Sunday, December 09, 2007

The Adventures of AK and GS to H3! (PART TWO)

Episode Two: The First Taste of H3!



December 1, Saturday. First day of December. 24 days before Christmas. 30 days before we bid the year 2007 goodbye. THIS IS IT! The first day of Hataw! Hanep! Hero 3!

8:00 am, una akong nagising. Agad kong nadatnan sina tetsu at ascoth sa harap ng kanilang PC (kakainggit, sana meron din akong PC sa bahay... ^_^). After few minutes ay handa na ang aming almusal. Ham, pritong calamares, embutido at ginataang manok (tama ba yun?). Nabatid sa amin ni tetsu na kami pa lang ang gumagamit ng kape sa kanilang bahay (chocolate drink ang kanilang iniinom sa breakfast). This time ay dinamihan na namin ng kain dahil magiging mahaba ang itatagal namin sa labas (lalo na sa pagpunta sa SMX).

Bandang 9:00 am, nanood muna kami ng TV habang nagpapahupa ng bigat ng kain, sa ABS-CBN 2 Hero Zone nakatutok ang TV. After few minutes, nagpasya na akong maligo. Then sumunod na si Sanzo. Bihis na at handa na kami sa pagpunta sa H3. Actually, ang laman lang ng Pro Hawk bag na dala namin ay ang aking cellphone (para sa maya't mayang pagtetext), cellphone charger (na hindi ko naman nagamit) at ang aming camera na may lamang 24 shots. May mga kendi pa ring makukutkot sa biyahe.

10:00 am, tumulak na kami palabas ng batcave nina tetsu. Nagload ako ng PHP 20 para sa pagtext ko sa buong araw. Habang lakad, panay naman ang kuwento nina tetsu at ascoth sa mga road spots na dinadaanan namin na madalas i-expose sa mga live camera feeds lalo na sa mga morning shows sa TV. Jeep ang una naming sakay. Malapit na kami sa MRT station na aming sasakyan nang matanaw ko ang ABS-CBN building. Then pagbaba namin sa jeep, nilakad namin ang daan patungo sa MRT station. Nahirapan nga akong isaksak ang ticket ko pagpasok ko sa sakayan (Probinsyano, eh! Can you blame me for that? LOL). Ito ang unang pagkakataon para sa amin ni Sanzo na sasakay sa MRT. But unlike sa old-style na tren na sinakyan namin noong bata pa, pahinto-hinto ang MRT sa iba't ibang istasyon sa Maynila. Mas mabilis ang takbo ng MRT sa old-style train noon.

Pagkatapos ng aming MRT ride, jeep ulit ang aming sakay. Biyahe na ito papunta sa SM Mall of Asia. Hindi nagtagal ay tanaw ko na ang malaking globe na nagsasabing "Welcome to SM Mall of Asia". Hindi agad kami pumunta sa SMX Convention Center (na pagdadausan ng H3) dahil inasahan na nina tetsu ang haba ng pila doon. Hindi kasi nakabili ng ticket ang karamihan kaya sa mismong event na sila bumili. Pinatunayan iyon ni Jamibu na nag-text sa akin ng oras na iyon.

Bandang 12:00 nn, pumasok na kami sa SM Mall of Asia. Tahimik man, pero namangha talaga ako sa lawak ng loob at sa dami ng taong namimili. Mahabang lakaran din ang aming ginawa. Nakita ko rin ang Music Hall na pinagdausan ng ilang malaking event.

Tumigil muna kami sa tapat ng Comic Alley branch, kung saan ang isang staff na naka-cosplay ng isang character mula sa Naruto ay pinagkakaguluhan doon lalo na siguro yung mga a-attend ng H3. Nagkaroon kami ng pagkakataong tingnan ang loob ng Comic Alley na dinudumog ng mga batang estudyante (naka-uniform ang karamihan). Pinauna ko muna si Sanzo. Then my turn. Sabi ni tetsu, kulang pa daw iyan sa mga nakita namin.

2:00 pm, nagpasya na kaming kumain muna. Hamburger, french fries and softdrinks ang aming tanghalian. Nagpahulaw ng konti, and pumunta na kami sa SM Ticketnet para bumili ng aming H3 Day One tickets. Nakabili na si jinademaru ng aming tickets para sa Day Two. AND HERE WE GO...

Tulad ng aming inasahan, humupa na ang pila sa labas ng SMX. Pero ang pila sa loob mismo ay may pagkahaba pa rin. But it's OK. At least makakapasok na rin kami. What we've got from our goodie bags? Mobile magazine. Yun lang. Naubusan ng poster ang redemption center. OK lang. Kasi nang balikan ko ang puwesto ay yung H3 bag na lang ang ipinamimigay.

Malaki nga ang loob ng SMX. Medyo naiilang pa kami ni Sanzo pagkatapos na humiwalay kami kina tetsu. Pero ilang sandali lang ay nasanay na rin kami. Isinama kami ni tetsu sa booth ng Hero TV Forums. And we saw -KiRa-YaMaTo-, ang dati naming kasamahan sa ZOH. But I acted as a man, hinarap ko siya at kinamayan. Kalimutan muna namin ang alitan, and I agree. Naroon kami para magsaya. Binati ko siya ng "good luck" dahil kasali siya sa cosplay competition. Napag-alaman ko kinagabihan na si Edu Manzano ang kanyang pinortrait. Nang nasa booth na ako, sinabi ko sa mga naroon na magpapalista ako. Tinanong nila kung sino ako. Nang marinig nila na ako si Anime Kabayan, gulat sila. Hindi dahil nakita at nakilala na nila ako, kundi dahil nalaman nilang may kakambal ako. Kinuhanan pa kami ni princess_serenity ng picture (na makikita ninyo sa blog na ito). Ginudtaym naman ako ni -CronoTryger-. Akala ko, may regalo sila sa akin, pero cutter lang pala iyong inabot. Napahiya ako. Hehehe. Katabi naman ng kanilang booth ang mga anime/sentai merchandise. Babad din si Sanzo sa lugar na iyon.

Sinubukan ko namang hanapin si Jamibu. Ayon sa text niya, siya ay nakasuot ng DX black t-shirt. Nang oras na iyon, siya ay nasa Comic Alley booth. Nakita ko ang malaking lalaki na naka-DX shirt. Napatingin ako ng konti sa kanya. Nang itinanong ko sa kanya kung ano codename niya, sagot niya ay si Jamibu. Natuwa ako at agad na nakipagkamay sa kanya. Nag-usap kami ng ilang sandali.

Pagkakataon na naming kuhanan ng litrato ang mga astiging mga cosplayers. Mapa-bata o grown-up, kinuhanan namin. Dahil unang pagkakataong nga naming gawin ito, medyo nag-aalangan pa kami. Nagkasundo na lang kami na salitan kami sa pagkuha ng litrato. Sa araw na iyon, pinaka-astig para sa akin ang mga nag-cosplay ng Jiraiya ng Naruto. Pero wala na sigurong mas titindi pa sa cosplayer na tinawag ng karamihan na "Hard Gay". Napakaganda ng pagdadala niya ng naturang cosplay. Si Sanzo ang kinuhanan ko kasama siya, game silang pareho sa photo-up.

Si "Hard Gay" din ang paborito ng mga manonood, kaya nang siya ay nag-cat walk sa stage, kinuhanan ko siya ng litrato sa harap ng maraming manonood. Nauna ang mga kasali sa Ohayoo Heroes division, then ang League of Heroes division na tinatayang mahigit 200 ang mga sumali, kaya hindi lahat ay naipakilala ng maayos.

Dalawang beses kaming nakapaglaro ng "football game". 1-1 ang aming kartada. Balak naming i-settle iyon sa darating na Day Two ng H3.

Sa buong araw na iyon, na-meet namin si Jamibu, -KiRa-YaMaTo-, si Mamaru, mga astiging cosplayers at mga forumers ng Hero TV. At jampacked na mga tao.

Bandang 7:00 pm, nagpasya na kaming lumabas sa SMX. Habang pahinga kami sa loob ng SM Mall of Asia, pinahiram ni jinademaru sa amin ang ilang kopya ng Otakuzine Magazine na binili niya mula sa H3. Tumawag naman sa cellphone si pinoy_bi_narutonian. Kinuwento namin sa kanya ang aming naging karanasan. After few minutes, sakay ulit kami sa jeep. Then stop-over sa McDo para magpalamig. Then MRT at jeep ulit. Walang lutong pagkain sa batcave kaya nagpasya kaming magluto kung ano ang nasa loob ng kanilang ref. Nagluto si Sanzo ng bacon at mula sa excess fat nito ay pinirto naman niya ang embutido. Pinainit ko naman ang sinantumas na calamares. After this, nanood kami ng TV. WWE Raw, Kapuso Mo, Jessica Soho at some parts of Bitag at Imbestigador.

Bandang 10:00 pm, natulog na kami. Hindi pa tapos ang misyon namin dito sa Maynila. Day Two of Hataw! Hanep Hero 3 is coming our way.



TO BE CONTINUED...

No comments: