
April 19, 2012, Thursday. Rolling Eyes, episode 3…
JOHN CENA MAKING “IMPACT”?

Noong April 16, naglabas ng saloobin ang WWE superstar na si John Cena sa pamamagitan ng kanyang Twitter account hinggil sa estado ng kanyang career sa kumpanya. Base sa kanyang mga isinulat, mukhang nanganganib na ang kanyang pananatili sa WWE. Kung sakali ngang mangyayari iyon, binanggit niya na itutuloy daw niya ang kanyang ginagawa tuwing Huwebes sa ibang kumpanya. Ang isa sa mga very noted na tweet ni John Cena ay ang sumusunod:
“I bussed my ass for this company and now you want to throw me out? hell, guess I’ll make an iMPACT else where. #controversialtweet”
Base na rin sa mga tweet niya, mukhang pupunta na siya sa TNA at tinitiyak niya na pag-uusapan ito oras na alisin siya sa WWE.
Since Wrestlemania 22, doon ko naramdaman ang “alanganing” sitwasyon niya. At dahil sa pagbabalik sa WWE ni Brock Lesnar, mukhang nalalapit na nga ito. Kung anuman ang resulta ng laban nila sa Extreme Rules PPV, sasalamin ito sigurado sa takbo ng career ni John Cena. Maaaring ito na ang kanyang “huling laban” sa WWE.
“IMPACT” NI MYRTLE SA PBB T.E. 4

Noong una ay hindi ako nagpe-pay attention sa Pinoy Big Brother, particularly sa Teen Edition. Pero nang nasa season 4 na, sa tingin ko ay mag-aagree kayo sa sasabihin ko.
Kapag ang isang housemate ay “iba” sa lahat, talagang makaka-attract siya. Sa kaso ng teen housemate na si Myrtle, sa pagiging cosplayer (at mature at disiplinado, ayon sa ibang nakapansin), naka-attract siya… ng boy… at ng “gulo”…
Hindi sa nagiging interesado ako sa kanya, pero may mga kailangan pa akong makita sa kanya. Bagamat ang punto ng reality show na ito ay “ipakita kung ano at sino ka”, dapat niyang patunayan sa lahat kung ano ang kaya niyang gawin.
Hehehe, mukhang “aaraw-arawin” niya tayo ng mga cosplay niya.
“IMPACT” AFTER GINEBRA’S LOSS
Lumaki na akong panatiko ng Barangay Ginebra Kings sa PBA. Mula nang magchampion sila noong 1996, nakita ko kung paano unti-unting nagbago ang team. Tumatak din sa akin ang championship nila noong 2008 nang ang import pa nila noon ay si Chris Alexander.
Speaking of him, sana ay nakatulong daw siya sa naging semifinals series ng Ginebra labas sa B-MEG. Malamang karamihan sa mga BGK fans ay nagsasabing hindi dapat pinalitan si Chris.
Nangyari na ang nangyari, nasa paborito kong team na ang pagpapasya kung anong mga adjustments pa ang gagawin nila para sa susunod na conference.
No comments:
Post a Comment