Sunday, December 28, 2008

OTAKU'S VERDICT 2008 Results Show: The Anime Kabayan's Analysis

Minsan pa ay nagpapasalamat ang inyong lingkod at ng buong Zen Otaku Honbu sa lahat ng aming mga partners at affiliates. At higit sa lahat, sa aming mga tagasuporta, lalo na ang mga Pinoy anime faithfuls na naglaan ng panahon para bumisita at magbigay ng kanilang mga boto sa OTAKU'S VERDICT 2008.

Tunay ngang record-breaking ang taong ito para sa nag-iisang Philippine Anime Yearend Poll. Walang takot naming ipagmamalaki ang higit sa 27,000 visitors at higit sa anim na libong boto (6,000) na pumasok sa aming Voting Booth. Dahil sa mga naging balita at kaganapan sa loob ng Philippine anime sa lumipas na taon ang dahilan kung bakit naging mas intersante ang botohan ngayong taon.

Ang buong resulta ay makikita sa official website ng OTAKU'S VERDICT na nasa Results link. Mapapanood din ito sa isang presentation na ginawa ng aming Ka-Honbu na si theBlocker sa YouTube.

But for now, narito ang aking pananaw sa sa ilan sa mga resulta ng OV 2008. Tunghayan din sa iba pang mga Ka-Honbu ang kanilang mga pananaw sa mga nanalo sa yearend poll.





LOCAL TV


Gold Anime of the Year
WINNER: Code Geass: Lelouch of the Rebellion (TV5)

Sa umpisa ng polls, agad rumatsada ang CG. Nakahabol man ang Naruto Shippuden (ABS-CBN 2), nakakapit pa rin sa liderato hanggang sa huli ang CG. Maganda rin ang ipinakita ng Shakugan no Shana (TV5) sa ikatlong puwesto. Bukod sa panalo ng CG sa Local TV Gold Anime, nanalo rin si Lelouch Lamperouge sa Male Anime Character of the Year at ang COLORS sa Anime Theme Song of the Year.


Bronze Anime of the Year
WINNER: Rockman EXE Stream (GMA 7)

Mula umpisa hanggang sa pagtatapos ng polls, dikit ang laban sa pagitan ng anime na ito at ng Peter Pan and Wendy (ABS-CBN 2). Napapanahon nga ang pagbabalik at pag-redub ng Peter Pan sa ere, ngunit isang boto lang ang pagitan nito at ng nanalong anime.


Tokusatsu/Live Action Series of the Year
WINNER: Hana Kimi (GMA 7)

Kapwa nagpalabas ang mga higante ng kanilang live-action version ng Hana Kimi. Pero ang nanggaling sa Japan ang nanaig. Matatandaang kapwa nagpalabas din ang ABS-CBN 2 at GMA 7 ng kanilang live-action ng Hana Yori Dango - ang Taiwan version ng ABS-CBN 2 at ang Japan version ng GMA 7.


Anime TLC Local TV Network of the Year
WINNER: TV5

"Ibigay sa tao ang hindi kayang ibigay ng iba."
Iyan ang pinakamalaking nagawa ng TV5 sa loob ng limang buwan mula nang umere ito noong Agosto. Talagang pinunan ito ang pagkukulang ng mga higante (maging ang kanilang mga sister stations) sa pagpapalabas ng mga bago, explosibo at exciting na mga anime series sa local TV. Hindi hadlang sa kanila ang pagsasampa ng kaso sa kanila ng GMA 7 (na malinaw ang kanilang insecurity ng mga Kapuso sa pag-ani ng tagumpay at papuri mula sa mga Pinoy anime faithfuls) sa pagbibigay ng tunay na gusto ng mga manonood. Higit sa lahat, ang panalong ito ng TV5 ay dahil inuuna nila ang interes ng mga manonood. Viewers first, then ratings will follow.





