Friday, February 01, 2008

Back to Basics... Err, Classics

Noong kalagitnaan ng taong 2007, matapos ang pagkakatanggal sa Weekday Hero Zone ng ABS-CBN 2, napaglaruan naman ang morning block. Kada dalawang linggo, nagpapalitan at nagtatanggalan ng anime at timeslots. Mula sa apat na animes, tapyas sa dalawa, naging tatlo at balik sa apat. Ang morning anime line-up ng ABS-CBN na kinapapalooban ng Cedie, Digimon Tamers, Yakitate! Japan at Eyeshield 21 ang naging hudyat ng pagwawakas ng “two-week experiment”. Mula noon, masasabi kong inalagaang mabuti ng ABS-CBN 2 ang naturang morning block.

Pagkatapos na lumabas ang balitang ipagpapatuloy na ang Naruto (kasabay ng pagpapalabas ng Naruto Shippuden), naging matunog na naman ang balita tungkol sa morning anime line-up ng ABS-CBN. Nito lamang nakaraang buwan, ang morning block naman ang nakatikim ng kamalasan.

Sa buong 2 oras, puro anime classics ang napapanood sa ABS-CBN 2 tuwing weekday mornings. Sa ngayon, ang line-up ay kinapapalooban ng Remi: Nobody’s Girl, Trapp Family Singers, Cedie: Ang Munting Prinsipe at Swiss Family Robinson. Kung ang pagbabatayan ay ang Mega Manila TV Ratings mula sa AGB Nielsen, malayong-malayo ang agwat ng apat na ito kumpara sa line-up ng GMA 7. Pero may mga pagkakataong natatalo ng Remi ang Koreanovelang One Million Roses ng GMA 7.

Kung nagawang makipagsabayan ng ABS-CBN 2 sa GMA 7 tuwing weekday mornings noon (na ang mga line-up ay mga katulad ng Yakitate! Japan, Digimon Tamers, Capeta at Cooking Master Boy), sana ay patuloy pa nilang ginagawa ito. Sa mga katulad ko, mas nakakaganang manood ng mga anime na napapanahon kaysa sa mga classics na nasa ABS-CBN. But on the part that if a whole family watching TV, choosing anime classics will not be denied.

Hindi ko sinasabing “pinabayaan” na naman ng ABS-CBN 2 ang kanilang morning line-up. Mangyari kasi, nang bumalik ang Naruto, naging matamlay ang programming nila. I wish that ABS-CBN airs animes that can support the viewership of Naruto. Kahit paano ay lumalaban naman ang Naruto Shippuden sa Ghostfighter. Kahit rerun anime na very familiar to all of us, sigurado akong makakatulong ito.

Hindi nawawala sa aking utak ang anggulong “inaalagaan” ng ABS-CBN 2 ang pagiging “child-friendly” kaya puro classics na ang morning block. Hindi naman kaduda-duda kung ang Cedie ay nanalo sa Anak TV Awards.

Maaari namang hatiin ang Kapamilya morning block. One hour for classics, one hour for modern. More specifically, 8:30 am ang para sa classics, 9:30 am naman ang sa modern.

That would be “child-friendly” and entertainment at the same time. Everybody happy na.

No comments: