Thursday, December 18, 2008

MARAMING SALAMAT PO mula sa amin sa OTAKU'S VERDICT!

Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga bumisita at bumoto sa OTAKU’S VERDICT 2008.

Kahit may mga aberya kaming hinarap, pero kung hindi dahil sa inyong interes na sumali at bumoto, pagtangkilik at pagsuporta, masasabi naming ang edisyong ito ng OTAKU’S VERDICT ang pinaka-matagumpay na yearend online poll sa nakalipas na APAT NA TAON…

Base sa data ng Network54, ang aming official online poll provider… ang mga bumisita sa aming Voting Booth ay umabot ng mahigit 27,000 page views. Record-breaking ito kumpara sa 8,000 hits na karaniwan na sa unang tatlong taon ng OTAKU’S VERDICT.

Ang mga pumasok na boto ng Network54 ay record-breaking din. Mula sa karaniwang 2,500 plus na mga boto, ngayong taon ay umabot ito ng 6,000 votes.

Ang lahat ng ito ay dahil sa inyo. Again, maraming salamat!

No comments: