Ngayong malapit nang matapos ang Zaido: Pulis Pangkalawakan, muling umusbong ang mga pananaw ng mga Pinoy online users ukol dito. Since nakapanood na ako ng ilang mga episodes nito, wala akong dahilan para hindi ibigay ang aking pananaw tungkol dito.
Una, tulad ng mga naging remake sa Sailormoon (sa Super Twins), Lupin III at ito ngang Zaido, hinding-hindi nawawala sa GMA Telebabad ang sobrang kadramahan. Kumpara sa pinagkopyahan nito (which is Shaider na may simpleng plot), ang Zaido ay nahahati sa 3 plot: ang laban ng mga Pulis Pangkalawakan at ng kampon ni Kuuma Le-ar, ang kuwento ng pag-ibig at pakikipagrelasyon at ang kuwento ng mga pamilya ng dalawang Zaido. Nakatulong sana ang theme song nito mula sa Sandwich kung nakapokus ito sa iisang plot, pero kontradiksyon ito sa dalawa pang plot.
Ang konsepto ng Zaido Kids ay maliwanag at nagpapatunay na “wala nang maisip na maganda” ang mga writers. For me, it’s a effective, yet lame and obvious move to gain kid audiences. Parang sinasabi nilang “kids can also do adult stuffs”. The action thing, not anything else. Hehehe.
Ang Avilon naman, maganda nga kung titingnan sa gun mode. Pero kapag naging robot na, negatibo na ang dating sa akin. Parang dalawang halimaw ni Le-ar ang naglalaban kapag lumitaw na ang Avilon robot. Unlike sa Vavilos ng Shaider, bihira mo lang siyang makikitang flexible ang katawan nito. I mean, solid na solid siya. But on the part of Avilon as a robot, pangit.
At dahil nga ang Zaido ay inspired mula sa Japanese metal hero series, the action scenes must be fast-paced. Pero parang kinukulang pa rin sa vitamins ang mga stuntmen. Mabagal ang dating sa akin.
Tulad ng sinabi ko kanina, ang Zaido ay tadtad ng kadramahan. Kaya nagreresulta din ito ng excess love factor. That is a big no-no sa Shaider. Ok sana kung sweetness, pero nababaduyan ako.
Kung merong dapat purihin sa Zaido, iyan ay ang challenging role na ginagampanan ni Paolo Ballesteros bilang Ida. Ang akala ko noon, babae ang gumanap na Ida sa Shaider. Shocked ako nang malaman kong lalaki ang pumapel dito. Yun nga lang, sa Tagalog-dubbing nito, boses ng babae ang ginamit. Hindi mo talaga mamumukhaang lalaki ang gumanap sa naturang role. Pero palaban si Paolo dito, hindi niya ininda ang intrigang… you know what I mean, hehehe…
Well, this is my FINAL VERDICT: Sa kabila ng mga negatibong naisulat ko dito, I can say that Zaido is not that bad to be cursed by Shaider and anime fans. Yes, naririnig natin ang mga katawagang Pulis Pangkalawakan, Ida, mga Amasona, si Le-ar at others. Pero mas binigyang hustisya sana ito kung tinulungan si Direk ng mga taong mas nakakaalam sa pinagkopyahan nito (Shaider, that is). I tell you, baka matalo pa ang mga numerong nakukuha ng Marimar nitong mga nakaraang araw. But as a consolation, I still give credit to the actors, staff and crew not for the mess they showed on TV. Consolation credit for their hardwork na lang… behind the camera.
Oo nga pala, malaking pagkakamali sa mga taong nagagalit sa GMA 7 dahil sa ginawa nila sa Zaido. Don’t blame GMA 7. Blame it on Toei Company, LTD. because they granted GMA 7 to make this… mess.
2 comments:
kung inis sa Zaido ang pinag-uusapan mo...
tingnan mo ito.
http://uk.youtube.com/mikerapphone
hi! pwede ba tayong mag-exchange links? Ü hope it's alright. my new blog is http://makkun.pinoyotakupost.com i'll wait for your confirmation (you can drop a comment at my blog). thank you and god bless!
regarding zaido, i watched it once and found the story too predictable. plus the costumes are not really good. :(
Post a Comment