Wednesday, November 12, 2008

Kapamilya Reacts, Kapuso Dedma Pa Rin...

Nauna ko nang ibinalita ang muling pagpapalabas ng ABS-CBN 2 sa Naruto Shippuden. Sa nakikita kong scenario ay hindi pa ito gaanong makakahatak ng mga manonood dahil balik ito sa SEASON 1 airing. Unless, ia-anunsyo ng Kapamilya network ang pagpapalabas ng SEASON 2 episodes nito. Malamang na baka bago matapos ang taong 2008 o sa umpisa ng taong 2009 natin malalaman ang kasagutan.

Next week naman, 3 series ang ibabalik ng ABS-CBN 2. Yun nga lang, doon pa rin sa Umaganda block ito ilalagay. Una dito ang classic na Julio at Julia: Kambal ng Tadhana (8:30 am). Ang SEASON 1 ng Eyeshield 21 (9:00 am) at ang Getbackers (9:30 am).

In one way or another, masasabi kong ang hakbang ng Kapamilya network ay reaksyon sa naging malaki at patuloy na sumasabog na PrimeTime Anime block ng TV5. Hindi ba dapat ang mga anime na katulad ng Eyeshield 21 at Getbackers ay HINDI NAKALAGAY sa morning timeslot? Hindi kaya panahon na upang bigyan ng katambal ang Naruto Shippuden na "single-handedly" na nakikibaka sa afternoon slot?

*****

Hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikitang konkretong aksyon ang GMA 7 sa naging pambihirang balita ng TV5. Kung sinasabi ng ilang mga uber, rabid at extreme Kapuso na may ginagawang hakbang na ang GMA 7 sa pangyayaring ito, masasabi ba nating may ginagawa ba talaga sila? Ipinalalandakan pa rin nila ang Bleach bilang counter-attack pero wala namang iniharap na matibay na balita o ebidensya.

*****

Maraming sinasabing dahilan kung bakit lagpak ang performance ng mga higante regarding airing animes. Dahil ba kaya nagdadalawang-isip ang programming department na muling maglagay ng anime sa hapon sa kabila ng panawagang muli itong ibalik? Dahil ba namimili ang mga dubbers ng mga proyekto? O nasa kamay ng mga nakaupo sa poder ang kapalaran ng mga anime sa kanilang bakuran?

*****

Hindi ko masisisi ang ilan sa mga anime fans na maglabas ng kanilang mga himutok sa mga Tagalog-dubbed animes ng TV5 sa kabila ng matagumpay na mailagay ang mga hanggang ngayon ay nakakagulat na anime line-up ng maliit na network na ito. Nasabi ko na ang aking mga reaksyon hinggil sa isyung ito. Pero higit sa lahat, payo ng aming ZOH Ka-Honbu na si soulassassin547 na ilapit na lang sa mga dubbers (through their social accounts, or in person) ang kanilang mga reklamo. Bukas naman siguro sila sa inyong mga sasabihin.

Ganoon pa man, hanggang walang maglalakas-loob na pumasok sa teritoryo ng TV5 para maibigay ang kanilang mga katuwiran, mananatili ang takbo ng buhay para sa mga Kakalogs.

Nasubok ko na ang sarili ko na ipakain ang sarili ko sa mga "leon" kapag sumusugod ako sa mga forums ng iGMA at ABS-CBN. Ako ang tipong hindi naghihintay na puntahan ako ng mga kalaban. Sa halip, ako ang pupunta sa kalaban. Or in one way or another, nagtitipon ng lakas ang mga kalaban para salakayin ang nag-iisang mandirigma.

Yun na lang muna, mga anime kabayan!

1 comment:

giehar said...

the truth is none of the networks, whether GMA or ABSCBN, are really investing in new anime lately. Even Hero is just buying "filler" anime or what is known as "latak" anime. GMA is sticking to the tried and tested titles to ensure that it does decently in the ratings. The only network showing new anime and has many more new titles lined up is Tv5. Kaming mga dubber ay hindi tumatanggi sa proyekto and it is wrong to assume na ito ang dahilan kaya madalang ang bagong snime sa local TV. producers ang may desisyon, taga-dub lang kami. We are the same dubbers who do asian dramas and telenovelas, and sa totoo lang, matumal ang dubbing ngayon because ang kaunti na ng binibiling show ng mga network. TV5 lang ang madaming project ngayon kasi under new management sila and they bought a ton of new shows to get started. Kahit sa TSP, madalang ang new project dahil ayaw bumili ng amo namin ng new shows unless sigurado syang may network na bibili. Hope this clears some of your specilations.