
Si Yoshiki ng X JAPAN nang tanggapin niya ang Best International Band Award sa Golden Gods Awards ngayong taon. Image courtesy of jefusion.com
Heto na naman ang isa na namang pasada ng FYE Blitz.
Recently, nakatanggap ang bandang X JAPAN ng karangalan mula sa katatapos na Golden Gods Awards na ginanap sa Club Nokia sa Los Angeles, California. Napanalunan ng banda ang “Best International Band” award mula sa naturang giving body. Tinalo nila ang limang banda mula sa limang bansa. Sila rin ang kauna-unahang Asian band na nominado sa naturang awards.
Mula sa mga fans ng X JAPAN dito sa Pilipinas, lalung-lalo na ang inyong lingkod, binabati ko sila sa kanilang tagumpay. Sana ay bumisita sila at magpeform dito sa ating bansa.
At bilang bahagi ng tagumpay na ito ng X JAPAN, narito ang kanilang pinakabagong kanta. Jade. Ang YouTube video ay mula kay jamechannel.
Enjoy the music, and the video!
No comments:
Post a Comment