Ayoko nang idetalye pa dito sa blog ko ang mga nangyaring pagpapakamatay ni Marianeth Amper na taga-Davao. We all know that this incident is a wake up call for all of us. Yes, ALL OF US. Maraming mga moral lessons na dapat na nating matutunan, lessons that we are ignored because of being pathetic.
Pero hindi ito magbubunga ng mga usap-usapan, maging bangayan pa rin ng mga pulitiko at maging ang pagsama ng kalooban ng pamilya ng bata sa over-exposed na ginagawa ng media sa kanila kung hindi ginawa ni Amper ang bagay na alam ko, alam mo, alam nating lahat na isang malaking pagkakasala sa mata ng ating Dakilang Lumikha... iyan ang pagpapakamatay... pagpapatiwakal... pagwawakas ng sariling buhay... It's known to the whole humanity by the term SUICIDE.
Everytime I watch news, hindi na bago sa akin ang mga police reports, blotters na may isang nilalang sa mundo o kababayan natin ang nagagawang gawin ang karumal-dumal na krimen na ito dahil sa mga personal na kadahilanan.
Iginigiit ng mga pro-life people na ang pagpapatiwakal ay HINDI SOLUSYON sa mga problemang kinakaharap ng tao. Maging ang CBCP ay nagpahayag na "never lose hope". Pero may mga nagsasabing naging "bayani" pa umano si Amper dahil iniligtas niya ang kanyang pamilya sa tuluyang pagsadlak sa kahirapan. Kapwa matimbang ang iba't ibang mga katuwiran hinggil sa isyung ito.
Taas-kamay kong aaminin sa inyo, talagang talamak, malala at mabigat na ang problema sa kahirapan. On the part of our government, kahit anong ulat na sinasabing umuunlad ang ating bansa, tumataas ang halaga ng piso sa dolyar, dumadami na ang may trabaho sa bansa, sa sarili kong panunuri lang, hindi ko ramdam ang sinasabi nila... Mataas pa rin ang presyo ng mga bilihin, gasolina, mababa pa rin ang pasuweldo, etc.
Para naman sa mga taga-simbahan, baka naman pansamantala (or even better, tuluyan na) tigilan na ang pagbabatikos ninyo sa gobyerno dahil kayo rin WALA KAYONG GINAGAWA! Tungkulin ninyo rin ang pangalagaan ang kapakanan ng mga sumasampalataya sa Diyos, pawiin ang gutom-pisikal at gutom-ispirituwal.
Akala ninyo, makakaligtas ang Juan dela Cruz sa pangyayaring ito? May mga mahihirap na gustong kumita ng hindi nagbabanat ng buto. May mga pamilya naman na nakikita ng mga anak na nagbabangayan ang mga magulang nila, ISA SA DAHILAN para mag-isip ang bata at magpasyang magpatiwakal. Pero sa mga taong nakikisimpatiya sa nangyari kay Amper na tulad ko, gusto mang tumulong sa kanila ay wala tayong maialay kundi panalangin, naiintindihan ko kayo... ang importante ay NABUBUHAY tayo at nananatili ang PAG-ASA sa ating mga puso at kalooban. Hindi ba't kahirapan din ang dahilan upang pumunta ang mahigit 30,000 katao sa Ultra na nagbunga naman ng MAS MALAKING PROBLEMA? Yes. Until now, mapurol pa rin ang talim ng batas sa mga taong sangkot sa trahedyang ito.
I want you ALL to know na lahat ng problema, may kaakibat na SOLUSYON. At ang pagpapakamatay ay HINDI SOLUSYON, kundi KARAGDAGANG PROBLEMA! Makakatakas ka nga sa kahirapan, pero hindi maliligtas ang kaluluwa mo oras na hatulan ka ng Diyos na lumikha ng buhay mo!
Palalampasin ko muna ang ginawa ni Amper, pero ang mga taong nagpatiwakal at magpapatiwakal dahil sa mga maliliit na problema na alam kong kaya namang solusyon, iyan ang mga taong ang buhay nila ay PATAPON! Kung kahirapan din lang naman ang problema, kahit ano pang katuwirang ibabato ninyo, meron at merong solusyong darating. Tulungan ninyo ang sarili ninyo. Tulungan natin ang mga sarili natin. Kung hindi kayang gawin ng gobyerno at simbahan, baka naman ang ating pamayanan na ang gumawa ng hakbang.
PATAPON din ang buhay ng mga taong nagpakamatay at mga taong balak pa lang magpakamatay dahil sa sawing pag-ibig! Huwag kayong masyadong agresibo at desperado! My piece of advise to you, peeps... don't look for love, love will find you. Mababasted lang, balak nang magbigti... MAG-ISIP KA NGA! Ang dami kayang tao sa mundo? sa Pilipinas?
Ang kahirapan at sawing pag-ibig ang masasabi kong pinakadahilan ng pagpapatiwakal ng isang tao... Pero, para sa aking opinyon, ang mga taong PINAKAPATAPON ang buhay ay yung mga taong nagpakamatay o magpapakamatay dahil hindi nagawa ang isang bagay o hindi napuntahan ang isang lugar o kaganapan at iba pang mga kauri nito. Ang babaw, hindi ba? Kung tutuusin, there's always a next time, sabi nga... Porke ba hindi ka nakapunta, balak na agad mag-suicide? Malala ka na kung binabalak mo itong gawin... not once, but twice... or THRICE!
Anumang kadahilanan upang ikaw ay magbalak mag-suicide ay isang ka-cheapan. Eternal unforgiveness ang makakamit ng kaluluwa mo oras na humarap na ito sa Dakilang Lumikha.
People, don't waste your life and don't lose hope. Iyan ang pormula ng isang matatag na tao. Iyan din ang susi para kapag ikaw ay pumanaw (hindi dahil nagpakamatay), ang iyong kaluluwa ay dumiretso sa kaharian sa langit. Sabi nga, kapag oras mo, ORAS mo na!
Hintayin mo na lang ang panahong mamamatay ka na. Maaaring mamatay ka sa sakit o sa katandaan, o mapatay ka ng kaaway mo. But commiting a suicide, it's cheap... IT'S SUCKS!
No comments:
Post a Comment