Friday, January 04, 2008

Masalimuot na Simula ng Taong 2008 sa Philippine Anime

Sinalubong nating mga Pinoy anime fans ang taong 2008 na may pag-asang magiging mas maganda sana ang takbo ng industriya ng anime sa ating bansa, mapa-saang TV network iyan, local TV o cable TV.

Pero ang mga balitang nakalap ng inyong lingkod at ng Zen Otaku Honbu ay sadyang nakakadismaya sa atin.

Matapos ang kagulat-gulat na paglipat ng buong anime block ng QTV 11 sa maagang afternoon timeslot mula noong Deecember 24, katanungan ngayon kung anong anime series ang papalit sa Hikaru no Go na katatapos lang nitong Biyernes ng hapon. Hindi na siguro big deal kung isang rerun anime ang ipapalit dito. Pero paano kung bagong title ang isasalang?

Katanungan din kung ano ang takbo ng schedule ng QTV 11 oras na isalang na ang pinakabago nilang foreign acquisition, ang American Idol. Ipapalabas na ito simula January 16 at 17, Wednesdays and Thursdays ng 6:00 pm. Masasagasaan nito ang mga programang Moms at The Sweet Life.

Pero hindi naman ako despair dahil nariyan pa rin ang Twin Spica sa weekend afternoons. Katanungan pa rin kung anime pa rin ang kukuha sa weekend 5:00 pm timeslot oras na matapos ang buong run nito.

Samantala, pagkatapos ng anunsyo ng ABS-CBN 2 ang pagbabalik ng Naruto, kasabay ng pagbabalik ng anime sa afternoon slot, mukhang disgrasya din ang haharapin ng morning timeslot nito. Nakatakdang ibalik sa ere mula sa maikling pagpapalabas noong July 2007 ang redubbed anime classic na Trapp Family Singers, na kukunin ang weekday 9:00 am timeslot kapalit ng panandaliang Christmas animation specials ng ABS-CBN 2. Ang Trapp Family Singers ay mag-uumpisa sa January 7.

Pero ayon sa nakalap na impormasyon mula sa Zen Otaku Honbu at sa ABS-CBN.com anime forums, mapupuno ang buong morning anime block ng mga classics. Nauna nang napaulat na muling ipapalabas ang redubbed anime classic na Cedie at Swiss Family Robinson sa loob ng buwang ito. Kung matutuloy ang 2 anime na ito sa nakatakdang petsa, malamang na lalaktaw ng 2 airing episodes ang Capeta at Cooking Master Boy.

Pero ang nakuha naming balita mula sa GMA 7 ang masasabi kong pinakadismaya. “Due to insistent public demand” DAW, ipapalabas ulit ang Ghostfighter. Nakatakda itong ipalabas ULIT simula January 14. Pero 5:00 pm ang Ghostfighter at aabante ang Initial D sa 5:30 pm timeslot. Una sa lahat, bakit “due to insistent public demand” pero wala naman akong ipinapahayag na gusto kong ibalik ito? Arya na naman ang GMA 7 sa mga gasgasing “tried and teste” animes nila. Sana nga lang ay i-rerun na lang ang Bleach, tulad ng kahilingan ni Jamibu, ang aking co-admin sa ZOH. Siguro, dapat halukayin ang iGMA.tv anime forums at ang PinoyExchange.com forum. Baka may mga nagpopost diyan, humihiling na ibalik ang Ghostfighter. Dapat silang busalan ng basahan iyan!

But despite all of this, naisip kong nag-uumpisa pa naman ang taong 2008. Meron kaming pinanghahawakang mga impormasyon mula sa ZOH na hangga’t maaari ay hindi muna namin ilalabas. Pero may mga forumer na handang maglabas ng mga inside reports para sa layuning huwag madismaya ang mga online users.

Dapat turuan ng leksyon ang mga gumagawa ng advertisement, lalo na sa inilabas ng GMA 7. Kasinungalingan ang sinasabing ibabalik nila ang Ghostfighter “by public demand”. They must know what animes must rerun by demand or not. Kumpara sa The Prince of Tennis sa QTV 11 noon na kumbinsido ako sa naturang term, na nadugtungan naman ng season 2 episodes.

Bago matapos ang komentaryo ko ngayong araw, isang kiliti…

Napakinggan ko kanina lang ang Super Kuwentuhan sa DZBB. Patuloy palang binabasa nina Fernan Gulapa at Orly Trinidad ang Mega Manila TV ratings data ayon sa AGB Nielsen.

Dito ko napatunayang HINDI na nababagay ang Koreanovela sa morning timeslot, na pinaghaharian ng mga animes.

Bakit? Noong December 27, tinalo ng Remi: Nobody’s Girl (ABS-CBN 2) ang One Million Roses (GMA 7).

Sapat na bang katibayan iyan para palitan ng anime ang Koreanovela sa GMA 7?

Kayo na ang humusga.

No comments: