Mainit ang pinasok na isyu ni Genjo Sanzo tungkol sa pagpapalabas ng mga late night animes ng Hero TV nitong mga nakaraang araw.
Well, hindi na bago sa amin ang isyung ito. Kahit nga panahong palabas ang Tenjho Tenge sa GMA 7 noon ay ganito rin ang usap-usapan ng mga anime fans.
Kung tutuusin, malakas ang loob ng GMA 7 dahil nagagawa nilang ipalabas ang TenTen sa ganoong afternoon timeslot. Yun nga lang, may mga "sakripisyong" dapat gawin ang network para lang maipalabas ito.
At tulad ng napanood ninyo noon (at pati na rin sa Hero TV, sa kabila ng late night timeslot nito), nakakita tayo ng mga blurred scenes, at nasisiguro kong may mga naputol na mga eksena sa naturang anime.
Tulad ng lahat ng mga naging isyu, iba't iba ang mga pananaw ng mga anime fans tungkol sa mga matured-theme animes. Sa punto ni Sanzo, sinasabi niyang ang mga ginagawang pag-blurred at pagputol ng mga eksena ay nakakaapekto sa takbo ng istorya ng isang anime. Yung iba naman, sinasabing yung lang mga maseselang mga tagpo ang tinatanggal pero sinisikap nilang hindi makokompromiso ang mismong anime series. Kung ang mga TV networks ang tatanungin, either lang na may sarili silang mga regulasyon sa pagpapalabas ng anime or sumusunod lang sila sa utos ng nalalabing institusyon na nagtataguyod pa rin ng conservatism, ang MTRCB.
Come to think of it, hindi lahat ng mga matured-theme animes ay naka=pokus sa nudity at fanservice. Kung hindi pa naman kayo pamilyar sa mga trapo, este, traditional telenovelas (mapa-foreign o local made), may mga tema at sitwasyon na hindi agad maiintindihan ng mga bata at kahit matatanda sa simpleng panonood lang.
Madalas ko nang binibigyan ng halimbawa ay ang Maria-sama ga Miteru, maganda sana kung itinuloy ito ng ABS-CBN, kung hindi lang pinutol ito ilang episodes bago ito natapos. Pero ang Animax Philippines ang nagtuloy sa masasabi kong mabahong record ng Dos.
Iisipin siguro ng karamihan na "hard drama" lang ang Marimite, pero kung malawak ang pang-unawa mo, malalaman mong hindi husto ang drama at iyakan dito.
Para sa mga TV networks na ang mga research at focus group teams ay medyo makitid ang utak at pang-unawa, huwag na lang kayong kumuha ng mga matured-theme animes kung gagawin nyo lang ay mag-blurred at magputol ng mga vital at importanteng eksena. Hindi naman siguro yung mga nudity at fanservice, basta yung sa tingin ng karamihan ay magdadala ng magandang takbo ng bawat anime. Sinasayang nyo lang ang pera ng TV network at pagod ng mga dubbers sa ginagawa ninyo.
Babala naman sa mga konserbatibo at sa mga balak magsumbong sa MTRCB sa mga napapanood ninyo sa TV, lalo na't anime ang madalas na napag-iinitan, kayo na ang pinakatangang tao sa ating lipunan.]
Heto ang pahayag ng isang cartoon character tungkol sa values:
"If you're watching a TV show and you decide to take your values from that, you're an idiot. Maybe you should take responsibility for what values your kids are getting. Maybe you shouldn't be letting your kids watch certain shows in the first place if you have such a big problem with them, instead of blaming the shows themselves."
- Peter Griffin, Family Guy
------------------------------------------------------------------
Well, mukhang nakahanap ng katapat ang mga dubbers ng Lapat-Tinig sa katauhan ni Haruhi Suzumiya at ang buong SOS Brigade. Pero kung ako ang tatanungin, nasisiyahan ako sa kanilang matinding paghihirap. Talagang dinugo, tulad ng pagkakalarawan naming lahat sa ZOH at LT.
Pero sa tingin ko, ang kanilang matinding paghihirap ay hindi natatapos kina Haruhi.
There are comments and thoughts na dapat naming ipakita sa inyong lahat. Malamang na pagkatapos nating mapanood ang buong anime. Dahil nakakaaliw ang ilan, at may mabibigat na punto naman ang iba. Hindi kami natatakot na ilahad sa inyo ang pananaw ng mga anime fans, mapa-positibo o yung mga karespe-respeto.
Bakit hindi negatibo? Well, yung iba kasi, target ng iba ang sirain ang trabaho (pati ang buhay) ng mga dubbers. Yun ang mga tipong hindi karespe-respeto. Pero kahit anong paglilinis ng reputasyon ng panig nila, meron at meron pa ring mga "bulok na kamatis" na layong sirain ang sarili nilang lupon para sa pansarili nilang kapakanan.
Kung ako sa kanila, hanapin nila ang mga bulok na kamatis na iyon sa grupo nila at itapon sa malayo. Para naman ang kahilingan nilang irespeto ng mga taong tulad ko ay mapagbigyan na. Kawawa din naman ang mga ito, gusto man silang irespeto, pero binubulyawan sila nang walang sinasabi o ginagawa dahil may ibang gumagawa ng ikasisira ng kanyang kapwa kagrupo.
Hindi nila kailangan manira ng buhay at trabaho ng ibang tao para lang maiparating ang punto nila.
Again, kung meron kayong nais iparating sa mga dubbers, huwag kayong mag-atubiling pumunta sa amin. Garantisadong ipaaabot namin ito sa kanila. Malay nyo, sa kanilang pahintulot ay mailabas namin ang kanilang mga tugon.
Walang mawawala kung hindi ninyo susubukan. Para naman hindi mabulok sa balwarte ninyo ang mga nakakapatay ninyong mga salita.
No comments:
Post a Comment