Sa loob ng 9 na taon na panonood ko ng anime, iba’t ibang mga trends na ang ginagawa ng mga TV networks sa pagapalabas ng anime. Pinakamatunog ang ginawa ng GMA 7 na kung saan may anime sa primetime at mas mahaba pagdating ng Biyernes. Halos naging abot-kamay ulit ng GMA 7 at ABS-CBN 2 noon ang primetime nang ilagay nila ang pambato nilang anime sa 6:00 pm timeslot. Ang sister station ng ABS-CBN 2 na Studio 23 ay nagkaroon at patuloy ang pagpapalabas ng anime sa primetime.
Pero sa lahat ng ito, masasabi kong ang pinaka-lakas ng anime programming ng mga TV networks ay ang schedule nito sa hapon. Bago pa man ang Voltes V comeback noong 1999, nakakitaan na natin ang lakas ng anime programming. Ito kasi ang oras na kung saan karamihan ay nag-uuwian mula sa buong araw na trabaho o pag-aaral sa paaralan. Kaya naman, ang panonood ng anime ang naging pahinga natin.
Sa naging panahon na nanonood ako, ang Studio 23 at QTV 11 pa lang ang nangahas na baguhin ang nakagawian na nating panonood ng anime.
Kung inyong natatandaan, ang Studio 23 ay may record na pinakamahabang anime block sa hapon. 4 na oras na nagsisimula ng 2:00 pm at nagtatapos ng 6:00 pm. Ito rin ang block na ginagamit ng NCAA at UAAP. May anime pa sa primetime. Sa ngayon ay magkakaroon ulit ng anime sa gabi, sa pangunguna ng Samurai X at Gundam SEED Destiny.
Ang QTV 11 naman ay nagsimula sa kanyang anime block noong December 2005, sa pamamagitan ng Striker: Hungry Heart na pormal na natapos ang palabas (bagay na hindi nagawa ng GMA 7 noon) at The Prince of Tennis na nagsilbing “flagship” anime show ng QTV 11. Di naglaon ay nadagdagan ng anime viewing sa weekend afternoons at latenights. Ang kanilang afternoon block ay ang timeslot na halos kapareha ng ABS-CBN 2 at GMA 7 noong nag-uumpisa rin ito sa anime.
Sa nakaraang taong 2007, kapansin-pansin ang paghina ng anime programming sa hapon. Halos kalahating taon ay burado sa afternoon sked ng ABS-CBN 2 ang anime. Ang isang oras na anime block ay inokupahan ng Pinoy Movie Hits at Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 UBER. Sa kalahating taong ding iyon, solong-solo binuno ng Slam Dunk ang anime block matapos tinanggal sa ere ang Knockout. Nito lamang Disyembre ay nagbalik ang Anime Swak Pack block nang dumating sa local TV scene ang Initial D.
Pero ang ginawa ng QTV 11 ay masasabi kong pinakamapangahas. Sino ba naman ang mag-aakalang ilalagay nila ang buong anime block sa maagang schedule sa hapon? Mula 1:00 hanggang 2:30 pm, katapat ng Otogi Zoshi, Elemental Gerad at Hikaru no Go ang Eat Bulaga at Wowowee. At mula sa aking isang linggong eksperimento, na-realize kong hindi magandang manood sa ganoong oras.
Kung nagsasawa ka sa rekado ng 2 noontime shows, maaari mong gawing alternatibo ang QTV 11 Anime Revolution block. Kung nanonood ka ng Hero TV at Animax sa oras na nagtatanghalian ang lahat, madaragdagan ang mapapanood mo. Pero kung talagang sanay ka na sa nakagawian, iiwanan mo lang ang 3 anime na ito.
Simple lang ang gusto kong sabihin. HINDI MAGANDANG HAKBANG ang ginawa ng QTV 11. Mas pipiliin kong ilagay ang buong anime block sa 3:00 to 4:30 pm timeslot kaysa sa mas maagang oras o itapat man lang sa anime schedule ng ABS-CBN 2 at GMA 7.
Ngayong magbabalik na ang Naruto sa ABS-CBN 2 at wala pang katiyakan kung ano ang ipapalit sa Slam Dunk sa loob ng 2 linggo, inaasahang magbabalik na ang lakas ng anime sa afternoon schedules. Huwag naman sanang maulit ang nangyari sa ABS-CBN 2, GMA 7 at QTV 11 nitong nakaraang taon.
Sabi nga, ang mga masasamang nangyari ng nakalipas na taon, huwag na nating dalhin sa bagong taon. Iwanan na natin.
No comments:
Post a Comment