Wednesday, March 25, 2009

Hindi Biro ang Magbalita, No?

Kung inaakala ng iba na napakadaling magbigay ng mga balita at impormasyon tungkol sa takbo ng anime sa Pilipinas, eh nagkakamali sila...

Kami sa Zen Otaku Honbu, kahit maliit o yung sinasabi ng mga detractors namin na "mere" anime organization/forums lang kami, we are confident sa aming mga nakakalap na balita at impormasyon. Aaminin naming karaniwan sa mga nakakalap naming mga balita ay galing sa iba't ibang mga anime forums, news websites at iba pa. Pero kapag pinagtipun-tipun na namin ang mga ito, amin itong pinag-aaralan at inirerelay sa mga taong sa tingin namin ay pinakapinagkakatiwalaan...

Kung may mga taong naglalabas ng mga balita at impormasyon sa mga animes na posibleng maipalabas sa Pilipinas, maaari namin silang pasalamatan. Pero kung ang taong iyon ay nakatitiyak sa kanyang mga binitawang pahayag, doon namin susubukan ang kanyang kredibilidad. At sa mga pagkakataong iyon, iilan lang ang napatunayang totoo sa kanyang mga salita...

Mula nang pumutok ang pinakabagong channel sa Pilipinas - ang TV5, lalo na sa kanilang anime programming, marami agad ang umasang dito sa naturang channel matutupad ang mga kahilingang sa TV5 ipapalabas ang kanilang mga paboritong anime series...

Isipin sana ng mga forumers ng TV5, lalo na sa mga taong naglalabas ng mga umano'y mga animes na ipapalabas sa TV5 sa mga darating na araw na ang interes ng nakararaming TV5 anime viewers ang nakasalalay dito. Anumang impormasyon na mali o nagbibigay ng kalituhan sa mga manonood ang magiging dahilan ng lalong kaguluhan sa TV5 forums...

Ngayon pa lang ay gusto naming linawin ang mga kumakalat na balita sa TV5 forums at maging sa TV5 Friendster account...

UNA, IMPOSIBLENG MAIPALABAS ANG FULLMETAL ALCHEMIST SA TV5!
Ang Tagalog-dubbed version na napanood sa GMA 7 noon ay mismong GMA 7 ang nagdub. Sa pandinig ng iba ay parang TSP-dubbed ito, pero ang totoo ay GMA 7 talaga ang nag-dub nito. Wala sa TSP ang rights nito kaya hindi puwedeng maipalabas ito sa TV5.

PANGALAWA, IMPOSIBLE DIN NA MAIPALABAS ANG HUNTER X HUNTER SA TV5!
Simple lang kung bakit, hawak pa rin ng GMA 7 ang karapatan ng anime title na ito. At tanging ang GMA 7 lamang ang nakakaalam kung kailan ito maipapalabas. Hiling lang sana namin ay kaysa alikabukin ng GMA 7 ang HXH ay bitiwan na nila ang anime na ito upang mapakinabangan ng mas karapat-dapat na TV network.

PANGATLO, at malamang sa PINAKAMALUPIT... IMPOSIBLENG MAIPALABAS ANG DEATH NOTE SA TV5.
Walang takot naming sasabihing may mga impormasyon kaming natanggap hinggil sa anime na ito. At upang maprotektahan ang interes ng karamihan ay hindi pa namin puwedeng ilabas ang aming mga nalalaman...

Sakit sa ulo din ang mga "Makamo" o yung mga forumers ng TV5 na ayaw sa ilang palabas nito, lalo na ang Masked Rider Hibiki at Special A. Sinasabi ko sa inyo, nag-aaksaya lang kayo ng panahong mag-bash laban sa mga magagandang series na ito...

Bilang na ang mga araw ninyo, mga "Makamo"... Malapit na ang panahon ng paglilinis...

No comments: