I’m looking forward sa pagpapalabas ng TV5 sa kanilang Trade Launch mula sa World Trade Center sa Easter Sunday, April 4 at 4:30 to 5:30 pm. Ayon sa aming mga nakalap, ang naturang timeslot ay gagawing weekend newscast ng NEWS 5, titled “AKSYON”, anchored by Cheri Mercado and Jove Francisco. The rest of the introduced new shows ng TV5 ay makikita sa aming item sa ZenHonbuPH.net
Kung manonood kayo sa TV5 ngayong Miyerkules, this is the day na huli ninyong makikita ang TV-shaped logo ng network. By Easter Sunday ay magpapalit na rin sila, at may bago na rin silang Station ID at tatawagin na rin silang KAPATID.
Para naman sa mga KAPATID naming mga anime fans, mas aabangan pa natin ang mas pinatinding TV5 Animega block. As we know, kasama sa kanilang line-up ang Inuyasha, Inuyasha: The Final Act at ang ni-request kong anime sa TV5, ang Clannad. Sa aming nakalap na impormasyon ay sa April ito mapapanood, kaya humanda kayo, mga Asianovelas! Kung hindi pa kayo kabugin sa unique drama ng anime na ito, ay ewan ko sa inyo!
It was the same Holy Week last year, nang inanunsyo ng GMA 7 ang kanilang anime line-up para sa taong 2009. Pero hindi lahat ng kanilang ipinangako ay natupad (as always). Ang nakatenggang Idaten Jump ay nananatili pa ring nakatengga hanggang ngayon. Hindi na ako magugulat kung sa darating na Huwebes Santo hanggang sa Sabado de Gloria ay maglabas na naman sila ng pangako na more or less ay tengga na naman ang resulta.
Dapat nang ayusing mabuti ng ABS-CBN ang kanilang anime programming pagkatapos ng Semana Santa. Nagparamdam na ang TV5 sa kanilang Animega line-up, now it’s time for them to get serious. May mga binanggit si TV5 President Mr. Rey Espinosa sa ZOH kaugnay ng anime programming, kaya kung sino man ang makakapasok sa bubuuing Anime Council ng Kapamilya Network, sana ay tulungan ninyo ang ABS-CBN para maging leveled na ang labanan, sa kabila ng kanilang schedule (umaga sa ABS-CBN at primetime naman sa TV5).
Ayos lang kung binabastos ang aming panonood ng Soul Eater sa nakalipas na dalawang araw at sa pag-urong ng network sa Eyeshield 21. May Hero TV naman kaya kahit paano ay makakahabol na kami.
Ngayong April na rin nakatakda ang aming pagbabalik ni brother Genjo sa San Pablo City radio. Mapapakinggan nyo kami araw-araw sa Radyo Natin 106.3 FM. Kaya para sa mga naging suki namin sa San Pablo City, maging ang mga karatig-lugar namin sa Laguna 3rd District ay inaanyayahan namin kayong makinig sa “The Rush Hour Shuffle”, araw-araw mula 5:00 pm hanggang 7:00 pm.
Ang masakit nga lang ay kailangan naming palitan ang aming codename/identity. Sa ibang salita ay kailangan ko munang palitan ang aming nakagawiang mga pangalan sa ere. Kaya huwag kayong magulat kung iba na ang pangalan namin sa radyo. Kami pa rin sina Anime Kabayan at Genjo Sanzo. Same body, same voices but new names. Ewan ko ba sa MBC kung bakit pa namin kailangang dumaan sa ganito.
Have a simple observance of your Holy Week to all of us!

No comments:
Post a Comment