Kailangan kong ikampanya ng todo-todo ang nalalapit na pagpapalabas ng Clannad sa TV5. Kasi naman, ito ang isa sa mga requested anime series na gusto kong mapanood sa Philippine TV… sa TV5… in Tagalog-dubbed.

Nakatanggap kami sa ZOH ng impormasyon mula sa aming mga insiders sa TV5 kaugnay nga ng inaabangang anime. Hindi kaila sa amin (at sana ay hindi rin kaila sa TV5) na nirerequest din ng mga Kapatid naming mga Pinoy anime fans ang sequel ng Clannad – ang Clannad: After Story.


Here’s the catch, kailangan nating panoorin ang Clannad mula umpisa (actually, dapat buong TV5 AniMEGA block. Kung tunay kayong mga Kapatid, eh manood sa TV5 buong araw) hanggang sa dulo. Dapat nating ipakita ang suporta sa anime na ito, magpakita at magpost sa TV5 forums, magpost sa mga official Facebook, Twitter, Friendster at Multiply accounts ng TV5 at sabihin nating ipalabas na rin ang pangalawang series ng patok na anime na ito.

Isang malaking pribilehiyo para sa ating mga Kapatid na Pinoy anime fans (lalo na sa mga merong PC at internet access o kahit sa mga madalas mag-internet) na gamitin ang teknolohiya para iparating sa mga kinauukulan (sa sitwasyong ito, sa TV5) ang ating mga tunay nating gusto. Napatunayan na nating lahat na nakakasawa na ang mga putahe ng dalawang higanteng networks. Kaya binabalaan namin ang mga pamunuan ng mga TV networks at sa mga napipilitang mga tagapanuod at tagasuporta nila (iyan ay kung meron) na huwag na huwag subukan ang pasensya ng mga Pinoy anime fans.

Simple lang, mga Kapatid. Just show your appreciation and support sa Clannad at sa buong TV5 AniMEGA at sa TV5 na rin at siguradong lalong gaganda ang ating anime block.

Bragging rights? Ang mga Kapatid nating mga Pinoy anime fans na ang nagbigay ng korona ng pagiging “Anime Authority” sa TV5. It seems naman na nag-uumpisa nang lumaban ang ABS-CBN 2 (base sa aming mga impormasyong natatanggap), at ang pagiging “Team Animazing” lang ang kanilang ibinabandera. Pero itong GMA 7, ginamit na dahilan ang kanilang ika-60 taon sa industriya para subukang lumaban at bawiin ang titulo mula sa TV5. Tingnan nyo na lang ang mga resulta sa Otaku’s Verdict sa nakalipas na 5 taon. The numbers can’t lie, ika nga. Kaya wala sa mga Pinoy anime fans ang problema kung bakit sa kabila ng pagiging malaki at higante ng ABS-CBN 2 at GMA 7 ay hindi pa rin nila nakukuha ang kasiyahan at respeto ng mga anime fans.

Napag-alaman din namin sa ZOH na bukod sa Clannad, Yatterman at Inuyasha, pasok din sa TV5 anime rosters ang Casshern Sins at Battle Spirits. Sayang lang at hindi ipinakita sa TV5 Trade Launch TV Special ang promo ad ng TV5 AnimEGA. Pero merong kuha nito ang ZOH, kaya panoorin nyo na lang ito.

Again, panawagan ko lang. If you want to see Clannad: After Story, then you have to watch and show your support to the first series. Para hindi naman sayang ang pinaghirapan ng TV5 at ng mga dubbers sa likod nito, di ba?