Thursday, December 04, 2008

Sumpain Kayo, Mga Kapuso!

Ganito ring panahon, noong taong 2007, nagsampa ng kaso ang ABS-CBN laban sa AGB Nielsen Media Research dahil sa kabiguan nitong mapigilan umano ang pandaraya sa TV ratings na sa kalaunan ay ipinangalan sa GMA. Nagsampa naman ng kasong libelo ang GMA laban sa ABS-CBN dahil sa umano'y direktang itinuro ng AGB NMR na sangkot sa naturang pandaraya. Hanggang sa mga panahong ito ay wala pa tayong naririnig na progreso sa mga naturang kaso...

Ngayong taong 2008, bago pa man matapos ang taon, isa na namang kahindik-hindik, karumal-dumal at hindi makataong hakbang na naman ang ginawa ng isang higanteng TV network laban sa isang bagong bihis na TV network na ang layunin lamang ay makapag-bigay ng bago, naiiba at nakasisiyang mga panoorin para sa mga Pilipinong nagsasawa na sa pare-parehong rekado ng mga higante. Sa pagkakataong ito, ang GMA Network naman ang nagsampa ng kaso laban sa TV5, na pagmamay-ari ng ABC Development Corporation, kaakibat ng blocktime agreement na ibinigay sa MPB Primedia, Inc.

Ayon daw sa mga demonyong kampon ng GMA 7, nilabag daw umano ng TV5 at MPB Primedia ang 1987 Constitution ng bansa na naglilimata sa pagmamay-ari ng mga kumpanya at korporasyon ng mass media sa mamamayang Pilipino.

Epekto ng agreement na ito, mula noong Agosto ay naging number 3 na agad ang TV5, samantalang bumagsak sa number 5 ang QTV 11, pagmamay-ari naman ng ZOE Broadcasting Network, na kaakibat naman ng blocktime agreement sa GMA.

Nais din ng mga demonyong kampon ng GMA 7, na magbayad ang TV5 at MPB ng 11 million pesos dahil daw sa unfair competition...

Marami na ang nagbigay ng kanilang pagkadismaya sa ginawang ito ng GMA 7. Pinatutunayan talaga ng mga tangang Kapuso na sila ay insecure sa tagumpay na inaani ng TV5. Kung ang bahagi ng anime programming ang tatanungin... malayung-malayo ang ipinapakita ng GMA 7 sa kasalukuyang ginagawa ng TV5... Ang pinakamalaking katangahang nagawa ng GMA 7 ngayong taon ay ang paglalagay ng Bleach sa di-kagandahang timeslot, sa weekdays mornings.

Natatakot nga ba ang mga tangang Kapuso at naging number 3 na ang TV5? Bakit nga naman ayaw nilang magpahiram ng mga artista ng GMA 7 sa TV5? Dahil ba mapaghahalatang hindi magaling umarte ang mga ito? Bakit GMA 7 lang ang nag-react sa ginawang hakbang na ito ng TV5?

Bakit hindi nila kasuhan ang Solar Entertainment? Hindi ba't sila ay halos kainin na ang buong airtime ng RPN 9, SBN 21 at RJTV? Hindi ba't katulad din sila ng channel 5 na may tinakbuhan upang maisalba ang kanilang mga network? Kung sabagay, hindi gagawin ng mga tangang Kapuso dahil hawak lagi nila ang bawat laban ni Pacman...

Guilty talaga ang GMA sa mga katangahan at kademonyohang kanilang pinag-gagagawa. Sa halip na ayusin ang kanilang mga sariling trabaho at pakinggan ang mga kahilingan ng kanilang mga manonood (lalo na sa panig ng mga anime fans) ay inuuna nila ang pagsampa ng kaso sa layuning sakalin ang mga Pilipino ay udyukang manood na lamang sa kanilang istasyon.

Malinaw lang talaga na gustong kontrolin ng GMA ang mga Pilipinong may mga telebisyon. Oo nga naman, kapag naparalisa ang TV5 ay mapipilitan ang iba na manood sa either channel 2 o channel 7.

Insecure talaga ang GMA 7 dahil walang silang lakas ng loob, tapang, kumpiyansa at wala silang mga bayag para magbigay ng mga magagandang mga programa (mapa-local man, anime at iba pa). Napaghahalatang tinipid lang ang ibang mga Telebabad series at Pinoy Idol. Halata rin sa paulit-ulit na'ng mga anime reruns. Insecure sila dahil nawala na ang tiwala ng mga anime fans sa kanila at ang TV5 ay nagpapalabas ng mga bago, explosibo at exciting na mga animes.

TV5, naumpisahan nyo rin lang ang laban, ituloy-tuloy nyo lang. Narito kaming sektor ng mga anime fans para suportahan kayo.

GMA 7, huli na para gumawa na ng mga hakbang upang bumalik ang tiwala ng mga anime fans sa inyo. Bawat hakbang na gagawin ninyo, simula ngayon, kahit pa iyan ay pinakabagong anime mula sa Japan o gasgasing anime rerun, ituturing na naming KATANGAHAN at KADEMONYOHAN. Sige, mukhang handa naman kayong lustayin ang pera ninyo para lamang bumagsak ang itinuturing ninyong banta sa traditional Pinoy television viewing habits.

TV5, susuportahan namin kayo. At pagpalain lalo kayo ng nasa itaas.

GMA 7, sumpain kayo. At pagpalain naman kayo ng nasa ibaba.

No comments: