Sa mga nakalipas na mga araw, narinig na natin ang boses ng mga broadcaster sa pamamagitan ng KBP Golden Dove Awards. Nagbigay naman ng basbas ng papuri ang simbahang Katoliko sa kanilang Catholic Mass Media Awards. At nito lamang weekend ay ang mga entertainment at press people naman ang nagpahayag ng mga nanalo sa PMPC Star Awards for Television. At sa darating na 2009, ang mga mag-aaral mula sa University of Santo Tomas naman ang magbibigay-pugay sa kanilang taunang USTV Awards.
Pero hindi natin masasabing credible ang mga parangal na ibinigay ng mga katulad ng KBP, CMMA at PMPC. Halimbawa na lamang ang mga nasa PMPC, may mga manunulat na matibay ang paniniwala at meron din namang nadaan sa suhol para lamang manalo ang isang programa o ang host nito. Kaya taun-taon na lamang ay may mga kumekuwestiyon sa mga programa at mga hosts na nabigyan ng mga parangal.
Pero bago matapos ang taong 2008, tayo namang mga Pinoy anime fans dito sa Pilipinas at sa buong mundo ang magbibigay ng hatol sa naging takbo ng Philippine anime industry sa nakalipas na taon. Bibigyan natin ng papuri ang mga anime series, anime characters, mga anime dubbers at dubbing directors, TV network, maging ang mga Pinoy anime cosplayers, ang natatanging Pinoy na nagpakitang-gilas sa mundo ng anime at ang pinaka-patok na anime convention sa bansa. Magsisilbi din nitong babala sa iba pang mga hindi mananalong mga pambato dahil sa kanilang kapabayaan, pagbibingi-bingihan at kawalang-aksyon sa mga kahilingan at panawagan mula sa kanilang mga manonood.
Mula December 3 hanggang December 18, tayong mga Pinoy otaku ang maglalagay sa mga kalahok na anime titles, anime characters, dubbers, cosplayers at iba pa kung saan sila nararapat, kung dapat silang bigyan ng malaking papuri at kung dapat silang huwag pamarisan.
Para makaboto sa Otaku's Verdict 2008, pumunta lamang sa aming official website: http://www.otakusverdict.cjb.net/ I-click ang "Voting Booth", at puwede na kayong bumoto sa mga tampok na mga categories ngayong taon, kasama ang tatlong bago ngayong taon - ang "Pinoy Anime Cosplayer of the Year", "Global Pinoy Best Performance" at ang "Pinoy Anime Event/Convention of the Year".
Kung mapapadaan naman kayo sa mga personal sites ng mga Ka-Honbu na sina Anime Kabayan, Jamibu, theBlocker, -KiRa-YaMaTo-, soulassassin547 at MoonlightBomber ay makikita nyo rin ang website ng OV 2008. Maging sa mga anime forums ng mga TV networks (iGMA.tv, ABS-CBN.com, TV5) ay makikita nyo rin ang thread ng OV 2008.
Kung Pinoy otaku ka at alam mo ang mga tunay na nangyayari, boboto ka sa mga nararapat. Lahat ay welcome na bumoto. Ang mensahe ng Otaku's Verdict 2008... Don't spectate... PARTICIPATE!
No comments:
Post a Comment