Monday, May 17, 2010

Mel and Joey Cosplay Feature Aftermath: Iba ang Takbo ng Utak

Heto ang YouTube video kung saan ginawang feature ng programang Mel and Joey last Sunday (May 16) ang tungkol sa Cosplay…






Sa aming conference phone call kasama sina theBlocker, -KiRa-YaMaTo- at PBN after the airing, lahat kami ay agree sa isang bagay – patas at walang negativity ang ginawang feature ng Mel and Joey sa Cosplay.

Sa umpisa ng programa ay may mga cosplayers nang nakapuwesto sa pulutong ng mga audience. Naroon sa naturang feature na si Mr. Pablo Bairan at walang kaduda-dudang pinakasikat na cosplayer sa ating bansa, the Philippines’ very own Alodia Gosiengfiao. Kasama din sa feature ang Project 8 Cosplayers na nagpakitang-gilas sa kanilang mga cosplay. May “say” din si Prof. Josephine Aguilar-Placido na isang sociologist tungkol sa naturang pop culture.

Noong una ay nagulat ako nang tingnan ko sa DAW JONES na magkakaroon ng feature ang Mel and Joey tungkol sa Cosplay. Muntik ko ngang hindi mapanood ito dahil pinapanood ko ang Talentadong Pinoy. But good thing na maagang natapos ang TP kaya nailipat ko kaagad sa GMA 7. At sa tulong din ng teknolohiya ay may nagmagandang-loob na i-upload sa YouTube ang naturang feature ng programa. Again, panoorin ang naturang feature sa itaas.

Akala ko ay hindi na naman magiging maganda ang pagkaka-deliver ng cosplay feature ng programa. But after na mapanood ko, tumatawa na lang ako. Masaya ako sa napanood ko. Few minutes after the show, tinawagan ako ni theBlocker, sharing the same thought, na maganda at fair ang ginawa nila.

Ulitin ko lang ang naging pahayag ko noong huling blog entry ko. Kapag may magandang ginawa ang isang TV network na may kinalaman sa industriya ng anime, asahan ninyong pupurihin ko ito. At kapag naman may hindi kagandahang ginawa, atin naman itong pupunahin.

Sa pagkakataong ito, I will give credit this fair Mel and Joey feature to the Entertainment TV division, ang nasa likod ng programa. Basta, kung sinuman ang gumawa ng feature na ito, idamay ko na rin sina Mel Tiangco at Joey de Leon dahil naging voiceover sila sa feature. Tulad ng aking sinabi, naging maganda, masaya at patas ang ginawa nilang feature.

Nagkasundo din kami sa aming ginawang conference phone call na pagkatapos naming mapanood ang naturang feature sa Mel and Joey ay may napatunayan kaming bagay…

MAGKAIBA ANG TAKBO NG UTAK NG IBA’T IBANG DEPARTAMENTO NG GMA 7!

Walang duda. Take a look sa mga ginawang features ng Kapuso mo, Jessica Soho, Imbestigador, Reporter’s Notebook at maging sa youth-oriented show na KaBlog, kitang-kita na masyado nilang pinahirapan ang kanilang mga sarili at utak para buuin ang kanilang mga feature. Kaya ang naging resulta ay lumabas na hindi maganda at hindi rin patas ang ginawa nilang pag-uulat at pagbabalita sa industriya ng anime.

Iba rin ang takbo ng utak ng mga nasa likod ng pagkuha ng mga anime titles upang ipalabas sa GMA 7 o sa QTV 11. May mga animes na silang kasalukuyan pa ring nakatengga mula nang ianunsyo ng network ang nakatakda sanang pagpapalabas nila. Malaking halimbawa diyan ang Mazinger Z at Idaten Jump. Lumilitaw tuloy na pinaka-kawawa sa maling sistemang ito ng department na ito ng GMA 7 ang mga dubbers na nagpakahirap sa kanilang trabaho at hahantong lang pala sa puntong ang kanilang ginawang proyekto ay mabibitin pala ng matagal na panahon.

Iba rin ang takbo ng utak ng mga nasa programming department. Pinagsiksikan pa rin nila ang isa at kalahating oras na airing time para sa 4 na animes. Medyo hindi rin normal ang programming ng anime shows tuwing Sabado at Linggo.

Iba rin ang takbo ng utak ng mga nasa likod ng iGMA.tv forums. Noon pa man ay dapat tungkulin ng mga administrators at moderators na iparating sa GMA 7 ang mga hinaing, komento at suhestiyon ng kanilang mga manonood. Pero naging bulag at bingi ang mga ito at hindi rin sila marunong sumagot sa mga argumento ng mga forumers. Nagmistulang Payatas dumpsite ang forums dahil nilalangaw na ang anime section dahil sa kawalang-aksyon ng mga nasa naturang section.

At malamang na iba rin ang takbo ng utak ng mga nakatataas sa GMA 7. Mas pipiliin nilang kumita ng malaki para sa kanilang sariling kapakanan kaysa sa kapakanan at kasiyahan ng mga manonood. Kaya walang duda na kahit sa Facebook ay naglipana rin ang mga fan pages na nagpapakita ng galit at sama ng loob sa network.

Again, ang Entertainment TV department ng GMA 7 ang pupurihin ko sa naging maganda at patas na feature ng Mel and Joey. Pero yung ibang department, panawagan ko lang ay tularan na lang ang magandang ginawa ng Mel and Joey.

No comments: