Thanks to Jamibu para sa title ng blog na ito. I got the idea mula sa title ng kanyang latest posts.
Ang totoo, ang Valentine’s Day ay ang tipo ng araw na hindi dapat ipinagdiriwang ng masaya, o romantic para sa mga nag-iibigan. No, hindi ko layuning siraan ang mga balak ninyo this 14th. Gawin ninyo kung ano ang gusto ninyo. But keep on reading…
Tulad ng sinabi ko, Valentine’s Day is not a day of celebration o masayang pagdiriwang. This is a day of commemorating and observance. Araw ito ng paggunita at pag-alala. Why? Dahil ito ang araw ng pagkamatay ni Bishop Valentine. Yes, February 14 is the day he died. Tulad ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal, namatay siya sa gitna ng kanyang pakikibaka para sa kalayaan ng kanyang mamamayan laban sa malupit na pamumuno ng isang emperador.
Kung hindi ninyo naitatanong, noong Grade 6 ko pa nalaman ang katotohanang ito. Sa aking pagkaka-alala, ipinagbawal ni Emperor Claudius II ang pagkakasal sa dalawang taong nag-iibigan. May anggulo namang may kautusan ang naturang pinuno na talikuran ang Kristiyanismo. Alam nating lahat na ang kasal ang magiging matibay na batayan ng pag-ibig ng lalaki at babae. Ito ang bagay na tutol ang mga mamamayan nito, lalo na nga ni Valentine. Kaya nagsagawa siya ng malakin rebolusyon (hindi naman siya isang giyera o kudeta tulad ng iniisip nating lahat). Lantaran niyang inilalabag ang kautusang ito at palihim siyang nagkakasal sa mga magkasintahan. Sa kasamaang palad, nadakip siya ng mga kawal ng emperador at doon sa selda nagwakas ang kanyang buhay. May mga anggulo namang pinugutan siya ng ulo bilang kaparusahan.
Kung hindi siguro sa kanyang kabayanihan, malamang na hanggang ngayon ay laganap pa rin ang malupit na batas na iyon sa Europa. Paano pa kaya kung sinakop ang Pilipinas at ipinatutupad din ito?
Hindi ko alam kung ginugunita ng Simbahang Katoliko ang araw na ito sa pamamagitan ng pangkaraniwang misa o nababanggit man lang ito sa mga homily o sermon. But alam kong alam ito ng mga kaparihan sa buong bansa. Sana ay ibahagi ito sa mga mananampalataya.
Pero sa karamihan, it’s all about love. Base na rin sa aking nakita mula noong Grade 6 hanggang kolehiyo, itinutuon ang February 14 para makapagtapat ng nararamdaman ang isang tao sa kanilang minamahal. Naalala ko tuloy ang isa kong kamag-aral na naglakas-loob at nag-abot ng isang Valentine card sa kanyang napupusuan. Pero naging saksi rin ako nang matapos basahin ang card ay walang alinlangan niyang pinunit ito. Kung ako siguro ang nagbigay ng card ay masasaktan ako.
Lumalabas tuloy na mababa ang success rate ng mga taong nagko-confess ng kanilang mga feelings pagpatak ng Feb. 14. Nagreresulta tuloy ito ng matinding pag-iinom o pagpapatiwakal.
It’s a lame excuse kung sasabihan ako na mas gustong ilaan ang Valentine’s Day kasama ang kanyang pamilya o kaibigan/barkada. Kung ang isang babaeng maganda, mabait at understanding ang magsasabi nito sa akin, baka hindi ko paniwalaan.
Nakakabilib naman ang pakulo ng isang shampoo brand. Black Valentine’s. Pero naisip kong ito ay hindi dahil sa kampanyang “dandruff-free hair” o si Piolo ang nag-eendore nito. Ito ay dahil hindi lahat ng tao ay nakakaranas ng isang maligayang araw ng mga puso. Napakabihirang makakita ng mga taong umuuwing masaya o may ngiti sa labi kapag sinagot sila ng kanilang mahal. Ang maikakatuwiran ko dito ay marami sa atin ang nabubulagan sa mga taong maganda sa kanilang paningin. Naroon ang pagtitimbang sa pagitan ng taong guwapo pero hindi ka mahal at ng taong hindi kaguwapuhan pero mahal na mahal ka. Minsan na akong nabiktma ng ganitong diskriminasyon.
Ang Valentine’s Day, masaya mang pagdiriwang sa karamihan, pag-alala at paggunita sa kabayanihan sa ilan, pero isang araw ng kalungkutan at pagluluksa ng namatay na damdamin at pag-ibig sa mga taong pinagkaitan ng pagmamahal.
Ganun pa man, mukhang hindi maganda kung sasabihin nating “Happy Valentine’s Day”. Paano kaya ang TAMANG pagbati nito?
No comments:
Post a Comment