Wednesday, April 02, 2008

The Zen Otaku Honbu Forums' Story

zoh3.jpg

Taong 2005 nang binuo nina Jamibu, tetsugaku-sha at ang inyong lingkod ang Zen Otaku Honbu Forums. Actually, marami na’ng naging pangalan ang aming forums. Mula sa Zen Anime Talk, Zen Anime Otaku HQ, Zen Pinoy Otaku HQ hanggang sa naging permanente na kami sa ZOH.

Ang unang slogan namin sa ZOH noon ay “The Intelligent Alternative Anime Forums”. We really and literally mean “alternative”. Why? Kami nina Jamibu at tetsu at maging ang karamihan sa mga forum member namin ay galing sa ABS-CBN Forums (partikular na sa Anime section). Ang inyong lingkod ay pakalat-kalat sa mga major anime forums (lalo na sa iGMA, ABS-CBN, Hero TV at Animax). Noon ngang mga panahong iyon, taong 2005 ay nagkaroon ng problema ang ABS-CBN forums (na-hack ang forums). Dahilan ito upang pansamantalang hindi makapasok ang mga online users doon. Hindi naman namin akalaing tatagal ang problema ang ABS-CBN forums kaya nagpasya si Jamibu na gumawa ng sariling forums at ito ngang ZOH.

Noon, ang tanging paraan para makipag-ugnayan kay Jamibu bukod sa ABS-CBN forums ay sa kanyang chatbox sa kanyang website (Zen119’s Anime Scrapbook). Naging higit ang pangangailangang komunikasyon nang tamaan ng mga hackers ang ABS-CBN forums kaya nilikha niya ang ZOH. Noong May 2005 pa ito ginawa, pero hindi ito officially online, parang back-up forums lang siya noon. Pero naulit ang problema noong July 2005 kaya nagpasyang buksan na ito sa Pinoy internet public.

Aaminin kong hindi pa ako ganoong kahusay sa paghawak ng isang online forums. Nasubukan talaga ako nang gawin na namin ang mga restrictions sa ZOH dahil nga sa pangamba sa hacking. Maraming naging adjustments at pagbabago sa loob ng aming unang forum host.

Lilinawin ko lang, hindi ito blog entry para sa ikatlong taon ng ZOH, sa August pa. Hehehe. Magtatatlong taon na ang ZOH at tatlong forum host na ang aming pinasukan. Una ang Invisionfree, panglawa ang MakeForum at ang pangatlo at bago naming forum host - ang FreeForums. Si Jamibu ang gumawa ng Invisionfree account, si tetsu ang sa MakeForum account at ako naman ang gumawa ng FreeForums account.

Kung nabasa ninyo ang aming anunsyo ng paglipat ng ZOH sa bagong forum host, idinahilan namin ang pag-hack ng mga taong walang magawa sa buhay at mga taong “walang buhay” (tulad ng kuwento ni theBlocker sa kanyang WordPress account). Bago pa man ang aming paglipat, naka-engkuwentro na kami ng mga problema sa loob ng MakeForum account namin.

Nariyan ang kaso ng “word filtering”, kung saan ipinagbabawal umano ang mga salitang may kinalaman sa “adult”, “pharmacy” at “casino”. Maingat man kami sa pagpo-post ay hindi pa rin makalusot kahit gamit ay ang Filipino. Naapektuhan din ang pag-lift ko ng suspensyon sa isang forumer. May mga araw ding hindi makapasok sa mismong index site. Marami sa mga may MakeForum account ang nakaranas ng mga problemang ito. Inilapit ko na ito sa kanilang Support Forum.

At iyun na ngang after ng Holy Week, inatake ng mga hackers ang forum host na MakeForum at nadamay nga ang ZOH. At doon nabuo ang aming pasya na lumipat na.

Sa pakikipag-usap ko kina Jamibu at tetsu noong nagkaroon ng problema ang MakeForum (hindi yung hacking), plano nga naming lumipat ulit ng forum host sa oras na mailunsad na namin ang aming official website (na sana ay tuloy na sa August) o kung magkaproblema ulit sa forums. Hindi ko naman akalaing malaking problema ang hinarap naming noong March 24.

Noong nangyari ang mga minor problems sa MakeForum, sinubukan kong maghanap ng panibagong forum host. At dinala naman ako sa FreeForums. Noong una ay namangha ako sa serbisyong ibinibigay nila at maaasahan daw sila kaysa sa ibang free forum host. Kaya noong nangyari na ang malaking problema, hindi na ako nag-alangang gumawa ng bagong account. Kasama ko si theBlocker sa paggawa ng bagong forums. At tuluyan na akong namangha sa FreeForums. Mas updated at mas maraming features silang ibinibigay sa kanilang mga subscribers.

Tulad ng sinabi ni theBlocker, na-realize kong ang nilayasan naming Makeforum account ay walang kakuwenta-kuwenta! At tama nga ang desisyon naming lumipat na.

Hiling lang namin sa lahat ng ZOH forumers na iwanan na ang mga naging problema sa dating forum host at magsimula na ng panibago.

Baka gusto ninyong sumali sa aming forums? Mag-register na sa Zen Otaku Honbu Forums version 3! Puntahan ninyo lang kami sa http://zenhonbu.freeforums.org/

No comments: