Sunday, August 17, 2008

TV5: The Week That Was


August 9, 2008. Saturday. Mga bandang 8:00 to 9:00 pm, napanood ko ang teaser ng TV5 kaugnay ng kanilang programming para sa mga kids at youth. Sinasabi nilang 32% ng total population ng Pilipinas ay binubuo ng youth. That’s why TV5 gives these viewers WHAT THEY WANT, WHEN THEY WANT IT and HOW THEY WANT IT.

Buong umaga (6:00 am to 12:00 nn) ay inilaan sa mga animated shows. Tatlong oras dito ay sa Nick on TV5 block. Tuwing 11:30 am to 12:00 nn naman ang Transformers: Armada, na una nang napanood sa GMA 7, QTV 11 at Hero TV. Walang takot na tinapatan ng anime na ito ang Pinoy game show ng ABS-CBN 2 at ang hindi mamatay-matay dahil hindi pinapatay na mortal enemy ng anime programming na matanda nang bida sa 14 na taon nang ginawang telenovela na palabas pa rin sa GMA 7.

Mula nang alas-4:30 hanggang alas-7:00 ng gabi, para pa rin sa youth ang naturang timeslots. Tagalog-dubbed ang Nick on TV5 mula 4:30 to 6:00 pm. At ang isang oras naman ay ipinangalang “PrimeTime Anime”. Buong sambayanang Pinoy anime fans ay tumutok sa Shakugan no Shana at Yamato Nadeshiko, kung saan ang mga dubbers nito ay dinala ang galing at talento hanggang TV5. Buong tapang na hinarap ng 2 anime na ito ang mga gameshows nina Kris Aquino at Arnell Ignacio at ang unang 30 minuto ng kanilang TV newscast.

Aaminin kong mula nang mawala sa afternoon slot ang anime, napipilitan akong manood ng mga gameshows sa gabi. Pero nang bumalik ang anime sa TV5, na-realize kong wala akong panalo sa panonood ng mga ito. Kung manonood lang ako pero wala naman akong mapapanalunang pera, bakit pa ako manonood? Hindi kataka-taka kung mababa ang narehistrong ratings ng mga ito. Hindi lahat ng 15% ng mga nanonood ay naglalaro kasabay nila.

Kaya tayong mga anime fans, kaysa aksayahin lang natin ang 30 minuto sa gameshows at 30 minuto ng panonood ng mga balita na hatid ay problema at walang kasolusyonan, manood na tayo ng PrimeTime Anime block ng TV5. Pantay-pantay tayong maeentertained.

Muli, ang aming hamon sa ABS-CBN at GMA. Ang mga pinuno ng Entertainment department at maging sa Foreign Programs Acquisition department ay malinaw na walang ginagawang aksyon sa mga panawagan ng mga anime fans na muling maglagay ng anime sa afternoon schedule. Ito ay dahil sa nagpapaimpluwensya sila sa mga bulong ng ilang empleyado, nag-uudyok na huwag nang magpalabas ng anime sa hapon at sa halip ay magpalabas ng mga Asianovelas.

Malinaw na nababahag ang buntot ng mga nasa Entertainment at Foreign Programs Acquisition department ng mga TV networks na ito. Kung magkaroon nga naman ng pagkakataon na magpalabas ulit ng anime sa hapon, pipiliin pa rin nilang magpalabas ng mga gasgasing animes kaysa magpalabas ng bago pero makokompromiso naman dahil putol-putol ang mga eksena. Magreresulta ulit ng ito ng muling pagkakatanggal ng anime sa hapon.

Maayos sana kung ang mga feedback ng mga katulad naming mga fans ay nakakarating sa kanila. Pero nababalitaan kong nakatambak ang mga phone-in feedbacks, mga snail mails, maging ang mga e-mail messages ay hinaharang kapag anime ang topic.

Hanggang patuloy ang iregularidad, katiwalian at pagmamaltrato ng mga higanteng TV networks sa anime programming, patuloy ang aming panunuligsa at pagbatikos sa kanilang mga maling gawain.

Para sa TV5 - hanggang patuloy ang magandang simula ng pagbabalik ng anime programming sa inyong channel, ang buong suporta naming mga anime fans ay laging nasa inyo.

No comments: