Tuesday, May 18, 2010

Muntik na, Kapatid...(Whew!)

Actually, last weekend pa ang online chaos na nangyayari sa TV5 AniMEGA Facebook page. Ayon sa mga kumakalat na tsismis, mawawala na daw ang AniMEGA block sa primetime…totally, at papalitan ito (na ayon sa mga na-leak na mga impormasyon) na sa tingin ko ay puro mga Asianovelas pa rin.

Kasama din sa mga pagbabago ng schedule ang pagiging maaga ng 5MAX Movies (Mondays and Tuesdays 7:30-9:30pm), Aksyon sa 9:30pm, News 5 shows ng 10:00pm, replay ng Face to Face ng 10:30 pm at inilipat sa 11:30pm ang Juicy dahil sa pagdagdag ng Mo Twister sa programa.






Base sa mga larawang nasa itaas (ang isa ay mula sa Philippine Star, salamat kay Sandies at ang isa ay ang na-leak na sked mula sa Facebook user na si Rochelle Dumlao), wala sa sked ang TV5 AniMEGA. Maaga sa 3:30pm slot ang Street Fighter IIV at ang bagong anime na Battle Spirits.

At lumipas nga ang araw ng Lunes, naging malinaw na sa ating lahat kung ano ang naging scenario. Humiwalay sa 4:00pm slot ang Yatterman, samantalang umurong ng 30 minutes ang mga animes na Clannad, Casshern Sins at D.Gray-man. Wala pang balita kung saan mapupuntang timeslot tuwing Biyernes ang Fullmetal Alchemist: Brotherhood.

Sunud-sunod na ang mga pasok ng mga news items at komento pagkatapos ng nangyari kahapon. Nariyan ang mga artikulo nina UkiyaSeed, Rochelle Dumlao at ang mga news articles ng ZenHonbuPH.net at ang palagay ni theBlocker sa naturang isyu.



Heto naman ang aking pananaw. Muntik na ang Kapatid network sa kanilang ginawang pagbabago. Kung nagkataon, ay matitikman nila ang galit ng mga Kapatid nating mga anime fans na nanonood ng TV5 at sa TV5 AniMEGA block. Marami rin sa Facebook page ng TV5 AniMEGA ay naghahanap sa admin ng naturang page, umaasang may sasabihin ito kaugnay nga ng nangyaring gulo.

Hindi ko man mabasa ang lahat ng mga mensahe ng nasa Facebook at sa mga blogs, sana ay sang-ayon kayo sa mga sasabihin ko…

Panggulo lang ang 5MAX Movies sa weekdays schedule. Tama ang mga sinasabi ng karamihan, dapat nang mag-retiro ang movie block na ito, ilagay na lang ito sa weekend nights at ibalik sa dati ang AniMEGA.

Kung nais ng TV5 na magkaroon ng trabaho ang mga artista na interesado sa network (mula man sa Kapamilya o Kapuso) ay dapat nang tigbakin ang movie block at i-pokus na lang ang 7:30-9:30 pm sa mga local shows. Medyo magandang ideya nga ang pagsamahin ang 2 local shows sa dalawang oras sa gabi kada weekday (Wow! Mali at 5 Star Specials tuwing Miyerkules, Moo Moo and Me at Lokomoko U tuwing Huwebes at Midnight DJ at kung ano man ang katambal nito sa Biyernes).

Kung hindi magawan ng paraan ang pag-urong ng timeslots mula 7:30-9:30pm papuntang 8:00-10:00pm, maaari namang ibalik sa linyada ng TV5 AniMEGA ang Yatterman at simulan sa 5:30pm hanggang 7:30pm ang anime block. Tulad ng aking komento sa Facebook, basag ang line-up dahil sa paghiwalay ng Yatterman sa hapon.

Sapat na ang kasikatang nakukuha ng Face to Face sa mga manonood, kung kaya hindi pabor sa akin na bigyan pa siya ng airing sa 10:30pm at dapat na itong ipaubaya sa mga bagong programang gagawin ng network. Naiintindihan ko naman ang sa Juicy dahil mukhang may kakayahan na daw itong tumapat sa SNN ng ABS-CBN 2.

Mukhang mismong ang admin ng TV5 AniMEGA Facebook page ay naghihintay rin ng sasabihin ng TV5 higher-ups sa kanya kung ano ang kanyang sasabihin para maibsan ang gulo sa internet.

Alam nating lahat, lalo na ang mga Kapatid nating mga anime fans at manonood ng TV5 na hindi tayo nagkulang sa pagpapakita natin ng puwersa. Ginawa ang TV5 AniMEGA Facebook page dahil sa kahilingan din ito ng mga fans upang magpokus na sa usapang anime programming ng TV5.

Naniniwala akong nakikita naman ito ng TV5 at wala silang maidadahilan para alisin ang AniMEGA sa kanilang schedule. Walang kaduda-duda na sa kanilang online forums, pinakamaraming topics ang nasa Anime section. Walang duda na ang Facebook page ng TV5 AniMEGA ay umabot na ng 2,500+fans. Sigurado akong kahit sa iba pang official FB page ng iba pang shows ng TV5 ay baka may magkomento tungkol sa gulo sa TV5 programming.

Marami na ang nagsalita. Lahat ay pinakaba ng ginawa ng TV5. At mukhang hindi dito matatapos ang mga problema at aberya. Dapat ayusin ang dapat ayusin sa loob ng mga magdadaang mga araw. Marami pa rin ang umaasa sa inyong Aksyon!

No comments: