Friday, March 26, 2010

Blockbuster Anime Acquisitions ng TV5!


Ang Zen Otaku Honbu, sa pamamagitan ng ZOH Webmaster at ZOH Forums’ Senior Anbu (Senior Moderator) theBlocker at ng ZOH Chief Anime Correspondent -KiRa-YaMaTo- ay nakapunta at nasaksihan ang katatapos na Trade Launch ng TV5 na ngayon ay pagmamay-ari na ng PLDT MediaQuest Holdings, Inc. sa pamumuno ni Mr. Manny V. Pangilinan.

Sa araw na mag-palit na ang logo ng TV5, “KAPATID” na ang bagong nickname/monicker ng TV network.
Maraming mga bagong programa at mga personalities ang ipinakilala sa naturang trade launch. Ipinalabas na rin ang bagong station ID ng TV5, na pinamagatang “Para Sa’yo, KAPATID”.

Pero para sa aming mga KAPATID na mga anime fans, heto ang dala naming balita sa inyo…

Ipinakilala ng TV5 ang kanilang mga bagong acquired na mga anime titles. Kabilang na diyan ang Yatterman, Clannad at Inuyasha: The Final Act.

Kaugnay ng Inuyasha: The Final Act, tulad ng mga anime titles na Prince Mackaroo at Street Fighter II V, lumipat na rin sa TV5 ang unang anime series nito, ang Inuyasha na napanood noon sa ABS-CBN 2, Studio 23 at maging sa Hero TV.

Abangan ang mas detalyado at mas komprehensibong pag-uulat nina theBlocker at -KiRa-YaMaTo- kaugnay ng naging trade launch ng TV5 sa World Trade Center.


UPDATE as of March 27, 2010 1:02 am:

Panoorin ang EXCLUSIVE VIDEO na nakunan ng Zen Otaku Honbu kaugnay ng mga bagong anime shows ng TV5. Sa naturang video, unang ipinakilala ang mga bagong shows sa ilalim ng TV5 Kids (kabilang ang Prince Mackaroo):



No comments: