Saturday, August 22, 2009

TAKOT SA SALITANG "DUB"

May isang anti-dub group sa Multiply na sa sobrang takot banggitin ang salitang "DUBS", "DUB", "DUBBERS", yun letrang "U" ay tinanggal na yata sa kanilang mga keyboard. Kung sila man ay may mga sariling PC, pwede nilang gawin iyun. Kung sila naman ay nakikigamit ng PC sa kapitbahay, sa internet cafe o sa iba pang lugar na merong computer at internet at hindi kanila, malamang na i-ban sila mula sa mga lugar na iyon... FOR LIFE.

BTW, malamang ang anti-dub group na ito ay kinapapalooban ng mga sumusunod:

1) Mga purista (Mga nanonood ng anime na hindi DUB at hindi rin sub, na nakakaintindi ng Japanese language... Pwede ring mga taong nanonood din nito, pero hindi alam o walang alam sa Japanese language, magmumukhang tanga lang sila kung merong ganun)

2) Mga nanonood ng fansubs na laging ikinukumpara ang kanilang choice of viewing sa dubs (more or less, pabor lagi sa subs)

3) Mga trapong dubbers at cosplayers. Ginagamit nila ang kanilang propesyon para sirain ang mga dubbers at ang kanilang mga ginawa. On the part ng mga trapong dubbers, more or less siya ay nagtatrabaho sa isang TV network lang na malamang ay asungot, lurker, nerd, pikon na wala sa lugar at di tumatanggap ng katwiran o batikos.

Matagal na naming silang sinubaybayan at mukhang mabagal at di epektibo ang kanilang makinarya.

Pahirap sila sa buhay. Sa halip na gamitin ang salitang "DUBBED" ay "localized" ang ginagamit nilang pamalit sa naunang salita. Sabagay, mas komportable nga naman sa kanila ang pahirapan ang kanilang sarili. Malalason yata ang kanilang katawan kapag binanggit nila ang salitang "DUBBED".

Alam kong lahat tayo ay nag-aasam ng QUALITY pagdating sa mga Tagalog-dubbed animes. Pero hindi naman ibig sabihin na pati ang mga Japanese voices, maging ang paraan ng pagbanggit ng Japanese names ay gagawin din ng mga Pinoy dubbers natin, na sa tingin ko ay hindi na magandang ideya. Lalabas tuloy na pinipilit ng mga Pinoy dubberd na maging katulad ng mga Japanese seiyuus. Sa ibang salita, yung mga naghahangad ng sobra sa kakayahan ng mga Pinoy dubbers ay masasabi kong MASYADO NA SILANG MAARTE.

Once na mapanood natin ang isang Tagalog-dubbed at sa tingin naman natin ay maayos naman nai-deliver ang mga dayalogo nang walang bahid ng kaartehan o iba pa, hindi pa ba sapat na iyon para mag-enjoy sa ating panonood. Totoo nga - MAARTE, DEMANDING ang ilan nating mga kababayan. Again, we have the right for a QUALITY Tagalog-dubbing but we don't have the right to DEMAND TOO MUCH. How about DEMANDING a FAIR TREATMENT on airing animes? Hindi naman iyun siguro sobra.

Wala namang kaso kung lalagyan ng Filipino accent ang ating mga Tagalog-dubbed animes. Katunayan, ito ang maganda at tamang sandata upang makahikayat ng mga manonood, mapa-anime fan man ito o hindi. Malaking ebidensya ang ginawang dubbing sa Lupin III, maging ang mga dialog sa Yakitate! Japan sa ilang episodes nito.

Well, kahit gamitin ng grupong ito ang lahat ng kanilang sinasabing "most effective means", hindi nila magagawang ma-eliminate ang mga sinasabi nilang mga "4th-world-country-DUBBERS". Why? Kung sino mang BAKLA, o BAKA, o STUPIDO, O AROGANTE ang gumawa ng site na ito, kitang-kita ang resulta ng pagtanggap ng mga tao sa kanila. Di hamak na mas maraming mga miyembro ng Zen Otaku Honbu Multiply site kaysa sa di-makataong Multiply site na ito. Kahit nga sa guestbook namin, talbog pa rin sila sa ZOH (11 against 6). Halos lahat ng features ng ZOH Multiply ay talung-talo ng anti-dub group na ito. Bagamat kaming mga admin ang nagsusulat at naglalagay ng mga laman nito, mas ipinapakita namin ang enthusiasm sa aming ginagawa. OK ang komento ni misdead, na mas nakita niya ang kahinaan ng grupong ito. Huwag nyo nang ikatwiran sa akin na merong ibang Multiply sites ang gumagawa ng paninira sa dubbers, pero paano ninyo ipaliliwanag ang pagiging inactive ng site na iyon, gayong bigtime ang paanyaya ninyong sumali at sirain ang mga taong naglalapat ng ating sariling wika?

Why? Trabaho mang ituring ng karamihan ang ginagawa ng mga Pinoy dubbers, nakakabilib din naman ang iba na isinasapuso ang kanilang gawa. Nakakaawa din naman sila, kahit anong pagdugo yata nila o kahit anong pagpiga ng utak nila o kahit anong hirap nila para lang mapaganda ang kanilang mga obra, may mga tao pa ring ayaw kumilala ng kanilang pinaghirapan.

Kung ikumpara naman kayo sa mga naging administrasyon ng bansang ito (Cory, Ramos, Estrada, Arroyo), di hamak naman na sa kabila ng kontrobersya na ibinabato sa kanila, may mga bagay na nakakakitaan din ng magandang gawa mula sa kanila. Nakalimutan nyo na siguro ang ginawang pagkilala ng Surian ng Wikang Pambansa sa Tagalog-dubbing. Tulad ng sinasabi ko, ang Tagalog-dubbing ang mabisang sandata upang maunawaan ng mga manonood ang mga programang banyaga na dumarating dito sa ating bansa. Yes, mapa-Latin, Espanyol, Chinese, Korean, Japanese at kahit pa English. At kayo naman ang titingnan, wala akong mababasa sa inyo kundi kasiraan, na resulta din naman ng inyo ring ikababagsak.

Ang wikang Filipino (or Tagalog sa iba) ay hindi tipo ng linguwahe na dapat ikahiya. Bagamat sinabi noon ni Joey de Leon na may mga pagkakataon na may mga bahagi ng ating wika na bastos, masarap pa ring magsalita ng Tagalog. Wala din namang kaso kung nakakapagsalita man tayo ng English o Japanese, pero kung nagsasalita ka pa rin ng Tagalog, hindi ito nakakababa ng moral bilang tao.

Kung may AROGANTE o BAKA o STUPIDO na nagtatanong na kung bakit ako nanonood ng mga programang Hapon, heto ang sagot ko. Dahil sa Tagalog-dubbed, ang turing ng mga manonood sa anime ay parang "kababayan" natin. Isang obra ng Japan, pero wikang Tagalog ang tinig. At dahil sa natatanging kakayahan ng mga Pinoy dubbers na lagyan ng Pinoy accent ang mga Tagalog-dubbed anime, mas kwela, mas nakakatuwa at mas kaaya-ayang panoorin ang mga ito. Hindi na kailangang lumebel sa mga Japanese seiyuus. Pilipino tayo, dahil tumuntong ang Japanese anime sa ating teritoryo, nasa ating mga Pilipino ang kontrol. Tao rin ang mga Pinoy dubbers, kaya nakakalungkot ang ginagawang pag-asta ng mga anti-dubs na akala mo ay mas magaling magdub kaysa sa kanila.

Yes, yes. Never ko pang nasusubukang magdub at alam kong kayo rin. Ang kaibahan nga lang, naiintindihan ko ang sitwasyon ng mga Pinoy dubbers kaya kung hindi man papuri ay pag-unawa ang ipinaaabot ko sa mga nasasakupan ng aming makinarya. Pero kayo, kahit anong paliwanag nila, parang lason ang tingin ninyo at bigla nyo na lang bubulyawan. Hindi makapagpaliwanag sa inyo ang mga dubbers dahil ITO ANG GAWAIN NYO, ang manira ng dubbers, ang manira ng kapwa nyo Pinoy. Kami naman, nakakatanggap kami ng paliwanag mula sa kanila dahil may mga bagay kami na dapat malaman. At dahil nga doon, nagagawa naming magsumbong ng mga ginagawa ninyo sa kanila.

Kung bibigyan ako ng pagkakataong mag-dub, doon ko lang ipapamukha sa inyo ang hirap na kanilang dinadanas. Kung may mahirap man kayong ginawa, iyan ang paninirang ginagawa ninyo. Kung pagtangkilik lang ang pag-uusapan, mas pipiliin ko pa ang mga Tagalog-dubbed animes kaysa sa mga drama/teleseryeng gawa dito na kung hindi man pinag-isipan ay mangongopya pa ng ideya mula sa ibang bansa. Yes, kasama ang Japan doon. Na kung sa isang bahagi ng istorya ay simple lang, gagawin nila ang lahat para palakihin ito.

At least ako, nanonood man ako ng Japanese anime, Tagalog-dubbed naman - pagtangkilik sa sariling ating... wika. Kung nanonood ka man ng anime, nasaan ang pagka-Pilipino mo?

Payo ko lang, pwede nyo namang isulong ang kasamaan ng anti-dub group ninyo nang hindi ninyo pinakikialaman ang preferences ng mga taong hinihikayat ninyo. May umalis na diyan sa grupo nyo, dahil ayaw niyang makatikim ng mga batikos mula sa mga katulad ko. At saka, ang AROGANTE, BAKA at STUPIDOng mga taong ito ang unang sumalakay sa aking paglalahad ng opinyon. It is clear that they invade my opinions and suggestions. Maliwanag naman na sinasagasaan nila ang pagiging tagasuporta ko ng Tagalog-dubbed kaya hindi pwedeng hindi ko sila balikan.

Hanggang may mga taong naninira sa kapwa nila Pilipino, lalo na ang mga taong sandata ay ang wikang Pilipino para maghikayat ng mga kapwa-Pilipinong manood ng anime, nandito kaming handang lumaban sa kanilang mga masasamang layunin.

Hindi nila magagawang alisin sa kanilang mga paningin ang mga Pinoy dubbers, lalong hindi krimen ang Tagalog-dubbing kaya hindi nila magagawang magpakulong ng mga ito. Lalong hindi nila magagawang pumatay ng mga dubbers, para lang sa kanilang masamang intensyon.

Kung ayaw nyo rin lang ng mababang kalidad ng Tagalog-dubbed, sa tingin ko ang inyong grupo ay hindi magandang paraan para iparating ang inyong nais. Kung hinahamon nyo akong lumapit sa mga TV network executives (bagay na ginawa na namin), bakit hindi naman kayo ang lumapit sa mga dubbers nang masubukan ang tatag ng inyong KABAKLAAN, PAGKASTUPIDO, PAGKABAKA at PAGKAAROGANTE? Huwag nyo palang kalimutan ang mga bayag nyo.

~~~~~~~~~~

Nabanggit ko na noon ang panawagang linisin ang hanay ng mga tao o grupong nanonood ng fansubs, dahil nga may mga taong ginagamit ang kanilang fansub para manira ng mga dubbers.

Ngayon naman, nananawagan naman ako sa hanay ng mga dubbers at cosplayers na linisin din ang kanilang mga hanay. Alam kong hindi natin makakamit ang pagkakaisa ng mga sumusuporta sa anime, lalo na sa Tagalog-dubbed, sa mga Pinoy dubbers at sa mga cosplayers kung may mga tao sa loob ng kanilang hanay na gumagawa ng mga bagay na ikakasira hindi lamang sa kinakalabang partido kundi ikasisira din ng sarili nitong hanay.

May impormasyon kaming nakalap na kabilang sa hanay ng mga naninira sa Pinoy dubbers ay isa ring dubber na eksklusibong nagtatrabaho sa isang TV network. Naglulurk daw ang naturang dubber na ito sa mga forums ng mga TV network at kinaiinisan ng mga kapwa dubbers dahil sa pagiging nerdy, pikon na wala sa lugar at di tumatanggap ng katwiran o batikos mula sa sinuman, lalo na malamang sa mga komentong inilalabas ko.

At kung napapagawi naman kayo sa Multiply site ng anti-dub group na iyan ay maliwanag na siguro kung sino ang nasa likod ng di-makataong paninira at ng layuning mawala ang mga Pinoy dubbers.

Hindi naman ako makukulong sa paglahad ko ng saloobin tulad ng sinasabi ng isang AROGANTE. If you can trace my address, you can catch me... that is IF YOU CAN. Yung ngang mga militante, nahuhuli sa rally, kulong ng ilang araw, pinalaya, walang kaso... ako pa'ng nagsasalita lang?

No comments: