Tuesday, December 27, 2005

OTAKU's VERDICT RESULTS and ANALYSIS!

And now, the MOMENT of TRUTH...

Narito na ang resulta ng katatapos na OTAKU's VERDICT ng MAGTIBAY ANIME...

OTAKU's VERDICT Results

----- ----- -----

Kung nagdududa kayo sa mga resulta, huwag po kayong mag-alala... Dahil masusing binantayan po ang poll na ito ng inyong lingkod, maging ang iba pang mga tagapagtaguyod ng poll na ito...

Narito ang naging pagsusuri ko sa katatapos na poll na ito...

Local TV's MOST PHENOMENAL ANIME:
WINNER: Naruto (ABS-CBN 2) 63.64%
Sa pananatili niya sa timeslot (5:30 pm) at sa continuity... Naging mahina ang laban ng GMA 7's anime block dahil sa pag-atras ng FMA sa timeslot at pagpapalabas ng gasgasin nang DBZ/SD...

Local TV's MOST PHENOMENAL ANIME (Honorable Mention):
WINNER: Gatekeepers (ABS-CBN 2) 48.65%
Since na napanood ko ito sa AXN few years back, inasahan kong maipapalabas ito... but it took few years bago ito naipalabas ngayong taon... Maganda rin ang ipinakitang laban ng 2nd placer SD Gundam Force sa poll dahil sa series na ito that shows the "lighter side" of a Gundam...

MOST PHENOMENAL ANIME (Japan's New Titles):
WINNER: Bleach 34.62%
Tulad ng analysis ng karamihan, ito na siguro ang tatapat (kung hindi tatalo) sa popularidad ng Naruto, naroon na rin ang balitang nakuha na ng Pinas ang rights ng anime na ito at inaasahang maipapalabas na ito next year... Ito lang ang category na dikit ang laban ng mga contenders...

Local TV's MOST INSPIRING TEEN/DRAMA ANIME:
WINNER: Fruits Basket (ABS-CBN 2) 40.00%
Ito na ang unang tumatak sa mga otakus kapag Sabado bago mag-tanghali... Kung nasundan sana ito agad ng KareKano, nabawasan siguro ng boto ang FB...

ABS-CBN 2's RE-RUN ANIME:
WINNER: Gundam Seed 25.49%
Mapa-cable TV o local TV, marami ang humaling sa GSeed... naging kalaban nito ngayong taon ay Regional Programming ng ABS... maganda rin ang naging laban ng 2nd place na Samurai X...

GMA 7's RE-RUN ANIME:
WINNER: Full Metal Panic 36.36%
Story, chemistry between lead characters and military technical details... Idagdag mo pa ang magandang Tagalog-dubbing production sa pangunguna ng boses ni Kaname na si Grace Cornel...

Local TV's ANIME HALL OF BEEN DISGRACED (Unfinished Run):
WINNER (considered as a LOSER): Marmalade Boy (GMA 7) 29.79%
No doubt. Kung ipinagpatuloy lang sana ang pagpapalabas nito (kung hindi dahil sa conflict sa timeslot, or sa bigat ng story), hindi sana ito ang kahihinatnan ng poll sa kanila... Para naman sa 2nd placer na Striker, ito na ang pagkakataon na bumawi dahil palabas na ito sa QTV Channel 11...

The OUTSTANDING ANIME TLC TV NETWORK (Local TV):
WINNER: ABS-CBN Channel 2 50.00%
Kulang man sa timeslot sa hapon, tunay ang pagpapahalaga ng ABS sa lahat ng viewers, even anime fans... They promised to continue to dub Naruto and they deliver... GMA 7's ignorance pull themselves down...

The OUTSTANDING ANIME TLC TV NETWORK (Cable TV):
WINNER: Hero TV 52.17%
Once a dream, now a reality... From the old to the new titles, H3 convention, the Theatrixx movie block... Maganda rin ang laban ng 2nd placer Animax, limited coverage sa bansa ang naging batayan sa poll na ito...

ANIME 2005 RATING:
A BAD Year 28.85%
From GMA 7's ignorance, limited timeslots, boosting weekend programming rather than weekday programming, very late new titles premiering... Kung dumating nang maaga ang Hero TV, masasabi kong STABLE sana ang kundisyon ng anime sa taong ito...

Sa kabuuan, naging matagumpay ang OTAKU's VERDICT ng MAGTIBAY ANIME Worldwide Philippines... Lubos ang pasasalamat ko sa mga iba pang mga otakus na sumuporta sa akin, lalong-lalo na sa mga nasa iGMA.tv at ABS-CBN Message Boards...

Tulad ng sinabi ni soulassasin sa kanyang blog, year 2005 sucks for anime... but we feel that year 2006 will be a better year for us...

Makikita pa rin ang resulta ng poll na ito sa URL na nasa itaas hanggang January 15, 2006...

1 comment:

FreedomStrike Group said...

hmm, One thing

Let's wait for the best!!