Tuesday, November 21, 2006

A Weekend of GOOD NEWS and WINNERS!

November 18 and 19 has been passed, at nagtapos ito ng punung-puno ng mga magagandang balita at mga naging kampeon!

Last Saturday, idinaos ang pinakamalaking anime fair ng taon, ang Hataw! Hanep! Hero 2006. Maituturing din itong anniversary convention/celebration dahil lampas isang taon na ang Hero TV sa Philippine cable TV industry. Tulad ng inaasahan, dagsa ang mga anime fans sa naturang event. Hindi tulad noong nakaraang taon, naiwasan ang siksikan ng mga tao dulot ng kaliitan ng lugar. SaWorld Trade Center ito ginanap, bagamat malaki ang lugar ay kitang-kita ang kapal ng mga taong dumalo at naging saksi sa makasaysayang pangyayari sa industriya ng anime sa Pilipinas. Lubos naman ang pasasalamat ni Mr. Eric Ang Go, ang Channel Manager ng Hero TV sa lahat ng tumulong, sumuporta at nagmamahal sa nangungunang anime channel sa Pilipinas.

Sa kasamaang palad, sa kabila ng nakatanggap ako ng 2 VIP tickets ay hindi pa rin ako at si Genjo Sanzo nakapunta doon dahil sa kakulangan ng pamasahe. Paumanhin sa inyo, lalo na sa mga forumers ko sa ABS-CBN at Zen Honbu. Ipinaaabot ko naman sa Hero TV ang aking lubos na pagbati at pasasalamat.

Napanalunan naman ng Team Philippines ang championship ng World Robotics Olympics na ginanap sa China. Bagamat mas high tech ang mga pambato sa Japan, Korea, etc. pagdating sa larangang ito, nasungkit pa rin ng ating bansa ang karangalan dahil sa kakaiba at nativeness ng kanilang presentation. Binabati ko kayong lahat diyan.

Higit sa lahat, noong Linggo. Binigyan na naman tayo ni Manny Pacquiao ng kasiyahan at karangalan matapos talunin sa loob ng tatlong round ang pambato ng Mexico na si Erik Morales. Nakakagulat man ang bilis ng mga pangyayari, nagawa ni Pacman na tapusin agad ang laban dahil sa iniindang mataas na lagnat niya dulot ng tonsilitis. Pagkatapos ng laban, panalo si Pacquiao, panalo ang puspusang pagsasanay na ginawa ng coach niyang si Freddie Roach, panalo ang mga Pinoy na nanood sa Las Vegas, panalo ang mga kababayan nating nanood ng LIVE sa PPV (salamat sa Solar All Access), panalo ang sambayanang Pilipino.

Tunay nga namang nakakatuwa ang nakalipas na weekend. Sana laging ganito (teka, baka lalo naman akong hindi nakapunta sa H3! Hehehe)

----- ----- -----

Muli ko pong inaanyayahan ang lahat ng Pinoy anime otaku sa buong mundo na makibahagi sa OTAKU'S VERDICT, lalo na sa magaganap na botohan sa Disyembre. Ang lahat ng kailangan ninyong malaman tungkol sa OV2006 ay matatagpuan lang sa website na ito:

http://www.otakusverdict.cjb.net

Maraming salamat sa lahat ng mga naging kabahagi ng ating poll.

No comments: