Thursday, December 06, 2007

The Adventures of AK and GS to H3! (PART ONE)

Episode One: The Road to Ayala MRT



Wednesday, December 28. Mga bandang 10:00 pm when I chat with jinademaru kung ano ang mga dapat gawin sa aming biyahe papuntang Manila. Target place, Ayala MRT, specifically the KFC branch.


Thursday, December 29. Ito rin ang araw na kung saan nag-aklas (ulit!) ang grupong Magdalo na pinamumunuan ni Senador Trillanes. Bandang gabi na nang humupa ang sitwasyon.

Dahil sa naging kaganapan, I've worried na baka mapurnada pa ang aming biyahe. Few minutes later, check ko kaagad ang Hero TV Forums para itanong kung tuloy na tuloy na ang H3 sa kabila ng pangyayari. Sagot naman nila, wala naman silang natatanggap na mensahe na hindi matutuloy ang event. That was a relief. Sakto namang online si tetsugaku-sha kaya nakipag-chat din ako sa kanya, paghahanda na rin sa biyahe namin ni Sanzo sa Manila. Malinaw ang direktiba. Sa Ayala MRT ang tigil namin.


Friday, December 30. 8:00 am. Nagpasya kami na lumibot sa kalakhan ng San Pablo City para maghanap ng lugar na dinadaanan ng mga bus biyaheng Manila. And we picked San Pablo Colleges and Medical Center.

11:30 am. Maaga na kaming nagtanghalian. Corned beef and chicken noodles ang aming kinain. Hindi na kami kumain ng marami, baka makaapekto ito sa aming biyahe (baka sumuka, ganun...). Dito na rin namin inihanda ang aming mga dadalhin patungong Manila. Mga gamit na tatagal ng 3 araw, kabilang na ang nabili namin one week earlier. Pinilit naming magkasya sa 2 bag to avoid the bulky trip.

Before 2:00 pm, nag-load muna ako ng PHP 20 sa aking cellphone. Pagkatapos, umpisa na ng aming biyahe. Una, sakay kami ng jeep papuntang Medical Center. Naroon ang isang bus terminal station at nag-aabang ang mga pasahero ng dadaang bus. Sumakay na kami sa bus biyaheng Cubao dahil dadaan din ang bus na ito sa Ayala MRT. Good thing na aircon bus ang sakay namin. May TV kaya hindi kami medyo nabagot. Medyo hindi ko na rin nagawang matulog dahil na rin sa bilis ng bus. Babad ng candy sa bibig, kutkot ng biskwit, inom ng baon naming juice (3 bote ng juice! Hehehe!).

Around 4:00 pm, nakarating na kami sa Cubao, Quezon City. Tulad nga ng aming inaasahan, tanaw namin ang sa tingin namin noo'y MRT station sa Ayala. Kaya sa halip na gumastos pa, nagpasya na kami ni Sanzo na lakarin na ang daan papuntang doon. Dahil nga bagong biyahe kami, nagtanung-tanong kami kung tama ang tinahak namin. Positibo naman ang tugon sa amin. At ng makatunton na kami sa MRT station, kumpirmado. Ito na nga ang Ayala MRT station na aming target, as well as naroon din ang "pitstop" ng aming biyahe - ang KFC branch na naroon.

Agad kong nag-text kay jinademaru, telling that we arrived to the destination point. Ipinaalam ko na rin ito kina Jamibu at pinoy_big_narutonian dahil pupunta rin sila sa H3. Inabisuhan naman kami na maghintay at siya ang sasalubong sa amin. Habang naghihintay, pagkakataon naman namin na libutin ang buong istasyon.

Namangha ako sa paglibot ko. Parang isang bahagi ng Japan ang nakita ko. (Nakapanood ako minsan ng Japan Video Topics sa IBC 13, na naglalarawan ng ilang train stations na may kakambal na mini-mall doon). May mga puwesto ng pagkain, cellphone reloading/repairing shops, beauty parlor, internet cafe, even a SM department store meron doon. Palitan kami sa paglilibot ni Sanzo. Kuwento niya sa akin, nakakita siya ng Kamen Rider Blade rouzer. Kung may sapat lang sana kaming budget para bilhin ito, kaso kinapos! Hehehe.

Gamit ang elevator na naroon, bumaba muna kami para tingnan ang environment doon. Natanaw namin ang bahagi ng Glorietta mall (yung isa sa mga mall nito ay niyanig ng pagsabog). Pero hindi na kami lumayo sa MRT station at baka kami maligaw.

Around 8:00 pm, sinundo na kami ni jinademaru. Hindi ko akalain na madali niya kaming makikilala (nanonood kaya siya ng ZOHNe TV sa YouTube? ^_^). Sumakay kami sa taxi papunta kina tetsugaku-sha. Ang kanilang tirahan ay nasa loob ng vicinity ng UP Diliman (parang sa ate ko na ang bahay ay nasa loob ng UP Los Banos). Makulay ang mga gusali na dinaanan ng taxi papunta sa aming destinasyon.

Sa pagtuloy namin sa "batcave" (iyan ang tawag ni Jamibu sa bahay nina tetsu), agad namin silang nakita. Tulad ni jinademaru, madali nila kaming nakilala. Masarap ang kanilang hapunan that time (sinantumas na calamares at pritong calamares). Naki-internet din kami sa kanilang computer. Naglaro naman kami ng Playstation 2. Wiling-wili si Sanzo sa paglalaro, lalo na sa Naruto at sa King of Fighters. Bago mag-hatinggabi na nang kami ay matulog. Ready for the Hataw! Hanep! Hero 3 experience.



TO BE CONTINUED...

No comments: