Nagsimula na noong Linggo, December 3 ang botohan sa OTAKU'S VERDICT 2006.
Ngayong taon, napakaraming anime series ang maglalaban-laban para sa pinaka-aasam na mga titulo ngayong taon. Kaya ipaglaban ang inyong mga pambato at bumoto na sa OTAKU'S VERDICT 2006.
Pumunta lamang sa website ng OV2006 (http://www.otakusverdict.cjb.net/), click "Voting Booth" at pwede na kayong bumoto. O di kaya ay magpunta sa Zen Otaku Honbu (http://z11.invisionfree.com/zenhonbu/index.php?act=idx) na aming main anime forum partner. Mag-register at karagdagang voting power ang inyong makukuha sa pagboto din doon.
Bumoto hanggang 12:00 nn ng December 27, 2006. Pagkatapos ay ita-tabulate ang lahat na nakalap na boto mula sa OV2006 website at sa Zen Otaku Honbu at ilalabas ang resulta nito sa December 29, 2006.
Hindi ito basta-basta online poll. Ang kapangyarihan ng Philippine anime industry ay nasa ating mga kamay. Kaya boto na!
No comments:
Post a Comment