Tuesday, December 26, 2006

Don't Mess Up with Lupin III and Anime Fans!

Ngayong napanood ko na ang teaser clip ng tatlong bagong GMA Telebabad series, eto naman ang masasabi ko sa magiging scenario.

Huwag ninyo sanang isipin na makasarili akong tao dahil straight anime fan ako (regardless of what channel). Para naman ito sa kapakanan ng higit na nakakaraming anime viewers, lalo na sa GMA 7 at QTV 11.

Let's begin. Doon sa gagawing Lupin III at Super Twins...

Alam kong lagi kayong inaakusahan ng mga fans ng ABS-CBN 2 na "nangongopya" kayo ng konsepto, mapa-drama, news, etc.

Ang akin lang naman, walang masama sa pangongopya. Ang mahalaga ay huwag lamang malihis ang tunay na kaalaman ng mga manonood ninyo sa mga bagay na gagawin ninyo.

Doon sa LUPIN III, I know, you know... WE ALL KNOW him sa anime series... Kilalang-kilala ang kanyang komedyanteng katauhan. Isa iyun sa mga elemento kung bakit pumatok ang Lupin III anime sa GMA 7, walang kaduda-duda.

Noong una, natuwa ako nang malaman ko na gagawing Telebabad series ang Lupin III. Pero napag-alaman kong parang iibahin yata ang konsepto nito.

WALA AKONG PAKIALAM kung si Richard Gutierrez o kung sino pa man ang gaganap na Lupin. Ang gusto ko lang isalpak sa mga pagmumukha ninyo (lalo na sa mga Telebabad viewers) ay gusto naming mga anime fans na sa oras na mapapanood namin siya ay naroon pa rin ang pagiging komendyante ni Lupin III.

Sabihin na nga nating kasama si Richard sa Nuts Entertainment. Comedy show nga siya, pero masasabi kong mas malayo ang mararating niya kung HINDI SIYA LAGING FOCUS SA SERIOUS ACTION. Alam kong nakatago lang ang galing niya sa komedya. Gamitin lang niya iyon sa Lupin III, mas tataas ang respeto ko sa kanya.

Kung ayaw ninyong sabihin kong BINABOY NI RICHARD SI LUPIN, gawin niya ang suhesityon ko!

Uulitin ko lang, walang masama sa pangongopya. Ang mahalaga ay huwag lamang malihis ang tunay na kaalaman ng mga manonood ninyo sa mga bagay na gagawin ninyo.

Sa Super Twins naman, nagulat naman ako nang malaman kong nangopya na naman kayo ng elemento. Kung hindi ninyo pa alam, nangopya ang Super Twins sa SAILORMOON!

Pasalamat kayo at HINDI NA MULING MAIPAPALABAS ANG SAILORMOON ANIME AT LIVE-ACTION dito sa bansa o kahit saang bansa sa mundo! Dahil nagkaroon ng problema ang mangaka/author ng Sailor Moon at Bandai-Toei kaya barred lahat ng TV rights nya...

We want Lupin III the way WE KNOW HIM, WHEN WE KNOW HIM, HOW WE KNOW HIM, WHERE WE KNOW HIM!

7 comments:

theBlockerPH said...

^
oh god... this thing will be deleted. hehehe!

i oppose.
ANIME is Anime... it will never be the same.

Initial D Chinese Movie is not the same as the Initial D, because it's just a shorted version. Although It's fine... but not fine enough.

Kevin Santos said...

Simpleng Comment Lang........

Nakakapangilabot sa Kabaduyan!

FreedomStrike Group said...

Ang problema lang sa kanila kasi. ang hilig magtap ng market na wala namang nalalamang gustong gawin

LIARS GOZON TO HELL he he he

Aya Empeo said...

mahilig ako sa live actions pero sana kung gagayahin nila yung Lupin III sana parehas sa anime... asan si Goemon at Jigen????

and yung super twins... ginaya nila ang sailormoon!!!!

Aoi_Itsuki said...

Kung walang kakengkoyan si Richard na gagawin, ano pa't gumawa sila ng Lupin Live action? Tama si Kabayan... I don't remember Lupin being a sharply dressed bishy. I don't remember him being a ladies' man (at least sometimes.) Siya nga naman ay kengkoy, at makulit.

Super Twins? No comment @_@.

Wija said...

OH MAH GAWD! T_T

This is soo sad!
I mind very much that in Super Twins...they used Sailormoon fuku...it's the disturbing.

If they'd know me, I could've made the dresses and whatnots for them instead...it's just soo disturbing when I see any Sailormoon related things. -twitches-

Anyways, as for Lupin...isn't it just titled as Lupin. Not Lupin III?

Hara~ I wish I could work in GMA as a director or something...I'd be thinking of another kind of story that wouldn't have to do with already existing anime. -shrug and sighs-

Ellesor said...

kakakilabot di ba?
i made an article regarding that here:
http://leiaskywalker.wordpress.com/2007/03/20/there-is-definitely-something-wrong-here/