AK Note: Ang mga sumusunod kong mga pahayag ay matutunghayan din sa special edition ng Hamon ni Kabayan sa ZOHNe TV YouTube Channel:
Magandang araw po sa lahat ng mga manonood namin sa ZOHNe TV dito sa YouTube, maging sa mga bumabasa sa aking blog na ANIME KABAYAN: The Way "Eye" See It.
Narito po ako ngayon nagsasalita sa inyo upang ipahayag ang aking saloobin sa mga kaganapan sa nakalipas na mga linggo. Partikular na po ang mga naging pahayag ni Mr. Red Mendoza, higit na kilala sa amin bilang si -KiRa-YaMaTo- na dati naming nakasama sa Zen Otaku Honbu.
Hayaan ninyong ikuwento ko sa inyo ang mga nangyaring hidwaan sa pagitan ng ZOH at ni -KiRa-.
Noong June 2, 2007, nagbitiw si -KiRa- bilang senior anbu o senior moderator ng ZOH forums na noon ay nasa Invisionfree. Bago pa man ang petsang ito ay nagpahayag na siya sa pamamagitan ng naturang forums. Pinag-isipan daw niya ng mabuti ang kanyang ginawang desisyon. Ito ay malugod na tinanggap ng karamihan sa amin sa ZOH, lalo na sa mga malalapit sa kanya, lalo na po ang inyong lingkod. Ipinahayag niyang wala siyang sama ng loob, katunayan isinulat niya sa wikang English ang mga katagang "I leave with no anger, and I leave with full of memories. I leave with my principle intact."
Bago ang kanyang pormal na pahayag, nagpadala na siya sa akin ng private message at idinetalye niya ang mga dahilan ng kanyang pag-alis, bagay na naunawaan ko naman.
Inakala namin sa ZOH na magiging maayos ang lahat pagkatapos ng kanyang pahayag at pag-alis, ngunit nangyari ang hindi namin inaasahan.
Sa kanyang bagong forums na WTF? Cosplayers forums, sa kanyang signature ay nakasulat ang mga katagang "Shame on ZOH, Shame on ZOH!". Ito ay malinaw na kontradiksyon sa kanyang mga sinabi noong nagpapaalam siya sa ZOH.
Sinubukan namin siyang padalhan ng mga mensahe, nakiusap na irespeto ang aming grupo, maging ang kanyang mga naging pahayag. Ngunit, naging matigas ang ulo ni -KiRa-. Lalong nagpalala dito ay ang pagpost niya ng mga private messages namin sa kanya. Mga mensaheng padala ng inyong lingkod, kay ZOH junior anbu pinoy_big_narutonian at kay ZOH webteam member ascoth.
Pagkatapos nito ay hindi lumipas ang araw at linggo na hindi niya kami sinisiraan. Mula sa kanyang Multiply account hanggang sa YouTube account.
Sa aking sariling imbestigasyon kung bakit niya ginagawa sa amin ito, mula sa mga mensaheng ipinadala ni synth na higit na kilala bilang Loj sa HTVF, masasabi kong napakababaw ng mga dahilan niya. Ipinapakita din niya sa kanyang mga blog ang kanyang naging behavior, nagsasabing balak niya kaming patayin, bagay na malayung-malayong magagawa niya.
At ngayon, ikukuwento ko na po sa inyo ang mga nangyari nito lamang nakalipas na mga linggo. Natuloy po ang inyong lingkod at aking twin brother na si Genjo Sanzo na makapunta sa Manila para dumalo sa kauna-unahang pagkakataon ng Hataw! Hanep! Hero 3. Inasahan na po namin na isa sa mga makikita namin doon sa SMX si -KiRa-. Bago pa man sumapit ang araw na iyon, ay nagpost pa siya ng pre-H3 insights. At muli na naman niya kaming tinira.
Sa mismong araw na iyon, bandang 2:00 pm ay nagkita nga kami sa tapat ng HTVF. Bumati ako at nakipagkamay sa kanya, sinabi niyang kalimutan muna namin ang aming hidwaan at magsaya, bagay na nag-agree ako, at pagkatapos nito ay hindi na ulit kami nagkausap.
Ilang araw pagkatapos nito ay muli naming tiningnan ang kanyang Multiply account. Nagulat po kami sa kanyang pahayag na nagsasabing "I have no suicidal tendencies, just to clear everything, I love my life, but My life has been challenged by persons who just want to challenge me with everything. I always face these challenges, but Inner and Outer Kira has already warned me, TAMA NA. I don't want to challenge anymore people, I admit, I Lost, You all won. Thank you." Ito na pala ang deklarasyon ng kanyang pagkatalo.
Kalungkutan pa rin ang umiral sa kanya sa kanyang sumunod na post, birthday niya ng panahong iyon. At sa aming pagbabasa, sumagot sa naturang post si pinoy_big_narutonian. Bumati siya ng happy birthday at nagpahayag ng saloobin sa mga nangyari sa kanya, kay -KiRa- at sa ZOH. Doon ay sumagot na siya at inamin niya ang kanyang mga pagkakamali at sana daw sa pagkakataong iyon, payapa na ulit ang ZOH at si -KiRa-.
Pagkabasa ko nito, hindi agad ako naging kampante. Para kasing kulang pa ang kanyang mga sinabi. At sa kanyang pinaka-latest na post, nakita ko ang bagay na magkukumpleto at magiging bahagi ng pagtatapos ng sigalot na ito.
Ang sabi niya "One, I declare a reconcillation with Team Zen Honbu, yes, that's true, the rumor has been circulated and yes, I want to reconcile with them, Going over this year is very much pain for me, now that another pain has added in my head. I decided to end all hostilities. But the catch is, I may not enter anymore the forums, I will stay cordial and casual to them as if it was the good ol' times."
Mr. Red Mendoza... -KiRa-YaMaTo-... our former ka-Honbu... pakinggan mo ang mga susunod kong sasabihin.
Noong una mong sinabi na ikaw ay talo na, para sa akin ay hindi ito hudyat na tapos na ang hidwaan sa pagitan mo at sa ZOH. Bakit? Marami kang pagkakamali at kasalanan na dapat pagbayaran. Marami kang atrasong dapat harapin. At marami kang mga salita na karamihan ay masasakit ang dapat bawiin. Kung ako ang tatanungin mo, ang pinakamabigat na kasalanang ginawa mo sa akin ay noong siniraan mo ako sa Hero TV dahil sa ginawa kong pagtugon at pagtulong sa kanila nang hindi nila nailabas sa naaayon sa panahon ang kanilang program grid. Sinabi mo na nagmamarunong ako at ginagawa ko ito para sumikat.
Gusto kong sabihin sa iyo na sa unang pagkakataon na nagsulat ako tungkol sa Hero TV, na may kalakip na ebidensya yung sulat ng CPI sa isang cable provider dito, hindi ko masasabing doon ako sumikat, doon ako nakilala. Noon mo dapat sinabi iyan. Hindi ako nagmamarunong dahil hinahanap na ng mga forumers sa Hero TV ang naturang grid, kaya kumilos ako. At ganun na lang ang pasasalamat sa akin ng mga taga-roon. At dahil sa idinulog ko sa kanila ang ginawa mo, alam mo na siguro na napagsabihan ka.
Isa pang bagay, hindi lang ikaw ang talo dito. Lahat ng involved dito, talo. Lahat kami nasaktan at ikaw nasaktan din.
Inamin mo naman kay PBN na marami kang ginawang pagkakamali. Masasabi kong pinagbayaran mo na ang mga ginawa mo. At sa paghingi mo ng reconcilliation at pag-sorry mo sa amin, kung ako ang tatanungin mo... MALUGOD KONG TINATANGGAP ITO.
Isa na lang siguro ang mahihiling ko sa iyo. Ito ay payo ko lang, para tuluyan ka ng makapag-move on at magsimulang makipag-kapwa ulit sa akin, sa ZOH, burahin mo ang mga mapanirang posts na ginawa mo. Pero nasa iyo pa rin ang desisyon kung gagawin mo ang sinabi ko.
Oo nga pala, gusto kong idiin sa iyo na hindi ako kailanman naging dahilan ng nasirang pagkakaibigan ninyo ng taong alam kong pinakamalapit sa iyong puso. Marahil, siya ay naghahanap ng mga bago niyang kakaibiganin. Ikaw din, dapat ay ginagawa mo rin iyan. Pero ikinalulungkot ko kung sa masamang katapusan nauwi ang inyong paghihiwalay.
Bilang pagtatapos ng aking statement ay nais kong ipaabot sa iyo ang aking pagbati. Happy 19th birthday, -KiRa-YaMaTo-! Hiling ko ang lahat ng biyaya ng Poong Maykapal ay makamit mo. Bilang anime fan, nais kong muling makita ang tunay na -KiRa- na aking nakilala noon, mula sa ABS-CBN forums at ZOH. Kung paano ka magdeliver ng balita at komentaryo and this time, lahat ng anggulo ay iyong pakinggan. Kahit na die hard Kapamilya ka, maglaan ka naman ng puwang para sa iba pang nagtataguyod ng anime sa Pilipinas.
Bukas ang ZOH forums para sa iyong pagbabalik. Hindi ko alam kung kailan iyon, basta maghihintay kami. At saka, pasasaan ba at maaabot din natin ang ating mga pangarap para sa Zen Otaku Honbu. Huwag nga lang nating madaliin. Slowly but surely ika nga.
Higit sa lahat, binabati na kita ng Merry Christmas and a Happy New Year! Tama ang ABS-CBN, walang mag-iisa ngayong Pasko. Nariyan ang iyong pamilya, ang iyong mga kaibigan diyan sa lugar mo at mga kaibigan mo sa internet. Nandito pa rin ako, handang dumamay sa iyo at magbigay ng payo sa abot ng aking makakaya.
Ang aking mga blogs at YouTube account ay bukas din para sa iyo. Handa kitang muling i-add sa Friendster. Sinasabi ko sa iyo, after all of this, you are now a better man.
Again, I accept your apology and your reconcillation. Happy 19th birthday. Merry Christmas and a Happy New Year! You are now a better man.
Mga anime kabayan, sa awa ng Diyos. Tapos na po ang isyung ito sa pagitan ni -KiRa-YaMaTo- at ng Zen Otaku Honbu.
CASE CLOSED.
No comments:
Post a Comment