Last Friday, dahil sa bigong kudeta, bago mag-tanghali ay isinailalim ng Pangulong Arroyo ang buong bansa sa ilalim ng State of National Emergency...
This declaration costs everything... mula sa pagbaba ng piso laban sa dolyar... ang Phisix ay bumaba din... ang WWE Raw Live Tour ay muntik nang hindi matuloy, naipit sa gitna ng kaguluhan sina John Cena, Triple H, etc. Ang pahayagang The Daily Tribune ay ni-raid ng otoridad sa kadahilanang panay ang banat ng naturang diyaryo sa pamahalaan. Ang GMA 7 ay nag-preempt ng ilang programa, mula sa Sad Love Songs hanggang GTO. Ang QTV 11 naman, kamuntik nang mapre-empt ang Cheeky Angel, at hindi natuloy ang pagtatapos ng April Kisses... Ang ABS-CBN 2 naman, hindi nila nagawang magpalabas ng Naruto...
Pinakamalaking sira na nagawa ng deklarasyong ito ay kung mawawalan na ba ang sambayanan ng kalayaan sa pamamahayag... Hindi pa naman daw ito Martial Law... Sana bawiin na ito sa lalong madaling panahon... Marami na ang apektado sa pangyayaring ito...
Kahapon, nagkaroon naman ng tensyon sa Philippine Marines, bunga ng pagpalit ng pamumuno sa naturang dibisyon... Pero pagkatapos ng ilang oras, nagpahayag ang grupo na susundin pa rin nila ang Saligang Batas...
Ano ba yan? Yung lang pala ang magiging resulta pagkatapos ng mahabang oras na pagtutok!
Kagabi naman, hinihintay naman ng buong bansa kung sino ang tatanghaling Final Four ng Starstruck. Laking gulat ko nang inanounced na sa programa na si Iwa Moto ay nakapasok sa Final Four...
Sa katatapos na resulta, mas nanaig nga ang boto ng mga texters kaysa sa mga pahayag ng Starsrtuck Council, lalo na sa mga pahayag nina Louie Ignacio at Lorna Tolentino...
Kung ang pahayag nila ang pagbabasehan ng resulta, hindi dapat makasama sa Final Four si Iwa... Ang attitude at pagmumura ng taga-Las Pinas na ito ang itinuturong mabigat na dahilan ng mga hurado... Sabihin na lang nating may talento nga ito, pero wala siyang karapatan na ipagmayabang masyado sa iba pa niyang mga kalahok... Sabihin na lang natin na inilabas lang niya ang sama ng loob niya, pero hindi na niya dapat kailangang magmura sa harap ng kamera... Yung iba nga, nagagawang maglabas ng sama ng loob ng hindi nagmumura...
Lumabas na nga daw ang tunay na ugali ng taong ito... Malamang sa Final Judgment ay magbabago na ang pulso ng sambayanan...
PULITIKA at STARSTRUCK... Sa nakalipas na linggo, lahat tayo ay naisahan... Lahat tayo ay naloko... Lahat tayo ay nautakan...
For the past week, WE'VE BEEN SCREWED!
1 comment:
Uhm. the Coup D' Etat, no question about it
but the Starsborn final 4?? hm,, i have a gut feeling these will not match the Season 1 Housemates or the current celebrity housemates or the upcoming Teen and Season 2 Housemates..
pag nagsimula ang PBB 2, sigurado, makikisayaw na lang ako ng "Pinoy Ako!!"
*Pinoy Ako, Pinoy Tayo!!*
*Sikat na sikat ang Pinoy!*
Post a Comment