Humigit-kumulang na 80 ang naitalang namatay, 500 ang sugatan at may mga nawawala pa... Ito ang naging resulta ng tulakan, gitgitan ng mga tao para makapasok sa ULTRA at makasali sana sa mga papremyo ng "Wowowee", isang noontime show ng ABS-CBN 2 sa kanilang unang anibersaryo na idadaos sana kahapon...
Dahil sa insidenteng ito, nagpasya ang ABS-CBN na kanselahin ang Wowowee... Humingi ng matinding paumanhin at pang-unawa ang host nito na si Willie Revillame, maging si Charo Santos-Concio, ang kumatawan sa ABS-CBN at ang Vice President Noli de Castro, ang kumatawan sa pamahalaan... Naunang dumating sa lugar ng trahedya sina Vice President de Castro, Senator Dick Gordon, maging ang ibang mga political at military figures ay sumali na rin sa ginawang retrieval operations sa mga bangkay at sa kasalukuyang imbestigasyon sa kung ano talaga ang ugat ng trahedya... Pati na rin ang Pangulong Arroyo, na agad tumungo sa mga ospital kung saan naroon ang mga nasaktan pagkatapos ng diplomat meeting...
Sa nakalipas na araw, maraming bagay akong nasaksihan at naramdaman... Una, pansamantalang kinalimutan ng ABS-CBN 2 at GMA 7 ang tinaguriang "Network War"... Sa ngalan ng serbisyo publiko ay inilaan nila ang kanilang mga kakayahan na paglingkuran ang mga nabiktma ng naturang stampede... Kitang-kita ang kanilang pagsusumikap sa pagpapanood ko sa ABS-CBN 2, GMA 7, QTV 11 at ANC... Maging sa DZMM at DZBB ay aking tinutukan... Hindi nila alinatana ang pagbanggit ng mga salitang "Wowowee", "ABS-CBN" at "GMA"... dahil sa pagtutulungan ng dalawang giant networks na ito, walang "Kapuso" o "Kapamilya" na dumadaloy sa kanilang mga empleyado... Maging ang "Eat Bulaga" ay nag-alay din ng sandaling katahimikan para sa mga namatay...
Pangalawa, muling pinatunayan nating mga Pilipino na naghihirap ang buhay natin... kaya hindi kataka-taka na marami ang gustong subukan ang kanilang kapalaran sa pag-sali sana sa Wowowee... Sino ba naman ang hindi mahuhumaling na sumali sa mga premyong hatid ay pag-asa sa buhay ng isang pamilya? Mga bagay na hindi agad naibibigay ng kasalukuyang gobyerno...
Pangatlo, sa kabila ng kahirapan sa buhay, pinatunayan din natin na sakim din tayo... Aminin na natin... sa naging pangyayari kahapon, ginawa nila ang lahat-makatulak, makasiksik, makasingit, kahit sa stampede, hindi alintana ang mga natapakang mga tao na nagresulta ng kanilang kamatayan... makapasok lang at makasali at umasang manalo sa Wowowee...
Ito ang unang pagkakataon ko na magpost sa blog about a non-anime issue magmula noong Food Poisoning topic... kaya alam nyo na siguro ang nararamdaman ko ngayon... Bilang anime fan, kapag isang mabigat na isyu ang tinatalakay ko, pinipilit kong maging balanse sa pinakaposibleng pamamaraan ang aking komentaryo... May mga nagsasabing parehong panig ng mga organizers at mga taong dumagsa ang may kasalanan dahil sa hindi sila nagbibigayan... May anggulo din na kulang sa pagpaplano ang ABS-CBN at ULTRA at hindi rin umano nakipag-ugnayan sa kapulisang nakadestino roon... at iba pang mga paliwanag ang kumakalat na naging dahilan ng kaguluhan...
Kulang pa rin ba ang Pinoy sa DISIPLINA? sa PATIENCE?
May halo nga bang kamalasan si Willie?
Maipagpapatuloy pa ba ang Wowowee?
Hanggang kailan tayo matututo?
3 comments:
Mr. Joey De Leon is making fun of the tragedy,, Please read BULGAR..
Let's pray for those who perished in the tragedy,, there's no one to blame and it was all an accident..
Nakakalungkot talaga ang nangyaring trahedya nung sabado. Ipagdasal na lamang po natin ang mga ang mga namatay, ang mga pamilya na naiwan nila, mga nasaktan at pati na rin sina Willie Revillame at ang staff ng Wowowee na makabangon sila sa napakasaklap na pangyayaring ito. Sana talaga ay hindi na muling mangyari ang trahedyang ito. At sana huwag naman ito ikatuwa ng mga ilang mga taong nais ay mapabagsak ito para lamang sa ratings. Wala na silang puso kung ganun. Buhay ng tao ang binuwis rito. Yun lamang ang masasabi ko.
MTRCB said "hindi yun masama"... pero sa tingin ko ay nasa tao yan.
I would like to extent my Deepest Condolences to the people that been perished in the WOWOWEE STAMPEDE.
I would also like to thank ANC, GMA Kapuso, Qtv Channel 11, ABS-CBN for showing fair and continuing broadcasts...
ganyan dapat ang pilipino parati... NAGDADAMAYAN. hindi nag-aaway.
ITIGIL NA ANG NETWORK WAR!
Post a Comment