Dahil sa kasalukuyang pangyayaring nararanasan ng forum host ng Zen Otaku Honbu Forums - ang MakeForum.org, simula sa March 25, 2008, ang ZOH ay lilipat na sa bago nitong forum host - ang FreeForums.org.
Ang MakeForum.org ay inatake ng grupo ng mga online activists/random hackers na “g00ns.net”, higit na kilala bilang “Anonymous”.
Napagpasyahan noon ng ZOH Management mula nang unang maranasan ang bug problem ng naturang forum host na kapag naulit ito ay lilipat na ang ZOH sa bagong forum host nito oras na mailunsad na ang official website ng naturang anime fangroup.
Pero dahil ang nangyayari ngayon sa ZOH forums at sa MakeForum.org ay higit sa isang seryosong problema, nagpasya na ang ZOH Management na isagawa na ang paglilipat. Mula nang atakihin ng mga hacker ang forum host at nagawa man ng MakeForum na ayusin ito, tuluyan nang naapektuhan ang operasyon ng forums at maaaring hindi na magagawang kontrolin ito ng maayos.
Para sa mga forumers namin sa Zen Otaku Honbu, humihingi po kami ng paumanhin at higit ang inyong malawak na pang-unawa.
Simula sa March 25, 2008, isasara na ang MakeForum.org account ng Zen Otaku Honbu. Makikita na ninyo ang bagong ZOH Forums Version 3 at hinihiling po naming i-update ang inyong mga bookmarks sa URL na ito:
No comments:
Post a Comment