Thursday, January 17, 2008

Goodbye Remakes? Welcome Back, Real Things!

Isang buong taon din siguro tayong naimbiyerna ng mga ginawang remakes ng ABS-CBN 2 at GMA 7 mula sa mga anime series na napanood natin noon.

Noong sumiklab ang balitang gagawa ang GMA 7 ng Telebabad remake ng Lupin III (through Lupin) and Sailormoon (through Super Twins), umani ng maraming negatibong reaksyon mula sa kampo ng mga Pinoy anime fans. Kasama ako sa mga nagalit. (Basahin ninyo ang Coincidental, Direk? I DON’T THINK SO! at Don’t Mess Up with Lupin III and Anime Fans!)

Umani rin ng iba’t ibang reaksyon nang gumawa ang GMA 7 ng remake ng Shaider (through Zaido) at ABS-CBN 2 ng remake ng Princess Sarah. Napapaulat pa nga na baka gumawa rin ang GMA 7 ng remake ng Flame of Recca, pero lumipas din ang isyu.

Mukhang sa umpisa ng taong ito ay hindi iinit ang mga tuktok ng ulo natin dahil walang anime remake na gagawin ang mga TV networks. Maliban na lang siguro sa Kung Fu Kids ng ABS-CBN na hinihinalang rip-off at mixed up mula sa ilang anime na naipalabas na sa channel 2 noon.

Napagtitiyagahan ko pa ring manood ng mga Power Rangers version mula sa Super Sentai series. Nariyan pa rin ang Power Rangers SPD mula sa Tokusou Sentai Dekaranger at Power Rangers Mystic Force mula sa Mahou Sentai Majiranger. Nandito rin sa bansa ang Sazer X, ang ikatlong Chouseishin series at Ryukendo.

Napapanood naman sa QTV 11 ang Saiyuki live action. Malapit na ring maipalabas ang Hana Yori Dango 2 at malamang ang susunod ay ang Detective School Q live action.

Pero sabi nga ni brother Genjo Sanzo, “Walang Power Rangers kung walang Super Sentai”. I hope one of these days ay muli tayong makakapanood ng mga palabas mula sa Japan. Not just animes, but sentais and J-Dorama as well.

Hmmm, I wonder kung nakatiwangwang lang ang mga J-Doramang nabili ng ABS-CBN? Kailangan nilang sulitin ang ginastos nila para dito.

2 comments:

Lian P. said...

uy pabago na ng link ko (Julyan) http://blognihulyan.blogspot.com/ eto bago

Lian P. said...

wag mo na palang ibahin sori