(reprinted from ZenHonbuPH.net, still written by yours truly)
Patuloy ang pagsisikap ng TV5 sa ilalim ng bagong management sa pag-abot sa kanilang mga manonood. At sa pamamagitan ng paggamit ng internet, mas malalaman ng TV5 kung ano ang nais iparating ng kanilang mga manonood para sa mas ikagaganda ng istasyon.

Inilunsad ng TV5 ang kanilang pinakabagong Facebook page para sa mga manonood at fans ng TV5 AniMEGA, ang nangunguna at nananatiling matatag na primetime anime block sa Philippine TV. Sa pamamagitan nito, mas aabot sa mga manonood at fans ng naturang anime block ang mga pinaka-latest na anime news at developments sa loob ng TV5 AniMEGA. Dito rin maaaring mag-post ng mga komento, suhestiyon at mga anime series request ang mga manonood at fans ng TV5 AniMEGA.
Magmula nang ilunsad ito kahapon (April 13) ng alas-12:15 ng hapon hanggang ala-1:06 ng umaga ng April 14, umabot na sa 157 fans ang sumali sa naturang Facebook page. Marami na ang agad na nag-post ng kanilang interes at pagsuporta, maging ng mga anime series request sa pinakamalaking anime block sa Philippine TV.
Marami pa rin ang nagulat sa anunsyo ng TV5 AniMEGA Facebook page na ipapalabas na nila sa darating na Lunes ang Clannad. Basahin ang kaugnay na ulat na ito sa ZenHonbuPH.net. Natadtad din ng mga anime series requests ang Discussion Board ng TV5 AniMEGA FB page.
Kaya para sa mga masugid na mga Kapatid ng TV5, lalo na sa TV5 AniMEGA, ipakita ang inyong pagsuporta. Kung kayo ay may Facebook account, i-type sa Search Box ang “TV5 AniMEGA” at sumali.

No comments:
Post a Comment