"If you find similarities, it is outright coincidental. Hindi po ako nakakapanood ng Sailor Moon and Amazing Twins." - Dominic Zapata
Ito ang pahayag ng direktor ng Sailormoon at Amazing Twins rip-off telefantasya series Super Twins ng GMA 7. Ipinahayag ito matapos ang malakas na paninindigan ng mga anime fans na ang mga costumes nina Jennyln Mercado at Nadine Samonte noong una itong ipinakilala noong nakaraang taon ay walang kaduda-dudang kinopya ito mula sa sikat na bishoujo anime series at meron na ring live action version na Sailormoon.
Lumalabas na walang kamuang-muang ang naturang direktor na merong anime series na nagsusuot ng sailor scout costumes na katulad ng sa Super Twins. Kaya hugas-kamay naman ito sa pagpahayag niyang hindi niya napapanood ang Sailormoon bago sana niya idinirek ang naturang telefantasya.
Direk, kung nakikinig ka sa mga taong nasa paligid mo, malamang malalayo sa iyo ang katotohanang Sailormoon copycat ang Super Twins. At kung binabasa mo ang Wikipedia entry ng naturang programa, sasabihin mo ring nagsasabi ng totoo ang sinumang naglagay ng impormasyon tungkol dito. Sa madaling salita, naobserbahan ng gumawa nito na ang konsepto sa Super Twins ay galing sa Sailormoon.
Pero pasalamat ka, Direk. Ginawan ng paraan ng GMA 7 na pakalmahin ang sitwasyon. Iniba ang costumes para "hindi magmukhang pareho" ng tulad sa Sailormoon.
Pasalamat ka, Direk. Hindi kailanman maipapalabas ang Sailormoon anime o ang live-action series kahit saan sa mundo. Kahit dito sa Pilipinas, sa telebisyon. Pero naniniwala akong may access ang mga tao sa internet kaya makakagawa pa rin ng paraan para mapanood ito. Youtube, DVDx, narinig ba ninyo ito, Direk? Tiyak na ipagkukumpara ang dalawang palabas na iyan. Pustahan tayo.
Pasalamat ka, Direk. Hindi gumagamit ng utak ang mga manonood mo. Dahil kung gagamitin nila, eh baka hindi lang galit ang aabutin mo. Kundi pati mga action moves mula kay Sailormoon, este, Super Twins pala.
No disrespect, Direk. Sa susunod na tatanggap ka ng project, tingnan mo muna ng mabuti. Page by page, paragraph by paragraph, word by word, letter by letter. Para hindi ka naman magulat kung may kinopya na namang anime ang gagawin mo. O di kaya, sisihin mo ang creative team na gumawa nito, para sa susunod kong labas ay sila naman ang gigisahin ko.
Nagkakaintindihan ba tayo?
1 comment:
Hayaan na lang natin sila, sila rin ang gagawa ng kanilang kabulastugan
BTW: KW Aftercon on Ozine Fest 2007 Now up! http://toddicediver.blogspot.com/2007/04/kw-afterconvention-ozine-fest-2007.html
Post a Comment