Monday, February 23, 2009

Another RECORD-BREAKING Anime on TV5



Mula nang mag-reformat ang channel 5 na ngayon ay kilala na sa pangalang TV5, marami nang mga rekord nito ang nabasag at may mga rekord din silang nilikha dahil sa kakaibang format ng kanilang programming.

Kung meron mang nakinabang sa magandang takbo ng TV5, iyan ay walang iba kundi ang mga anime fans. Dahil nakakapanood na ang mga Pinoy anime faithfuls ng kanilang mga paboritong anime sa pinaka-komportableng timeslot... PRIMETIME. At kung sakaling hindi nila mapanood ito sa gabi, mapapanood muli ang mga ito sa isang malaking bulto ng timeslot sa pagsapit ng Sabado at Linggo ng hapon.

Noong Agosto 2008 ay niyanig tayo sa mga animes na Shakugan no Shana at Yamato Nadeshiko Shichi Henge, maging ang secondary force ng Transformers: Armada at Duel Masters. Noong Nobyembre 2008 naman ay ginulat ang buong Pilipinas sa puwersang ipinakita ng TV5 sa mga animes na Shakugan no Shana SEASON 2, Mai-Hime, Noein at Code Geass: Lelouch of the Rebellion. Ang naturang anime line-up ay naging pinakamatunog at pinakapinag-uusapan sa lahat ng animes na naipalabas ng TV5 mula nang mamayagpag sa ere. Disyembre 2008 naman ay agad na nagpalit ang linyada ng PrimeTime AniMega sa pagbabalik ng Masked Rider Blade at Fushigi Yuugi, maging ang mga bago na Azumanga Daioh, Black Blood Brothers at Coyote Ragtime Show. Iniluklok ng taumbayan ang TV5 bilang bago at nag-iisang "Anime Authority ng Bayan". Nanalo din ang TV5 bilang Anime TLC Local TV Network of the Year sa Otaku's Verdict 2008.

Nito lamang Enero 2009, isa pang anime ang nagbalik at lumipat sa bago at matatag na tahanan. Ang DN Angel ay umani rin ng papuri at suporta mula sa mga masugid na manonood nito sa anime series at sa mismong TV5.

Patapos na ang Pebrero, pero hindi tumitigil sa pagyanig at panggugulat ang TV5 sa kanilang maaaring gawin para sa lalong ikaaaliw ng mga Pinoy anime faithfuls.

Isa na namang teen/drama anime ang sa kauna-unahang pagkakataon ay mapapanood na sa labas ng bansang Japan ang SPECIAL A sa pamamagitan ng Tagalog-dubbed version nito na ipapalabas sa record-breaking TV channel, ang TV5.

Bakit nga ba record-breaking? Ang Special A ay nito lamang nakaraang taong 2008 ipinalabas sa Japan, mula June 6, 2008 hanggang September 14, 2008 to be exact sa kabuuang 24 episodes. Limang buwan na ang lumipas mula nang huling ere nito sa Japan ay una ang Pilipinas sa pagpapalabas nito. Sa tingin ko pa nga ay mas maaga sa limang buwan ito nakuha ng dubbing firm na nasa likod ng Tagalod-dubbed version nito. That makes Special A THE FASTEST ACQUIRED ANIME TITLE IN PHILIPPINE TV HISTORY.


Nagpapatunay lang sa pangyayaring ito na dedicated ang bagong TV5 na pasayahin ang mga Pinoy anime faithfuls sa pagpapalabas ng mga bago, explosibo at exciting na mga anime series sa telebisyon ngayon. Lalo na sigurong uunlad ang TV channel na ito kung magkakaisa at magtutulungan ang mismong TV5 management at mga manonood nito.

No comments: