Mula alas-2:00 ng hapon hanggang alas-10:00 ng gabi ay nakababad ako sa studio ng Radyo Natin 106.3 FM San Pablo City. Iyan ay dahil kasama ako sa live coverage ng istasyon sa ginanap na prusisyon dito sa amin.
Ako ang nakatokang tumao sa studio at tumanggap ng mga ibabatong live report mula sa mga kasama ko sa radyo sa pamamagitan ng two-way radio. Sinubukan naming gamitin ang mga cellphones namin pero hindi umepekto. Maging ang mga gagamitin sana sa plasa (internet, satellite) ay hindi rin umubra.

Hindi ko akalaing sa loob ng 7 oras ay nakapagtugtog ako ng iba’t ibang mga kanta nang hindi umuulit. Puro mga mellow, slow at love songs ang pinatutugtog ko. Marami siguro akong alam na mga kanta kaya umabot sa ganoong kahabang oras ang pagpapatugtog ko.
Bago mag-alas-4:00 pm ay sumunod naman si kapatid na Sanzo. Nagmiryenda at sa oras din iyon kami unang tumanggap ng live report mula sa plasa. Una naming sinubukan ang cellphone pero pumalpak. Agad kong kinuha ang two-way radio na siya namang gamit naming pagrerelay ng audio feed.
Bandang gabi na nang dumaan sa aming puwesto ang prusisyon. Sandali lang kong tiningnan ito dahil kailangan kong bumalik sa studio matapos kong pumunta sa CR ng Jollibee na malapit sa istasyon.
Sa aking mga natanggap na ulat, nagulat akong sina Manny Villar at Loren Legarda ang mga Hermano at Hermana Mayores sa prusisyong ito. Wala daw bahid pulitika ang kaganapan. Sa pagkakaalam ko, tubong Laguna si Loren Legarda. Kasama din pala ang asawa ni Manny Villar.
Taun-taon ay hindi pumapalya si Aiza Seguerra sa pagdalo sa prusisyon dito sa San Pablo City. Taun-taon siyang naghahandog ng awitin alay sa ating Panginoon. Dumalo rin pala sina Dulce, Richard Reynoso at isa pang hindi ko na naalala ang pangalan.
Hindi naman kami nabagot ni Sanzo sa 7 oras na pagbabad sa istasyon. Meron namang TV at naka-cable pa kaya buong panahon nasa Hero TV ang pinapanood namin.
Napilitan din akong gamitin ang alternate na DJ name ko, pero pinaplug ko pa rin ang Zen Otaku Honbu at mga Twitter at Facebook account ko gamit ang “Anime Kabayan” name ko.
Mabilis na lumipas ang Biyernes Santo sa tindi ng aming mga ginawa. Sa Easter Sunday ay sasabak naman kami sa Salubong. May live radio coverage ulit ang istasyon.

No comments:
Post a Comment