Malapit na namang magpaalam ang taon, pero bilang Pinoy anime otaku, nararapat lang na maipahayag natin ang ating mga saloobin sa pamaamgitan ng taunang botohang ito. Kaya ang Zen Otaku Honbu ay muling inilulunsad ang pinaka-komprehensibo, pinakapinagkakatiwalaan at pinaka-maaasahang online poll ng Pinoy anime otakus dito sa bansa at sa buong mundo.
For the fourth straight time, welcome to OTAKU’S VERDICT: The Philippine Anime Year-end Poll!
Para primer na ito, ating susulyapan ang mga naging kalakaran ng mga TV networks sa ating bansa, mapa-local TV man o cable TV.
Ang mga higanteng TV networks ay patuloy sa pagpapakita ng pagbagsak, kapalpakan at kabiguang maaliw ang mga anime fans.
Sa ABS-CBN 2, tanging ang Naruto Shippuden ang naging pinakamalakas na anime sa nag-iisang afternoon schedule nito. Sa pagdaan ng mga buwan, tuluyan nang nawala sa ere ang anime sa hapon at tinambakan ng Kapamilya network ang afternoon slot ng mga wala na sa usong mga Latinovelas at nagpupumilit na pumatok na mga Asianovelas. Isama pa diyan ang mga early edition (higit na kilala bilang Uber) ng mga reality shows, na kamakailan lang ay napatunayang hindi ito ang solusyon para sa isang indibiduwal para maging matagumpay sa buhay. Kamakailan lang, ang Weekend Hero Zone ay nawalan na rin ng anime line-up at pinalitan ito ng mga foreign animation series. Tanging ang weekday morning schedule na lamang ang nalalabing bala ng ABS-CBN 2 na kinabibilangan ng Digimon Savers at ilang anime reruns para aliwin ang mga anime fans.
Sa GMA 7 naman, nagsimula ang taon sa mga Initial D series pero pagkatapos nito ay nagpakita na rin ito ng kapalpakan at kaduwagan. Maging ang Ghostfighter at Flame of Recca na dating top rater noon ay hindi rin nakaporma dahilan para agad itong tanggalin sa ere. Kapansin-pansin din ang muling pagpapalabas ng Voltes V at Daimos. Ang Pokemon ay nasa ere pa rin lampas isang taon na ang lumipas. Bagamat may mga bagong titles silang ipinapalabas, hindi naman ito nalalagay sa nararapat nitong timeslot.
Sinasabing may mga plano naman daw ang ABS-CBN 2 at GMA 7 sa kanilang anime programming. Pero natatagalan at nade-delay ang pagpapatupad nito dahil sa impluwensya ng mga taong humawak sa programming, entertainment at foreign programs acquisition departments nito. Nariyan din ang mga umaaligid na mga empleyado na bumubulong at nag-uudyok na huwag nang kumuha ng mga anime o huwag nang magpalabas ng anime. “Entertainment delayed is entertainment denied”, ika nga.
Samantala, ang mga sister stations na Studio 23 at QTV 11 ay mahina pa rin ang pundasyon ng kanilang mga anime. Nagiging repeatable na ang pagpapalabas ng kanilang flagship anime series na Samurai X sa Studio 23 at ang irregular anime schedule ng QTV 11 sa hapon.
Kung may mga TV networks na nagpapakita ng pagbagsak, meron din namang nagbagong-bihis at bumangon para i-cater ang kanilang mga viewers. Sabi namin dito sa ZOH, ang taong 2008 ay Revamp/Reformat Year para sa mga sumusunod.
Una dito ang Hero TV sa kanilang “animated” accent. Hindi man alintana sa iba, may mga nangangamba na baka mawala ang tunay na identity ng Hero TV bilang “anime channel”. Bukod daw kasi sa mga Korean at Chinese animation, umeeksena na rin ang mga Western animation. Malaking bala naman ang pagpapalabas ng “Dubber’s Cut” segments. Pinakamahalaga pa rin para sa mga Hero TV viewers ang pagiging “Tagalog-dubbed” ng channel na ito.
Ang Animax Philippines, sentro sa kanilang accent ang “blue cube”. Hindi pa rin natitinag sa pagpapalabas ng kanilang mga breakthrough animes. Ang kapansin-pansin dito, sa bawat monthly highlights nila ay kasama nang ipinakikilala ang mga anime titles na matagal nang naipalabas, patunay dito ang The Law of Ueki at Slam Dunk.
Sa Cartoon Network Philippines, tagilid ang logo nito. Ang Toonami block ay malapit na ring tumagilid. Pero ang ang karagdagang timeslots para sa mga anime ay hindi tumatagilid. Bagamat karamihan dito ay toy/hobby oriented, nakakaaliw pa ring panoorin ang mga ito. Ang Naruto ay nasa season 1 pa rin sa himpapawid ng CNP.
Ang nag-stand out sa lahat ngayong taon, ang TV5. Dating ABC 5, na nag-ere ng Sailormoon, Eto Rangers, etc., at gumawa ng Animania at Anime Ring Kaisho blocks, ay muling nagpakita ng lakas sa pag-redub ng Transformers: Armada at Duel Masters at sa pag-ere ng patok na patok na Shakugan no Shana at Yamato Nadeshiko Shichi Henge. Patutunayan ng TV5 na tatangkilin ng kanilang mga manonood, lalo na sa panig ng mga “lost viewers” ang kanilang bago at naiibang pormula, lalo na sa “Teens and Toons” block. Kaya hindi nakakapagtaka kung sila ay No. 3 na agad sa NUTAM.
And that’s it. Maliwanag na siguro sa inyo ang naging scenario sa Pinoy anime industry ngayong taon. Kaya nalalaman naming papanig kayo sa mga nararapat bigyan ng karangalan at bigyang-babala ang mga gumawa ng kapalpakan. Pero sa Disyembre 2008 pa ang botohan, kaya ikampanya nyo na ang inyong mga manok.
Bisitahin ang OTAKU’S VERDICT website: http://www.otakusverdict.cjb.net/
Let’s make a stand, make your voices heard, panahon na naman para humatol.
No comments:
Post a Comment