Kung noong August 9 ay inabangan ng sambayanang Pilipino ang pagbabagong-bihis ng channel 5 na ngayon ay kilala bilang TV5… Ngayong darating na November 10 ay mas aabangan ng mga suking Kakalogs, lalo na ang mga anime fans dahil sa mga bagong pasabog ng mga anime series.
Dalawang oras na ang pinaka-tututukang anime block sa Philippine primetime television - ang TV5 PrimeTime Anime block. Mula alas-6:00 hanggang alas-8:00 ng gabi, yayanig ang TV ninyo sa BUONG TAPANG at WALANG TAKOT na aksyon na hatid ng apat na BAGO, MALALAKAS at EKSPLOSIBONG mga anime series. Isang bagay na hindi na kayang gawin o gayahin ng mga higanteng networks.
Kumain na ng hapunan nang maaga, dahil pagsapit ng alas-6:00 ng gabi, bubuksan na ang IKALAWANG AKLAT ng tinutukang Shakugan no Shana. Tuloy ang pakikibaka nina Sakai Yuji at Shana laban sa mga Denizens.
Unang sasabog sa mga bagong anime ng TV5 ang Mai Hime, pagsapit ng alas-6:30 ng gabi. Saksihan ang kuwento ng dalawang magkapatid na may mahalagang misyon pagdating nila sa isang prestihiyosong eskuwelahan.
Sunod namang bubugso sa mga bagong anime series na tututukan ng mga anime fans ang Noein, sa ganap na alas-7:00 ng gabi. Isang labanan ang magaganap sa pagitan ng dalawang “time-spaces”. At isang mahiwagang bagay lamang ang maaaring makapigil sa mapamuksang digmaang ito.
At ang pinakamalaking pasabog sa lahat. Ang pinaka-pinag-uusapang anime sa lahat ng TV5 PrimeTime Anime block. Ang sinasabing pinaka-maaksyong anime series sa Japan. Samahan ang powerhouse cast na kinabibilangan nina Lelouch Lamperouge at Suzaku Kururugi sa kanilang pakikipaglaban sa kanilang mga paniniwala. Tunghayan ang anime series na pupukaw sa inyong mga kaisipan at damdamin. Ito ang Code Geass: Lelouch of the Rebellion, tuwing alas-7:30 ng gabi.
Kaya kung ayaw ninyong mapag-iwanan sa mga malalaki, bago at exciting na hatid ng mga anime series na ito, huwag nang magtiyaga sa mga lamyang mga game shows, iwanan na ang mga pagbabalitang naghahatid ng pare-parehong rekado at sa mga nakakaumay nang mga bida at pagtetelebabad.
Kung gusto mo ng pagbabago, SIMULAN MO SA SARILI MO! LIPAT NA SA TV5! TODO SHAKE MO TV MO!
No comments:
Post a Comment