Putek!
Hanggang ngayon ay may mga taong sampalataya sa mga ginawa ng GMA 7 noon... AND I MEAN, NOON! Sinasabi nilang utang natin sa GMA 7 ang pagkakaroon ng mga anime events na katulad ng nararanasan natin ngayon.
Mukhang ang sinasabi nilang anime event ay yung AnimExplosion noong taong 2000. Sa pagkakatanda ko, kasama ng GMA 7 ang DWLS-FM 97.1, Channel [V] at Animation Council of the Philippines.
Yung Anime Quest naman, duda akong GMA 7 ang nagpakana nito. Sa event title pa lang, kita nang Questor Magazine/TSP na ang naka-isip ng konseptong ito. But for some reasons, hindi siya ginanap sa malakihang lugar.
But after few years, nakikita kong puro AXN Asia, Animax Asia/Philippines na ang nagsasagawa ng kanilang mga sariling events.
Kung titingnan naman natin ang takbo ng mga anime events ngayon, sumasakay lang naman ang GMA 7 sa ilang mga events. Nagpapadala ng mga kamera at reporter para interbyuhin ang ilang sa mga organizer at ilan sa mga dumalo. Yun lang. But it doesn't mean na malaki na ang ginawa ng GMA 7 sa event na iyon, sa simpleng tutok sa kamera at mikropono sa mga taong mas nagpakahirap na isagawa ang isa o dalawang buong araw na mga events.
Kung hindi naman sa ginagawa ng Hero TV, lalo na sa taunang event nila, hindi uusbong ang mga katulad ng Cosplay.PH, WTF?! Cosplayers, L.A.M.E. Cosplayers at iba pa. I can say na mas umusbong ang anime fandom sa tulong ng mga ito.
Hindi maganda kung patuloy nating tatanawin ng malaking utang na loob ang GMA 7, kung alam naman nating hindi maganda ang ginagawa ng network na ito sa nakalipas na mga taon. Ilang ulit na natin silang binigyan ng pagkakataon na patunayan ang kanilang halaga sa mga manonood na anime fans, pero may mga elemento at tao talagang pumipigil sa GMA 7 sa kung anuman ang dapat nilang gawin para sa natatanging mga manonood. Nariyan ang mga foreign acquisition department, ang mga resident dubbers ng Alta, ang programming department, kahit ang mga moderators at administrators ng anime section ng iGMA.tv forums. At siyempre, ang stupido at eroganteng mga forumer na tunay ang ginagawang kasiraan sa mga nagtataguyod ng Philippine Anime.
April 2009 nang ilabas nila ang kanilang anime line-up, pero malapit nang mag-October, ni isa sa mga bagong titles nila, hindi pa nagmamaterialized. Yung Hayate The Combat Butler sa QTV 11, mukhang kumukuha lang sila ng pagkakataon para magpalabas ng anime sa gitna ng kasalukuyang estado ng ABS-CBN 2 at TV5.
~~~~~~~~~~
Hindi ko naman maintindihan sa CSCENTRL kung paano nila paninindigan ang kanilang naunang ulat tungkol sa gagawing anime event ng Hero TV.
For the record, noong September 7 sa kanilang Calendar at Blog section ng CSCENTRL Multiply site, binanggit nila na ayon sa kanilang nakalap, na later ay ini-refer nila si Mr. Jerico Catalan, isang mataas na opisyal ng Hero TV, na ang Hataw! Hanep! Hero 2009 ay gaganapin sa November 7 sa SM Marikina.
Pero kung titingnan naman ang naging impormasyon na nakalap naman ng ZOH sa pamamagitan ni -KiRa-YaMaTo- noong kinover niya ang Metro Comicon noong August 8 sa SM Megamall, sinabi ni Mr. Pocholo Gonzales, isa sa mga dubber at dubbing director ng Hero TV, na bago na ang title ng anime event ng Hero TV - Heronation. Binanggit din nito sa November ito gaganapin.
At sa kasagsagan naman ng coverage ng ZOH sa Cosplay Mania 2009, nasaksihan ni Jamibu, isa sa mga co-administrator ng ZOH ang teaser sa Hero TV kaugnay nga nitong Heronation. November 2009 din ito at wala pang binanggit na lugar.
But later after na maipalabs ang teaser, binanggit na ng CSCENTRL na Heronation ang event title ng Hero TV.
Kung pagsasama-samahin ang lahat ng mga impormasyong ito, maraming mga anggulo ang dapat tingnan:
Una, mas maaga ba sa August 8 nalaman ng CSCENTRL ang impormasyon tungkol sa Hero TV event? Kung oo, malamang na H3 pa rin ang binanggit ng mga nagbigay ng impormasyon bago sumapit nga ang August 8 kung saan Heronation naman ang binanggit ng aming impormasyon.
At pangalawa, hindi na siguro isyu kung ano ang pangalan ng Hero TV event. Mas pagtuunan natin ng pansin ang binanggit ng CSCENTRL na mga petsa at lokasyon...
November 7. Ayon naman sa aming nakalap na balita, ang makakatapat ng petsang ito ay ang Level Up! Live, na gaganapin naman sa World Trade Center sa Pasay City.
Well, hindi naman siguro malaking isyu ang petsa, pero paano ang lugar?
SM Marikina. Kung kaming mga nasa ZOH ang tatanungin, saang espasyo naman sa lugar na iyon gagawin ang event? Nabanggit sa aming usapan ang tungkol sa Cyberzone area, na sa pagkakalarawan nila ay hindi sapat ang lugar para sa katulad ng Heronation. Tiningnan din namin ang posibilidad na sa Parking Lot naman ng naturang mall ganapin ito, pero baka naman bahain ang lugar na iyon.
Kung sinasabi naman ng CSCENTRL na pinal na ang petsa at lugar na pagdadausan ng Heronation, base sa aming mga pagsasaliksik, madali na sa mga dadalo kung anong event ang kanilang pupuntahan - kung ang Level Up! Live o ang Heronation.
Hindi na rin siguro namin iistorbohin ang mga katulad ni Mr. Catalan kung magtatanong lang naman kami tungkol dito. Lumabas na kasi ang mga balita, at alam nyo na siguro kung ano ang totoo sa mga ito.
Kung totoo man ang petsa at lugar ng Heronation, sana ay hindi ito mapunta sa matinding kompromiso, tulad ng nangyari daw sa Shizen Orchestra at AME 8th Avenue.
Kung doon talaga ang tuloy ang event, hayaan nating ang mga tao na ang humusga.
~~~~~~~~~~
Ipinagmamalaki naming sabihin sa inyo na sa taong ito ng 2009, ang Zen Otaku Honbu at ang Cosplay.PH, kasama ng iba pang mga partner/affiliate sites ay magiging magkatuwang sa paghatid ng pinakamalaki at pinaka-komprehensibong year-end poll ng Pinoy Anime, ang OTAKU'S VERDICT!
Maraming maraming salamat po sa Cosplay.PH, lalo na kay Mr. Pablo Bairan, ang Marketing Head sa kanyang walang sawang pagsuporta at pagtitiwala sa ZOH, lalo na sa kanyang paggabay sa aming Ka-Honbu, ang aming Chief Anime Correspondent na si -KiRa-YaMaTo-.
Mabigat man ang responsibilidad na inatang sa amin, ngunit pagsisikapan naming maiparating sa kinauukulan ang tinig ng mga Pinoy anime faithfuls. Kahit anong pagtatakip, paglalansi, kontradiksyon at paninirang ginagawa ng mga di-makataong grupo, mga arogante, stupido at baklang nilalang laban sa amin, naniniwala kaming mananaig ang tunay na pulso ng mga Pilipinong tumatangkilik sa anime na 30 taon na'ng nagbibigay ng kasiyahan sa bansang lugmok sa kahirapan, kalamidad at sobrang pamumulitika.
Bisitahin lang ang mga sumusunod na website para sa kabuuan ng OV 2009:
http://otakusverdict.cjb.net/
No comments:
Post a Comment