Dahil sa kasalukuyang pangyayari sa ABS-CBN forums nitong mga nakaraang araw, lalo kong pinagsikapang pag-ingatan ang mga internet properties ko.
Ang MAGTIBAY ANIME Website na magta-tatlong taon na, ang ANIME KABAYAN Blog ko at ang huli, lalung-lalo na ang ZEN ANIME OTAKU HQ. Huwag sana kayong magtaka kung bihira na akong pumunta sa iGMA, QTV, ABS-CBN, Hero TV, Animax at sa iba pang mga forums. Bilang admin ng Zen HQ, responsibilidad ko ang pangalagaan at protektahan ito. Ito na rin ang nagsilbing tulay para maiparating ko ang mga saloobin ko.
With all due respect sa mga online anime fanatics na tambayan ang mga anime sections ng iGMA, QTV at ABS-CBN forums, dumating na naman ang puntong pinagdududahan ko ang kredibilidad ng mga TV network forums na ito.
Nito lamang Sabado, nag-premiere ang isa na namang Asianovela, ang It Started With a Kiss. Ayon mismo sa commercial ad nito, nagawang ipalabas ang naturang drama dahil sa kahilingan ng mga asianovela fans through the ABS-CBN forums. Most of the requests are posted from that forums.
Kung binabasa nga ito ng mga kinauukulan sa ABS-CBN ang kanilang online forum, talagang nakakatampo ang ginawa nila. Akalain mo, isang asianovela ang ipinalabas through instant request sa forums. HELLO? Hindi ba nila napapansin na meron pang anime section ang forums nila? They are also requesting, not only the titles. Hiling din naman na huwag naman sanang katayin ang mga anime episodes.
Sa iGMA forums naman, pahirapan ang mag-log-on at magpost doon. Kahit mga comments at suggestions, kailangan pang dumaan sa butas ng karayom para makalusot lang. I will tell you this, people... One of these days, sasabihin ko sa inyo kung gaano ka-ignorante at ka-ipokrito ang mga namamahala sa iGMA forums. Igiit man nila na walang taga-GMA 7 ang nasa pamunuan ng forums na ito o binabasa man ang mga nilalaman nito, alam ko na may mga members diyan na may kuneksyon sa GMA 7 na maaari ding agarang magpalabas ng mga programa through instant request sa forums. Lumalabas na ang pagiging bias nito sa programming. Ibang tao na kasi ang turing ng mga taga-iGMA kapag anime o isang anime fan na tulad ko ang nagpopost doon. Paliwanagan mo man ng maayos, pagmumurahin ka lang nila. May diskriminasyon nang ipinatutupad doon. Kaya hindi ako nagtataka kung nilalangaw na ang anime section ng iGMA forums. Hindi dahil sa ginawang clean-up, kundi dismayado na ang mga anime viewers doon. Bias talaga sila.
Di hamak na mas maganda na ang palakad ng QTV 11. They only give what we want. Pero bilib talaga ako sa lakas ng loob at katatagan na ipinakita ng mga namumuno ng Hero TV at Animax Forums. Kahit anong galit, batikos at pagmumura na ang inaabot ng mga leaders doon (especially mga mismong management), naroon pa rin sila para pakiharapan ang mga members doon. The only difference is, Hero TV make moves while Animax make screws.
One of these days, may pasasabugin ako sa inyo.
6 comments:
This could cheer you up a bit I hope hehe.
Some time ago, I posted a request on GMA Boards about a thread requesting those anime's that we want to show. I included Zillion and Saint Seiya I think. After that I did not bother check the thread again.
Now wish is granted because it looks like as based on that Zodiac warrior ad of GMA, Saint Seiya will be shown on GMA, one of the remaining great action anime's from the 80's. We will see another old-school anime here (eh gusto ko talaga luma mas maganda music hehe). As much as I appreciate the anime I think the themes are better, the opening and ending themes of Saint Seiya are great, just like the songs of old Heavy Metal Bands like Skid Row.
my new blogsite is http://animemp3hunter.blogspot.com
Hello there!
May point lahat ng sinabi mo. Ganun talaga, may palakasan na nagaganap sa mga tv stations na ito. I'm also a member of Abs-cbn and Igm tv forums pero I never bother posting there. Like you naiinis din ako sa mga nangyayari sa mga forums ng mga tv stations na ito...Haay... ayoko na lamang magsalita kasi wala rin naman mangyayari...kailangan na talaga nila ng wake-up call... di na rin ako natutuwa sa mga anime na pinalalabas nila...
On the other hand...
Yung mga cable channel like hero and animax kaya ganun cla kasi paid naman yung services nila, right? Kaya they need to attend to their customer's needs and wants ^_^
Link exchange pala, kung iyong mamarapatin?
Tutuo nga..nakakadismaya ang mga TV Networks...hindi mo alam kung talagang ibinibigay nila ang gusto ng mga televiewers...iyong "It Started With A KIss..." eh hindi man lang iyan nag-ingay noon na madami ang nagre-request daw na maipalabas.. Nalaman ko lang na Taiwan Series iyon ng sabihin nila..so..malabo na nababasa nila ang lahat ng nakalagay sa mga forums...hindi nila ibinibigay ang nais ng televiewers.Tama din ang sinabi ni Fiel...so far maganda ang gawa ng HERO TV dahil nga me bayad ang services nila. Yun Lang! Nakakagigil manood ng anime sa tv ngayon. Kaya tiyaga tiyaga sa mnga fansubbed now. :D
I guess anime gather less impact on the general audience than asianovelas. Greated emphasis on advertising the latter, thus.
Oh yeah, my link on this blog is already outdated. Change please to "http://ronin.animeblogger.net"
Thanks.
wala ako sa pinas pero sabi ng mga pinsan ko napaparami daw ang mga asian dramas dyan at kokonti na lang yata ang pinapalabas nilang anime, minsan pa yata hindi na tinutuloy ung ibang episodes ng mga anime, totoo ba ito? sobrang hilig ko sa anime .. pero nagtyatyaga na lang akong magdownload ..
@mz otaku:
Sa lagay ngayon, kung sa Local TV ang pag-uusapan, balanse naman ang dami ng anime at asian dramas...
Kung hindi mo pa alam, may ikalawang VHF channel na ang GMA 7, ang QTV 11... Mas maraming anime ang ipinapalabas sa channel 11 kaysa sa channel 7...
Pero sa cable TV, meron na ditong Hero TV (from ABS-CBN CPI) at Animax (from Sony)
Post a Comment