Welcome sa isa na namang edisyon ng FYE.
Masasabi kong isa sa mga dahilan kung bakit hindi umuunlad ang industriya ng musika sa ating bansa (bukod sa piracy), ay ang pag-revive ng mga kantang sumikat maraming taon na ang lumipas. Bagamat sinasabi at kinakatuwiran ng ilan na ginagawa ng mga Pinoy singers ang pag-revive ng mga kanta ay upang magkaroon ng “awareness” lalo na sa mga kabataan ngayon na ang mga kantang kanilang “muling binibigyang-buhay” ay sumikat at pumatok noong panahong ginawa ang naturang kanta.
Base na rin sa aking pagkakadinig sa ilang kanta na na-revive, agree ako sa sinabi ng isa sa mga YouTube user na hindi nabigyan ng hustisya ang kanta. It seems na ang pag-revive ang isa sa mga paraan upang magkaroon ng “raket” o career ang isang singer, lalo na sa mga bago pa lang umuusbong.
Kaya naman sa episode na ito, patutunayan ko na hindi lahat ng mga sumikat na kanta noon ay kayang pantayan ngayon kung ire-revive ito, lalung-lalo na kung ang mga singers sa panahong ito ang kakanta. No disrespect sa mga fans ng mga singers na ito na hindi ko na babanggitin ang mga pangalan. Pwede kong sabihing hindi nila mapapantayan ang level ng mga orihinal na kumanta ng mga hits na binaboy, este, kinanta nila.
Unahin natin ang hit song mula sa Foreigner sa kanilang “I Want to Know What Love Is”. Sino nga ba ang nag-revive nito? Who cares…
Next is the song “Nothing’s Gonna Stop Us Now” mula sa Starship. Ang kantang ito ay naging theme song ng pelikulang… ay nakalimutan ko na ang title ng movie na yun, pati ang mga nag-revive nito, nadamay. Hehehe…
Sinasabi ko sa inyo, kung sinuman ang bumaboy, este, nag-revive sa kantang ito ni Donna Cruz, hindi niya mapapantayan ang level at galing ni Donna dito. Heto ang “Hulog ng Langit”…
Akala ko, nang patugtugin sa Love Radio at Yes FM ang kantang ito, original version ito (since pinatutugtog din naman nila ang mga hits na ilang taon na rin ang lumipas). Pero nang makita ko sa MYX ang music video nila, nanlumo ako. Buti na lang, nakahanap ako ng music video ng kantang ito. Heto sina Jacky Cheung at Regine Velasquez sa “In Love With You”…
At iyan po ang FYE sa edisyong ito. Wala namang masama sa pag-revive ng mga kanta. Basta’t ito’y kayang dalhin ng kakanta at higit sa lahat, bigyan ng hustisya ang kanta at maging sa mga makakapakinig nito.
Enjoy the music and the videos!
No comments:
Post a Comment