CABLE TV


Gold Anime of the Year
WINNER: The Twelve Kingdoms (Hero TV)

Sa Hero TV nagbalik, sa Hero TV ni-redub at sa Hero TV rin nadugtungan at patuloy ang umaariba ang pakikipagsapalaran ni Yoko sa kaharian ng Kei. Bukod sa panalo ng anime na ito sa Cable TV Gold Anime, nanalo rin ito sa Most Improved Tagalog-Redubbed Anime at napanalunan din ito ng director nito na si Pinkee Rebucas sa Anime Dubbing Director of the Year.


Bronze Anime of the Year
WINNER: Atashin'chi (Hero TV)

Ang anime na tulad nito ay hindi dapat tinitipid ang kalidad ng dubbing. Ito ang ipinakita ng nanalong family-oriented comedy anime series. Funny, yet heartwarming. Bukod dito, nanalo si Yvette Tagura bilang Female Anime Dubber of the Year sa kanyang pagganap bilang Mrs. Tachibana sa naturang winning anime.


Anime TLC Cable TV Network of the Year
WINNER: Hero TV

Sa loob ng apat na taon, nangingibabaw ang Hero TV sa karera ng Cable TV. Pero mababa ang kanilang nakuhang boto na nagpanalo sa kanila. Dahil sa taong ito, mukhang lumalaban na ang Cartoon Network Philippines at Animax Philippines sa pagpapalabas ng mga bagong animes. Kailangang maging masigasig na ang Hero TV sa susunod na taon sa pagpapatatag ng kanilang makinarya tulad ng anime acquisition, pagbabalik ng kanilang online website, mas magandang graphics at ang mas organisadong Hataw! Hanep! Hero.





MISCELLANEOUS


Philippine Anime Hall of Being Screwed
Ghostfighter (GMA 7)

Hindi porke ang Ghosfighter ang pinakamalaking talunan sa OV 2008 ay ito lang ang dapat punahin (kasama na ang GMA 7 sa mga malaking talunan). Lahat ng apat na kalahok dito ay halos pantay lang ang mga nakuhang boto. Isang babala ang ipinaaabot ng Pinoy anime faithfuls sa mga talunan. Hindi na uubra ang mga paulit-ulit at gasgasing animes sa GMA 7. Malaking kalokohan din ang pagputol ng Fantastic Children ng ABS-CBN 2 dahil umano sa unapproriate timeslot nito. Wala nang lugar ang mga repeated animes sa kahit anong timeslot sa GMA 7. Dapat ding ilagay sa mas nararapat na timeslots ang bawat anime na ipapalabas ng ABS-CBN 2.


Philippine Anime Rating 2008
GOOD

TV5 deserves a huge credit sa pagsalba sa pag-asa ng mga Pinoy anime faithfuls. Kung hindi ay baka nasa Bad or Very Bad ang estado ng ating bansa sa taong ito. ABS-CBN 2 also must give them a credit dahil kahit paano ay nakatulong ang Digimon Saga sa kanilang line-up. Mukhang hindi sapat ang Air Master, Bakugan Battle Brawlers, Jang Geum's Dream at Bleach ng GMA 7 dahil karamihan dito ay nasa timeslots na hindi naaangkop sa kanila.





Congratulations sa lahat ng mga nanalo. Sana ay maging inspirasyon sa mga TV networks ang kani-kanilang mga panalo upang lalong pagbutihin ang kanilang mga trabaho at pagpapasaya sa mga Pinoy anime faithfuls.

At para naman sa mga talunan (lalo na sa ABS-CBN 2, GMA 7 at QTV 11), sana ay maging aral at babala ito sa inyo ito upang mas higit na paghirapan ang inyong mga tungkulin sa mga manonood.

Ang moral lesson ng OTAKU'S VERDICT 2008:
HUWAG SUBUKAN ANG MGA PINOY ANIME FANS. BAKA KAYO ANG BALIKAN!

No comments: