, a BIG LEAP for ANIME!... Naroon ang mga komento ko at mga posibleng nakikita ko sa hinaharap ng Hero TV sa taong ito, lalo na sa mga susunod na panahon...

Akala ko, hindi ito mapapansin ng mga taong nasa likod ng Hero TV... mula nang magbigay na ng suporta ang mga anime fans, higit na ang mga nasa ABS-CBN forums, lubha akong natuwa sa kanilang mga komento... Natural lang siguro iyon, dahil mga kapwa anime fans ko naman iyon...

Pero laking gulat ko nang makatanggap ako ng komento mula mismo sa Hero TV:

"Sana dumami pang animefans na katulad mo !!! mabuhay ka !!! Kami ay Creative Programs, Inc. (CPI)-isang hamak na subsidiary lamang ng ABS-CBN, hindi po kami ABS-CBN at lalong hindi po kami kasali sa network wars (bagama't minsa'y nadadamay sa ayaw at gusto namin) na nagpapagulo sa mga paborito nating programa =)"

Tuwang-tuwa ako... dahil may mga taong katulad nila na tunay na kumikilala ng aking mga kakayahan at paninindigan... "Bilang anime fans, sumusuporta ako sa Hero TV" iyan ang una at matibay akong pahayag... Marami man ang kumukwestiyon sa kredibilidad ng anime channel na ito, lalo na sa isyu ng Tagalog-dubbing capabilities nito ay marami pa rin ang nais makapanood nito...

Dito sa San Pablo City, mapapanood ang Hero TV sa Telmarc Cable TV (hindi ko lang alam kung anong channel)... Nananawagan ako sa Celestron Cable TV na kunin din ang Hero TV... Tatapatin ko po kayo, hindi na gaanong maganda ang mga channel line-up ninyo, lalo na ng panahong tinanggal ninyo ang Jack TV...

Sumali rin ako sa Hero TV message boards... Wala pa naman silang official website kaya doon muna ako tumambay... Hanggang sa dumating ang panahong magsasagawa sila ng una nilang convention... ang HATAW! HANEP! HERO!... If God's will, baka makapunta ako diyan...

Lalo kong naramdaman ang kahalagahan ng Hero TV sa mga anime fans na katulad ko... nitong Martes ng umaga ay nakatanggap ako ng ilang premium items mula sa kanila... Isang Naruto commemorative clock at necklace, limang H3 convention leaflets at dalawang H3 big posters...

Salamat po, Hero TV sa mga regalong ibinigay ninyo sa akin...
Salamat po, Hero TV sa pagtitiwalang ibinigay ninyo sa akin...

Sana po ay makapunta ako sa H3 convention upang personal ko po kayong pasalamatan....

Because Hero TV never look down on anime fans like me...

2 comments:

theBlockerPH said...

maski hindi ko man aminin...
TAMA KA.

nakikinig ang HERO...
nakikinig ang ABS-CBN...


eh ano ang GMA...? WALA!

FreedomStrike Group said...

hmm, tama ka dyan evil eye

but anyways, kita kits na lang tayo sa 12th nov!