Sunday, March 12, 2006

Nasosobrahan sa Anime o Masuwerte ang mga Pinoy Otakus?

Nais ko munang batiin ang aking anime comrade na si Zen ng Happy 5th Anniversary ng kanyang website na Zen119's Anime Scrapbook... walang duda na ang website na ito ang isa sa mga tunay na nagtataguyod ng anime sa Pilipinas... tunay na pundasyon ng mga Pinoy anime fans sa buong mundo... kaya naman inspirado ang inyong lingkod kaya gumawa din kami ng aming anime fansite... Tatapatin ko po kayo, karamihan sa mga impormasyon sa aming site ay taus-pusong nagmula sa ZAS, na dinagdagan pa namin ng kaunting supplement...

Sa November 2006 pa ang ikatlong anibersaryo ng MAGTIBAY ANIME Website... nagkataon sa panahong iyon ay nagsisimula pa lang kami sa Hot FM (na ngayon ay sarado na... kung nais ninyong malaman ang mga kadahilanan ay mag-email lang po kayo sa akin... pangungunahan ko na po kayo... napaka-sensitibo po ito...)


In the past three months, I confidently say that we have more anime titles to be watched than the Asianovelas... with all due respect to my fellow anime fans, television networks here are doing more improvement (as Kira Yamato says "reforms") in anime programming...

Unahin na natin ang mga VHF/UHF channels... ang ABS-CBN 2, tulad nga ng sinabi ni Kira ay ginagawa na nga marahil ang mga reporma sa anime programming... Nariyan na nga ang Naruto at Zenki sa weekday afternoons, mas maraming titles sa Sabado at Linggo ng umaga at ang bagong darating na Mirmo de Pon bukas ng umaga... medyo ang kapintasan pa rin dito ay ang time length at timeslots pa rin...

GMA 7... Kapag weekdays, nariyan ang Hamtaro, Sugar (Sexbomb na iyakin? Nope) at Doraemon sa umaga... Nakatakdang ipalabas sa 2oth ang Sonic X... Gensomaden Saiyuki naman sa hapon... more anime titles sa weekend mornings... ang natatanging kapintasan lang dito... Dragonball Z, palitan na dapat ito...

Gumagawa na ng pangalan sa mga anime otakus ang kontribusyon ng QTV 11, na pag-aari na ng GMA 7... nagsimula lang sa Heidi at Jackie at Jill, umusbong sa Nadja, Striker Hungry Heart at The Prince of Tennis, lumaki na sa Transformers: Armada at Kiddy Grade, lalong naging kawili-wili sa Honey Honey, Cheeky Angel, Zentrix at Popolocrois... medyo over-expose na ang Prince of Tennis, siguro dapat isang anime on weekend afternoons dapat...

Patuloy naman ang Studio 23 sa kanilang anime marathons... sa kasalukuyan, Masked Rider Ryuki at Naruto ang kumakatawan dito, huwag ding kalimutan ang Monkey Typhoon...


Sa Cable TV naman, sari-saring isyu ang pinag-uusapan... nariyan pa rin ang isyu ng sked changes ng Hero TV at Animax-Asia... Kung marami ang nasiyahan sa sked changes ng Hero TV (lalo na at ginawang weekdays na ang Yakitate! Japan), marami naman ang nainis sa ginawang hakbang ng Animax-Asia... nakapatong din sa kanila ang isyu na wala na silang anime na ipinapalabas via subtitle... buong araw na english-dubbed na ang kanilang programming... kung itinuloy ng aking anime comrade na si EvilEye The Blocker ang paghahain ng kanyang letter of complaint sa Animax-Asia, nawa'y mabigyan ito ng katugunan sa lalong madaling panahon... kailangan pa rin ng improvement ng Cartoon Network Philippines, pagkatapos ng Energy Bomb, wala nang bagong anime na sumunod...


Nasasabi ng ilan na "nasosobrahan" na daw tayo sa anime... May mga nagsasabi naman na "masuwerte" ang mga Pinoy otakus dahil sa mga repormang ito... Ang sa akin lang, anime is here in the Philippines and is here to stay... for good...

It may be bias for others but... we anime fans had enough of too much politics... mga showbiz tsismisan at kung anu-ano pang mga siraan... we watch anime to forget these problems...

2 comments:

FreedomStrike Group said...

As I have said,,Reforms have been done , I hope Mr. Lopez has to do the reforms for the sake of the otakus and the anime loving people

I'd be delighted if one BIG reform is met...

NATIONALIZATION

theBlockerPH said...

reminds me of Showbiz Stripped...

ang masasabi ko lang ay HINDI NAMAN TAYO NASOBRAHAN.

kung tutuosin... parang mas madami pa ring Kornynovelas, pero yung tinatawag nilang KOREAN WAVE ay nagsisimulang mawala na. parang flavor of the month lang sila.

masasabi ko lang na maswerte tayo.