My NEW SKED on 101.5 Hot FM (Laguna and San Pablo City)
HOT WAKE UP CALL
Mondays to Fridays @ 5:00 to 6:30 am
(with Anime Pick of the Hour)
EVENING HOT DRIVE
Tuesdays and Thursdays @ 7:00 to 9:00 pm
(with Anime Pick of the Night)
MID DAY HOT LIST
Saturdays @ 11:30 am to 1:00 pm
(with Anime Pick of the Week)
-----
Everytime na uupo ako sa podium para sa aking mga radio shows sa Hot FM, unang pumapasok sa isip ko na dapat fully loaded ang ibibigay kong entertainment sa mga tagapakinig ko, specially sa mga walang sawang nakikinig sa inyong lingkod... Mukhang sa lahat ng mga DJs dito sa Hot FM ay ako lamang ang gumagawa ng gimmick sa bawat radio shows ko (sa tulong na rin nina DJ Genjo Sanzo at DJ Kaz)...
Sa mga nagtatanong, paano ba ang format ng ANIME PICK? Ganito po iyon...
Anime Pick of the Hour/Night - mga anime songs via request sa aming Hot Textline 229931 o di kaya ay sa Hot Landline 801-8397
Anime Pick of the Week - mga anime songs na FIRST TIME na maririnig sa Hot FM
-----
Now, on to my topic... Gusto ko lang ikuwento sa inyo ang aking naranasan noong mga unang araw akong nakaupo sa radyo...
Minsan may natanggap akong request sa aming textline sa 229931... at nagrerequest sa akin ng theme song ng isang asianovela... Noong mabasa ko ang salitang "theme song", isinalang ko na kaagad iyun... after ng ilang minuto, nakatanggap uli ako ng text mula sa mismong nagrequest... HINDI daw iyun ang request niya... Taka naman ako... pero sa isip ko, ALAM ko na iyun talaga ang theme song ng asianovelang iyun... Nang binasa ko pa ang text niya, doon kumulo ang dugo ko...
Eto na siguro ang PINAKAMALAKING MALING PANINIWALA ng mga kababayan natin regarding panonood ng mga asianovelas... ang THEME SONGS... sa mga nakalipas na mga panahon, kapag ang isang asianovela na ang pinag-uusapan, ang unang pumapasok sa mga utak nila ay yung kanta o "theme song" nga kung tawagin... partikular na at mas madalas yung mga kanta na mula sa mga OPM artists...
Well, mga anime kabayan... Let's get this straight... For the record... Once and for all...
HINDI KAILANMAN...
...naging THEME SONG ng HOTELIER (GMA 7) ang STAY ng CUESHE!
...naging THEME SONG ng SASSY GIRL CHUN HYANG (GMA 7 ) ang NAAALALA KA ng SHAMROCK!
...naging THEME SONG ng FROG PRINCE (GMA 7 ) ang IN THE NAME OF LOVE ni YASMIEN KURDI!
...naging THEME SONG ng LOVERS IN PARIS (ABS-CBN 2 ) ang WAG NA WAG MONG SASABIHIN ni KITCHIE NADAL!
...naging THEME SONG ng ATTIC CAT (GMA 7) ang SA KANYA ni SHARON CUNETA!
...naging THEME SONG ng SWEET 18 (GMA 7) ang I KNOW ni YASMIEN KURDI!
...naging THEME SONG ng FULL HOUSE (GMA 7) ang FALLIN ni JANNO GIBBS!
...naging THEME SONG ng HEAVEN's COINS (QTV11) ang SORRY ng CUESHE!
(marami pang ganyan!)
Bakit? Kung ang mga katulad ng Endless Love at Jewel in the Palace, TATANGGAPIN KO PA! Dahil TOTOONG THEME SONGS ang ginamit, pero sa kaso nila, ito ay ITINAGALOG!
Kaya MALI ang PANINIWALA ng iba diyan! Sa totoo lang, SISIKAT din naman ang mga OPM songs natin ng HINDI GUMAGAMIT ng ASIANOVELA!
Baka naman ikatuwiran ninyo, ginawa rin iyan sa ANIME?
Ang tanong, sa mismong palabas, pinatutugtog ba iyun? Gawin nating halimbawa ang Detective Conan, gumamit sila ng Smooth Criminal at Just Like a Pill, pero THEME SONGS pa rin nila ang pinatugtog, Japanese song!
Kaya hindi na ako nagtataka, mas maiintindihan pa rin ang wikang Hapon kaysa sa wikang Tsino o Koreano... Kasi nga, kailangan pang manggatong ng ilang artistang Pinoy para sa kalokohan ng ibang bansa!
Isipin ninyo iyun, kanta halimbawa ni Yasmien, ilalagay sa palabas ng Tsino? Kung sa dramang Pinoy, tatanggapin ko pa! Eh, nakakahiya ang ginagawa ninyo!
2 comments:
Hmm, If I were a record producer, I'd be delighted if I could hear Ryan Cayabyab render to the San Miguel Philharmonic some J-pop like the GS 2nd OP!!!
I'd be dead happy!
well, di natin masisisi ang ilang mga kababayan natin dahil nai-associate na sa mga Asian novelas na iyan ang mga OPM hits na iyan dahil ginamit sila sa promo ng mga ito. May new entry ako sa blog ko. Sana'y makabisita ka. ^_^
Post a Comment