Friday, May 01, 2009

Animax, Tanggal na sa Dream Satellite TV! What a Way to Start May!

Para sa mga Pinoy Anime Faithfuls, lalo na sa mga subscribers ng Dream Satellite TV, ako ay nakikiramay sa inyo...

Simula sa araw na ito, MAY 01, 2009, kasabay ng paggunita natin ng Labor Day, wala nang mapapanood na Animax sa line-up ng Dream Satellite TV.

Inanunsyo na ito ng kumpanya sa channel assignment nito ilang araw bago sumapit ang May 01. Kasama rin sa natanggal sa Dream line-up ang HBO, MAX (dating Cinemax), Star Sports, ESPN, at Animal Planet.

Hindi kaila na ang Animax ay bahagi na ng Dream Satellite TV sa mahabang panahon. Kaya lubhang nakakalungkot sa panig ng Dream at maging sa kanilang mga subscribers (lalo na ang mga Pinoy anime fans) ang balitang wala na line-up ang Animax.

Kung hindi ninyo naitatanong, nito lamang buwan ng Abril ay nagsimula nang magpalakas ang Animax ng kanilang programming. Nagpalabas sila ng mga animes na "Tears to Tiara" at "Fullmetal Alchemist Brotherhood".

Mukhang maliit na bagay man ito sa Dream o sa karamihan at karamihang tao, pero para sa mga anime fans, ang hakbanging ito ng Animax ang isang HISTORY MAKING sa larangan ng telebisyon hindi lang sa Pilipinas na nasasakupan ng Animax, kundi maging sa buong Asia at sa buong mundo. Ang "Tears to Tiara" ay sabayang napapanood mula sa Japan hanggang sa mga bansang naabot ng Animax-Asia, kabilang nga po ang Pilipinas. Samantala, ang "Fullmetal Alchemist Brotherhood" ay napapanood din sa Animax-Asia, sa loob ng parehong linggo pagkatapos maunang umere sa Japan.

Tunay na napakalaking bagay ang Animax para sa mga anime fans dito sa Pilipinas. Dahil kung kailan nagsisimula nang magpalakas ulit ang Animax, saka naman mawawala ito sa inyong system.

Sinasabi ko sa inyo, sa lahat ng tao sa buong Asya, tanging ang mga Pinoy anime fans ang higit na nakikinabang sa ginawang ito ng Animax.

Sana ay hindi magtagal ang krisis na ito para sa ating mga Pinoy Anime Faithfuls.

No comments: