Wednesday, March 17, 2010
Level Up! Philippines Recognizes ZOH’s Otaku’s Verdict 2009
Hindi ko alam kung kailan ginawa ng Level Up! Philippines ang pagkilala sa pagkapanalo ng kanilang online game na Grand Chase matapos naming mai-anunsyo ang mga resulta sa katatapos na Otaku’s Verdict 2009 noong January 17. Para sa inyong kaalaman ay ginawa namin ang Results Show ng live sa pamamagitan ng justin.tv account ni theBlockerPH na agad namang nai-upload sa mga websites ng OV kinabukasan.
Nanalo nga ang online game na Grand Chase na pagmamay-ari ng Level Up! Philippines sa Otaku’s Verdict 2009 bilang Online Game of the Year. Nakakuha ang naturang laro ng 46.73% of total votes mula sa mga online voters.
Bukod sa Otaku’s Verdict, kasama rin sa kinilala ng LU! Philippines at ng Grand Chase ang mga papuri mula sa Otakuzine Anime Magazine at GamEx Magazine, mga pagpapatunay na patok at tinatangkilik ng mga online gamers ang naturang laro.
Pagkatapos naming gawin ang live results show at pag-upload ng mga resulta, hindi na namin nausisa ang OV. May mga nag-request na i-post sa kanilang mga websites, blogs, etc. ang mga resulta, bagay na amin namang pinagbigyan. Nito lamang umaga ay ibinalita ng aming Ka-Honbu na si theBlockerPH ang magandang balita. Makikita rin ang pic na ito sa blog ng aming Chief Anime Correspondent na si -KiRa-YaMaTo-.
Kung sinuman ang nagbalita sa LU! Philippines ng aming munting ambag para sa Philippine anime, at maging sa industriya ng online gaming sa bansa, akin siyang pinasasalamatan. Personally, dahil sa kakulangan ng oras ay hindi ko na naipaabot sa kanila ang pagkapanalo ng Grand Chase sa OV 2009. Pero itong taong ito na ang nagmagandang-loob na maglaan ng panahon upang ihatid sa nakatataas ng LU! Philippines ang balitang sa tingin ko ay magiging inspirasyon upang maipagpatuloy nila ang magandang layunin para sa mga online gamers. Muli, ang aking pasasalamat sa kanya.
Pasasalamat din ang aking ipinaaabot sa Level Up! Philippines sa kanilang pagkilala sa aming maliit na ambag para sa industriya ng online gaming sa bansa. Magmula nang mag-umpisa ang OV noong 2005 ay lumaki na ng lumaki ang nasasakupan ng aming online poll. Bawat taon ay malaking sugal ang aming itinataya upang maihatid namin sa mga anime fans, event goers at maging ngang sa mga online gamers ang kalagayan ng industriya ng anime at online gaming sa bansa sa bawat taon na nagdaan. Tunay ngang malaking sugal ang aming ginawa nang maidagdag namin sa OV 2009 ang mga online games, ngayong nakakabit na ito sa buhay ng karamihan sa mga Pinoy anime fans.
Tulad ng ginawang pagkilala ng LU! Philippines, magsisilbi din itong inspirasyon para sa aming lahat dito sa Zen Otaku Honbu upang maipagpatuloy ang aming ginagawang pag-abot sa mga Pinoy anime fans sa pamamagitan ng mga balita at komentaryo sa loob at labas ng Philippine anime industry.
Napatunayan na, na ang pagrespeto at pagkilala sa mga tao, kumpanya at institusyon sa kanilang mga ambag sa kani-kanilang mga larangan ay pagrespeto at pagkilala din ang matatanggap mula mismo sa kanila.
Napakagandang regalo ito para sa amin dito sa Zen Otaku Honbu upang simulan ng malaki, matindi at maganda ang taong 2010. At hindi pa ito ang matinding pasabog na ating maaasahan.
Marami pa. ABANGAN!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment