Siguradong lalong mababawasan ang mga anime viewers ng ABS-CBN 2 at GMA 7 dahil sa malinaw na kawalang-aksyon sa kahilingan ng mga ito na muling maglagay ng anime timeslots sa afternoon schedule. Napag-usapan na rin lang ang nangyayaring treachery o trayduran sa pagitan ng mga artista/empleyado, maging ng mga manonood at ng mga namumuno sa entertainment at programs acquisition, malinaw na ang ilang mga empleyadong nagtatrabaho sa ilalim ng mga divisions na ito ang responsable sa muli na namang paghina ng anime programming sa TV.
Mabawasan man ang GMA at ABS-CBN ng mga anime viewers, siguradong ang higit na makikinabang sa pangyayaring ito ay ang bagong bihis na TV5.
Ang TV5 ay dating tinawag na ABC 5 hanggang August 8, 2008. Mula sa mga araw na ito, ang programming ng channel 5 ay nasa ilalim na ng MPB Primedia, Inc., isang local entertainment company na kabalikat ng Media Prima Berhad ng bansang Malaysia. Ngunit sa kabila ng mga pagbabagong ito, mananatili ang pangalan ng Associated Broadcasting Company bilang corporate name, at si Tonyboy Cojuangco ay mananatili pa ring CEO ng TV5.
Sa kanilang launching show na ipinalabas noong August 9, maraming mga bagong programa ang kanilang ipinakilala. Karamihan sa mga artista ay mga bagong mukha, ngunit meron din namang mga pamilyar nang mga pangalan na mula sa 2 major TV networks.
Pero ang higit na pumukaw sa atensyon ng mga anime fans ay ang kanilang anime line-up na ipapalabas ng TV5 simula sa buwan na ito… Nariyan ang Transformers: Armada, na una nang napanood sa GMA 7, QTV 11 at sa Hero TV. At ang kagulat-gulat nilang ipapalabas na mga bagong animes sa ilalim ng TV5 - ang Shakugan no Shana at Yamato Nadeshiko Shichi Henge. Inaasahang ang mga anime na ito, lalo na ang SnS at YNSH ay ilalagay sa primetime schedule sa kabila ng sinasabing sensitibong nilalaman ng mga ito.
Kung magpapatuloy ang magandang takbo ng TV5 sa kanilang anime programming, magiging magandang dahilan ito upang patuloy na makibaka at manindigan ang mga solid Pinoy anime fans na may pag-asa pa ang bansang Pilipinas sa larangan ng anime at Tagalog-dubbing.
Hamon ng inyong lingkod, ANIME KABAYAN at ng sambayanang Pinoy anime fans sa mga malalaking TV networks, panahon na upang kayo naman ang kumilos. Hinahamon namin ang mga nasa poder ng entertainment at programs acquisitions department ng ABS-CBN at GMA na huwag magpapa-impluwensya sa mga taong hinihimok na magpalabas ng mga Asianovelas sa hapon o di kaya’y inuudyukan kayong huwag nang magpalabas ng anime sa hapon. Panahon na upang tuldukan na ang pagtataksil ng mga namumuno sa mga divisions na ito sa mga anime fans.
At para naman sa TV5, isang malugod na pagbati ang pinaabot ng inyong lingkod at ng sambayanang Pinoy anime fans sa inyong pagbabagong-bihis. Umasa kayong mga nasa TV5 na ibibigay namin ang lahat ng suporta sa inyo. At umaasa din naman kami na dito sa inyong bagong kilos bilang TV5 ay hindi ninyo bibiguin ang mga katulad naming mga anime fans na sawa na sa mga mabagal na aksyon at pagtataksil sa amin ng mga malalaking TV networks.
Kaya tayong mga Pinoy Anime Otakus, muli tayong makibaka, muli tayong lumaban, muli tayong manindigan… SHAKE NYO, TV NYO!
No comments:
Post a Comment