Wednesday, April 25, 2007

AK Back on ZOHNe TV

March 1, 2007. Nakatakda sanang mag-broadcast ang inyong lingkod para sa Zen Honbu Reports (na ngayon ay tinawag nang ZOHNe TV Reports) sa aming online channel sa YouTube.com (na minsan naman sa BrightCove.com), ang Zen Otaku Honbu News TV. Higit na kilala bilang ZOHNe TV. Pero isang di inaasahang pangyayari ang tumambad sa amin bandang 3:00 am na. Itinakbo namin si Tatay sa San Pablo Medical Center dahil sa madalas niyang paghahapo na dulot din ng mataas na blood pressure at diabetes.

March 4 naman ng inilipat si Tatay sa San Pablo Doctors Hospital dahil nakikita ng mga kapatid namin sa unang asawa na hindi maganda ang serbisyo ng unang ospital. Hindi kataka-taka iyun, government property ba naman iyun. At doon naman 5 araw siyang nanatili hanggang makalabas na siya ng March 8.

Lubos ang aking pasasalamat sa lahat ng nagmalasakit sa aming tatay, mula sa aming mga kapitbahay at mga kaibigan, mga kamag-anak namin sa iba't ibang probinsya, maging dito sa Zen Honbu. Napatunayan lang na nasusukat ang katatagan ng pamilya kapag sumasapit ang mga ganitong pagkakataon.

Pero pagkatapos naman nito, hindi pa rin magawang makapag-broadcast ang inyong lingkod. Nasira ang gamit kong headphone (with microphone) na siyang ginagamit ko sa pagrerecord ng videos, kaya natagalan na naman ang hindi ko pagreport. Pero hindi ito naging hadlang para hindi ako makapag-contribute sa ZOHNe TV. Kaya visual presentation na may BGM muna ang ginawa ko.

Noong Abril, nagsimula ako sa bago kong trabaho bilang merchandiser sa isang supermarket. Pansamantalang ipinaubaya ko kay Sanzo ang aking mata at tenga sa pagkalap ng anime balita. Tuwing gabi naman ako online sa Zen Honbu.

Sa wakas, April 20 nang una akong sumahod. At sapat na iyun para makabili ng sarili kong headphone, dahilan para maipagpatuloy ko na ang aking broadcast.

Panoorin ninyo ang ZOHNe TV Reports (The MAGTIBAY ANIME Edition), patuloy na akong maghahatid ng mga anime balita at impormasyon sa loob ng ating bansa.

Abangan din ang Hamon ni Kabayan, ang aking anime commentary program na hindi lang opinyon ko ang mapapanood, pati na rin mga anime fans na magpapadala ng kanilang mga pananaw through PM sa Zen Honbu at sa aking e-mail na magtibayanime2000@yahoo.com

Maraming salamat sa patuloy ninyong pagsuporta sa Zen Honbu at sa ZOHNe TV.

No comments: